Kabanata XLIX
Ang Misteryo sa Computer Shop (Part 1)
ANDREI
Sobrang dami ng nangyayari ngayon sa paligid at halos di na kinakaya ng utak ko ang mga rebelasyong nangyayari. Sabayan pa ng pag kakatuklas ko sa pag kabuhay ni Isaiah.
Ito na ba ang regalong ibinigay sa akin ng maykapal. Kung sya man ang ibinigay nito ay ipag papasalamat ko iyon habang buhay. Hindi ako makapaniwala ng makita ko ito kagabi. Halos hindi nga ako nakatulog kakaisip rito. Pabaling baling ako sa kama sa pag iisip kung ano ba ang nangyari dito.
Bakit hindi kami nito nakilala? May amnesia ba ito? Ito ba ang naging sanhi ng pag kaka aksidente nito. Nasaan si Pamela? Nakaligtas rin ba ito gaya ni Isaiah.
Maraming katanungan at isa lang ang paraan para masagot namin ang mga tanong na iyon. Ang alamin ang lahat lahat kay Isaiah. Subalit napaka ilap nito.
Mariin nitong itinatanggi ang koneksyon nito sa amin. Na kesyo hindi raw ito si Isaiah at ito raw si Ishmael. Imposible yun at hind iako naniniwala. KAbisado ng isip ko ang kabuuan nito.
Pati nga puso, hindi ba Andrei?