CHAPTER 6
Masakit na Katotohan
SAMUEL
"Ganito ang gagawin mo, Marco. Ihahagis mo sa akin yang mga gamit na yan. Mag sisimula ka sa magagaan lang, halimbawa itong walis tingting muna, hanggang sa mag tutulong tulong kayong ihagis itong washing machine sa akin. Yan ang pang finale ko para bongga, kaya tatalikod ako para makita sa video na legit ang pag kagulat na reaction ko. Nauunawaan mo ba?" Mahabang paliwanag ni Aling Vicky kay Marco.
"Oo, Ninang gets ko na. Bilisan mo na dami pang kuda" sagot ni Marco rito.
"Ay shutang to! Kapag ikaw nag kamali mamaya, hahambalusin kitang bata ka! Sinasabi ko sa'yo." Sagot naman rito ni Aling Vicky.
Narito kami ngayon sa likod bahay ni Aling Vicky, ang sikat na kumadrona slash influencer dito sa Barrio Kanto Tiño. Hawak ko ang cellphone nito para makuhanan ang lahat ng gagawin nito. Ako ang naatasang mag cameraman dito.
Kasama ko sila Andrei, Marco at Ricos. Tinutulungan namin ito para sa gagawin nitong #LipadngPangarapChallenge.
Hinamon kasi ito ni ka Celso sa IG live nito kaya inaccept naman iyon ni Aling Vicky ng walang kaabog abog at ito na nga kami ngayon upang samahan at tulungan na rin ito.
"Ikaw ba Samjo, alam mo na ang gagawin mo? Kuhanan mong mabuti itong maganda kong katawan, dito mo ifocus. Sayang naman tong lingerie na binile ko sa bumbay kung hindi makikita ang ganda at hubog nito. Kailangan plakado tayo. Para Pak na Pak. Ganooyn!" paalala nito sa akin.
Tumango tango lang ako rito dahil alam ko naman ang ginagawa ko. Kahit hindi ko maunawaan kung bakit ganoon ang suot nito. Hindi ko na nga lang ito kinontra pa.
"Yuck na Yuck! Nakakadire ka kaya, Ninang, Bakit kailangan naka ganyan ka pa? Victoria Secret model ka ba?Tinalo mo pa si Miss Manila sa suot mo" Tanong ni Marco kay Aling Vicky. Ito lang talaga ang nakaka sagot sagot kay aling Vicky.
Mas bagay sa akin yan. Hmmpft! Chura mo Ninang.
Rinig ko pang sabi ni Marco kahit mahina iyon. Natawa na lang ako rito. May pag kakengkoy rin talaga ito kung minsan, ay hindi minsan, madalas pala.
"Obvious ba? Dream girl to inaanak! Pantasya kaya ako ng Barrio natin. Nauna ako sa titulo ni Joyce Jimenez bago yun ibinigay sa kanya." Sagot nito sabay ikot ni Aling Vicky. Yung ikot ala Catriona Gray.
"Parang binibining Joyce Bernal ata. saka Mas bagay sayo yung binibining undas, Ninang. Pa agnas na nga kayo, ilang araw na lang. Naka pag forty days na ba kayo?" komento pa rin ni Marco na direng dire talaga kay aling Vicky.
"Shuta ka! Hindi ko ibibigay sa'yo yung brochures ng Avon ko, puta ka! Goodbye sa mga naka brief na model doon." Inis na turan nito kay Marco.
"Nag bibiro lang ako, Ninang. Ang ganda nyo kaya, katunayan kamukhang kamukha nyo si Mother Sitang ng Thailand. Perfect" pumalakpak pa ito.
"At sino naman yun?" Tanong nito.
"Isa syang Reyna sa bansa nila. Half human, half Digimon. Tara start na tayo, Ninang. Nang matapos na, umiinit na baka masunog pa ang balat ko sa araw." Sabi pa ni Marco.
"Good. Gusto mo talaga tinatakot ka pa na bata ka. Okay, ready na ba kayo ah. Kailangan magawa natin ito ng tama, para sa views. Okay na ah? Simula na tayo. In Three, Two. One!. Muuuuuuusic!" Sigaw ni Aling Vicky at nag simula ng ngang tumugtog ang ililipsync nito.
Liparin mo ang hangganan ng langit
Agad na hinagis ni Marco ang planggana kay aling Vicky, medyo napalakas ng hagis nito. Para lang kasing ibinato talaga nito iyon.
Sa lakas nga ng pag bato ni Marco ay hindi iyon nasalo ni Aling Vicky. Mabilis na tumama iyon sa ulo nito dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog ng pag tama at matumba ito.
"Homaygad!" Rinig kong sigaw ni Ricos.
"Shuta kaaaaaaaaaa! Marcoooooo! Cut! Cut! Cuuuuuuuuuut! Aray ko, putang ina! Nabukulan ata ako. Araaaaaay!" Sigaw ni Aling Vicky na hirap na hirap tumayo. Ipinilig pilig pa nito ang ulo nito.
Nilapitan naman ito ni Andrei. Malapit lang kasi ito dito, na syang dapat tiga salo naman ng ihahagis ni Aling Vicky rito. Nang makatayo ito ay lumapit ito agad kay Marco at piningot ang tenga nito ng may gigil.
"Aray. Aray. Aray ko Ninang, Bakit ba?? Ano bang Mali sa ginawa ko, eh hinagis ko naman sa'yo?" Inosente pang tanong ng pilyo kong kaibigan.
"Giatay kang depungal ka! Papatayin mo ba ako. Tignan mo nag kabukol ata ako sa ginawa mo. Hindi ba't sabi ko kanina, walis ting ting muna ang unahin mo, tapos ipalobo mo yung pag hagis hindi yung parang binabato mo ako, Nyeta ka!" Paliwanag ni Aling Vicky rito.
"Ah, kasi sabi nyo maliit muna. Mas maliit kasi ang planggana sa walis tingting, Ninang. Tignan nyo" Sabi ni Marco at pinag dikit yung walis at planggana.
Medyo mas mataas lang ang taas ng walis kumpara sa planggana pero mas malaki pa rin iyon kumpara sa walis.
"Shuta kang bata ka! Mamamatay ako sa'yo ng maaga sa ginagawa mo. Oo na, ako na ang mali. Kasalanan ko na. Basta ito muna ang unahin mo! Ako ang sundin mong hayop ka. Wag kang mag desisyon mag isa." nanggagalaiting sabi ni Aling Vicky rito.
Tumango lang si Marco na akala mo ay isang anghel kung makangiti at walang kalokohan na naiisip. Knowing him, pupusta ako. Nilabas lang sa kabilang tenga nito ang sinabi ni Aling Vicky.
"O sya, ayos na. Basta tandaan mo walis muna tapos sunod itong payong, pag ka tapos itong planggana. Ihahampas ko sa'yo to talaga, Makita mong bata ka, kapag nag kamali ka pa ulit. Naiintindihan mo na ba? Palobong hagis ah. Palobo. Uulitin ko palobo ah. Palobo!" Sabi pa ni Aling Vicky.
"Okay po, Ninang. Paulit ulit. Ayos na ayos po. Palobo. Palobo" tumango naman ulit si Marco at ngumiti na nauunawaan ang sinasabi ng matanda.
"Okay, start na ulit tayo. Ready ka na, Samjo? Ikaw, Andrei." Tanong nito sa amin ni Andrei.
Sabay naman kaming tumango ni Andrei. May mangilan ngilang mga tao na rin ang nanonood sa paligid.
"Muuuuusic!" Sigaw muli ni Aling Vicky at pumainlanlang muli ang kanta ni Charice.
Liparin mo ang hangganan ng langit.
Hinagis ni Marco ng palobo ang walis tingting at maayos naman itong nasalo ni Aling Vicky at nag simula na rin itong umakting acting habang nag lilip sync.
Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit
Muling nag hagis si Marco ng bagay. Isa iyong payong at nasalo naman ulit iyon ng walang kahirap hirap ni Aling Vicky. Mukhang naintindihan na ni Marco ang nais mangayari ng Ninang nito at naging smooth lang ang nagaganap.
Kaya maganda ang kinakalabasan ng pag kuha ko ng video rito. Naka antabay naman si Andrei sa mga ibabalik nitong mga gamit.
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Nag hagis muli si Marco at this time palanggana naman. Ito yung naunang naihagis kanina. Mabuti na lamang at nasalo iyon ni Aling Vicky ng walang kahirap hirap. Mukhang inaasahan na nito iyon, pero naiba na naman ang pag kakasunod sunod.
Medyo nag aalala talaga ako sa naiisip na ihagis ni Marco, pasaway kasi talaga ito lalo na at darating na ang linya kung saan ang pinaka highlight ng kanta.
Pangarap ng inang bayang tinatangiiiiiii ihhhhhh
Kasabay nun ang pag talikod ni Aling Vicky ito na ang hinihintay na pasabog. Gaya nga ng sabi nito, gusto nitong maging legit ang reaksyon ng mukha nito sa camera kaya tumalikod ito.
Mayamaya ay nagulat na lamang ako ng may lumipad na kalabaw at sakto pag harap ni Aling Vicky ay pumalobo rito ang katawan ng kalabaw. Parang nag slow mo pa iyon bago bumagsak rito.
Legit na legit nga ang pag kagulat sa mukha nito, maging kami ni Andrei ay gulat na gulat sa hindi inaasahang lilipad patungo rito.
Ingaaaaaaatan mo, ang lipad nggggggggggggg pangaaaaaarap
Hindi na ito nakapag handa dahil din sa gulat na lumipad na kalabaw. Napamura na lang ito ng malakas at tinanggap ang sasapitin.
"Shutaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!" Sigaw nito.
Umaasa sa'yo ang bayan mong nag hihintay
Kitang kita ko kung paano ito nadaganan ng kalabaw at mapailalim ang katawan nito doon. Ititigil ko na sana ang pag vivideo ng may lumipad pang bagay patungo sa naka handusay na si Aling Vicky.
Kamtin mo sa dulo ng lahat nang iyong pag papagal.
"Hayooooop kang bata ka, Marcooooooo!!!" Tili ng lalaki bago bumagsak sa kalabaw at kay Aling Vicky.
Si Kapitan Tutan pala ang lumipad at naihagis nilang dalawa. Nakita ko pa lang ito na nanonood malapit nga sa mga gamit na ihahagis sana ni Marco at Ricos.
Kasabay ng pag bagsak nito ay ang pag tatapos rin ng kanta.
"Ayos, tiyak kong mag ba viral ang tiktok ni Ninang. Yes! Teka nasan na si Ninang Vicky?" Inosenteng tanong pa ni Marco sa akin.
"Ay gago ka, Marco ayun si Aling Vicky oh. Nakabaon na. Pota ka, sabi ko sa'yo hindi nya kakayanin yung kalabaw. Ang kulit mo kasi, eh." Narinig kong reklamo ni Ricos kay Marco.
Agad namin nilapitan ni Andrei si Aling Vicky at Chineck ang lagay nito. Inalis namin ang mga nakadagan dito. Kasama si Kapitan Tutan na nahimatay pa ata.
Itinayo rin namin ang kalabaw at nasa maayos naman itong lagay. Inismiran pa nga kami nito at nag lakad na palayo.
Mukhang si Aling Vicky ang napuruhan dahil hindi na ito gumagalaw. Nakapikit lang din ito.
"Ninaaaaaaang! Jusko po! Bakit naman ninyo kami iniwan. Ang bilis naman. Paano na lang ang barangay natin ngayon wala ng pinaka chakang kumadrona rito. Huhuhuhu" Atungal ni Marco na nakalapit na pala sa nakahandusay na si Aling Vicky.
Tinignan ko si Aling Vicky na nakahiga. Nakita kong nahinga naman ito, nahimatay lang siguro ito. O hindi ko din alam kasi minsan nag pa prank din talaga ito. Kaya nga dito nakukuha ni Marco ang ilan sa kalokohan na ginagawa nito sa amin.
"Tumawid ka na Ricos." Sabi ni Marco pag karaan kay Ricos na nasa tabi lang din nito at tumatangis rin.
"Huh?para saan, Marco?huhuhu" tanong nito sa pagitan ng pag iyak. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang ito, minsan. Si Marco na may pagkasalbahe at si Ricos na may pag kauto uto.
"Ililibing na natin si Ninang Vicky. Para hindi ka dalawin." Sagot ni Marco kay Ricos.
Sa takot ni Ricos ay hinakbangan agad nito si Aling Vicky natagalan pa nito ang mukha at muntikan pa nga itong masubsob sa pag mamadali.
"Buhatin mo na rin, Samjo si Kapitan Tutan at itabi rito kay Ninang. Para isahang baon na lang ang gawin natin. Ikaw na Andrei ang tumayong pati at mag alay ng huling dasal." Tawag pansin sa amin ni Marco. Napatanga lang ako rito.
Tumayo ito at kumuha ng pala. Naka kunot noo lang si Andrei habang pinag mamasdan nito si Marco. Mag papala na sana ng buhangin ito ng biglang gumalaw si Aling Vicky at napasigaw bigla si Ricos.
"Zombie!" Sigaw nito at mabilis na puma tumakbo.
"Hijodeputa ka talaga, Marcooooooo!!!!!!!!!!" Sigaw ni Aling Vicky habang unti unting tumatayo sa pag nakahandusay.
"Okay, batsi na ako guys. Kita kits na lang mamaya. Bye Ninang. I love you." Sagot ni Marco at kumaripas na rin ng takbo kasunod ni Ricos.
Kami lang tuloy ni Andrei ang naiwan at tumulong kay Aling Vicky at kapitan Tutan.
"Dyaskeng mga bata na iyon, sobrang lalakas. Sinasabi ko sa inyo Andrei at Samjo. Ikakamatay ko talaga ang kunsumisyon sa batang iyon. Lintik ka talaga Marco. Humanda ka talaga sa akin pag nakita kita." Pagrereklamo sa amin ni Aling Vicky.
Natawa na lamang kami ni Andrei sa pag mamaktol nito. Kahit ano naman kasing kalokohan ang gawin ni Marco rito, ay palagi pa rin itong nag aalala sa kaibigan namin iyon. Ito kasi ang nag paanak sa nanay ni Marco at ito na rin ang tumayong ikalawang ina sa kaibigan namin.
Sigurado kaming hindi nito matitiis ang inaanak nito.
Matapos naming maayos ang lahat at matulungan na rin si Aling Vicky ay iniwan na namin ito at hinanap sila Marco at Ricos.
Tiyak namin na nag tungo ang mga ito sa parke, malapit sa malaking lumang bahay. Isa rin kasi iyon sa tinatambayan namin at ng mga kabataan rito. Dali dali na rin kaming nag lakad patungo roon.
----
Naabutan naming nakikipag sigawan si Marco kay Facundo malapit sa duyan na bakal.
"Hindi mo dapat inaway si Almira, babae sya" sigaw dito ni Facundo. Nakita naming inaalo nito ang umiiyak na si Almira.
"Kahit babae pa sya, hindi dapat syang nanunulak. Inaano ba namin sya ni Ricos ha! Saka hindi naman sya tao. Ang laki ng ulo nya kesa sa katawan nya. Mukha syang palitong gamit na." Ganting sigaw rin ni Marco rito. Nakita rin namin na naiyak si Ricos sa may tabi nito at may galos ito sa mga tuhod.
"Grabe sya!" Komento ni Agrippina na katabi lang din ni Ricos at umiiyak rin pero napatigil sa panglalait ni Marco kay Almira.
Lalapit na sana ako ng hilahin ako ni Andrei at nag tago kami sa may halamanan. Nag tatanong ang itsura ko na napatingin rito.
"Hintay lang, Samjo. Tignan natin kung ano ang gagawin ng grupo nila kay Marco. Namumuro na din sa akin yan si Almira eh. Ninakawan ba naman ng halik si Black at Gray" Naiinis na sabi ni Andrei sa akin.
Kaya naman hinihintay na lang namin ang gagawing aksyon ng grupo nila. Nasa walo rin ang bilang ng kasama ni Facundo. Ilang beses na namin na kakaaway ang grupo nila dahil mga bully nga ito. Lalo na si Facundo.
"Mayabang kang bakla ka! Sino bang pinag mamalaki mo ha?Yan si Agrippina na walang tite! Ha!"Sabi ni Facundo at dinuro pa ito. Para itong character ni Damulag sa Doraemon. Kamukhang kamukha kasi nito iyon.
"Hawakan mo nga sa tenga, Facundo kung matapang ka talaga" sabi naman ni Norman ang hawig naman ni Suneyo.
"Wag na, mahawa pa ako ng kabaklaan nyan!" Tanggi ni Facundo sa sinabi ni Norman.
"Wow! Nahiya naman ako, Facundo.Sa'yo talaga nanggaling yan ah. Itsura mo! Kung anong nilaki ng ulo ni Almira, sya namang iniliit ng ulo mo at lapad ng katawan mo. Nag mukha ka tuloy embudo. Pota ka!." Asik dn ni Marco rito.
Akmang sasapakin ito ni Facundo sa banas ng may biglang sumulpot na di nila inaasahan. Natigil tuloy sa ere ang kamao ni Facundo.
"Anong kaguluhan ito?" Boses ni Black. Mga pamangkin ni Andrei na bigla na lamang dumating. Nang marinig iyon ni Almira ay umalis ito sa pag kaka yakap kay Agrippina bigla at pumunta sa pwesto nila Black at Gray.
Na outbalanced tuloy si Facundo sa biglaang pag alis nito dahilan para ikatumba sa lupa.
"Oh, Gago. Ano ka ngayon Majinboo. Iniwan ka bigla nung makakita ng gwapo." Pang aasar pa ni Marco.
Umiyak bigla ng malakas si Almira at niyakap ng mahigpit si Black. Dito ito umiyak ng umiyak sa dibdib nito.
Bago pa makareak si Marco ay mabilis na palang nawala sa pwesto ko si Andrei at pumunta na roon sa kumpol kung nasaan sila Marco.
Mabilis nitong hinatak si Almira at inihiwalay ang katawan ni Black.
"Dito kayong dalawa sa likod ko!" Utos nito sa dalawa na agad naman sumunod. Napangiti na lang ako sa ginawa ng dalawa.
Kahit kasi matanda sa edad ang mga pamangkin ni Andrei ay nirerespeto pa rin nila ito bilang Tito. Doon lamang din tumigil ng iyak si Almira ng makita nito na si Andrei pala ang nag alis ng pagkakayakap nito kay Black.
"Ano bang nangyari rito, Marco?" Tanong ni Andrei na hindi nawawala ang tingin kay Facundo lalo na kay Almira. Alam ko nag pipigil lamang ito na sapakin si Facundo.
"Paano yang si Almira, tinago ang kalabaw nitong si Agrippina na si Mio. Ayaw umamin tapos itinulak pa si Ricos. Malandi na masama pa ang ugali ng hydrocephalus na yan." Sumbong ni Marco.
"Sabi na ngang hindi ko, itinago si Mio. Ano naman ang gagawin ko sa mabahong kalabaw na iyon!" Sumisinghot singhot pa na pag tatanggol ni Almira sa sarili.
"Ikaw ang kumuha, sabi ni Agrippina naamoy nya sa katawan mo ang mabahong amoy ni Mio. Alam na alam ni Agrippina ang amoy ni Mio. Mag kasing amoy sila kaya hindi sya pwedeng mag kamali. Hindi mo kami maloloko Wilma Doesn't" sabi pa ni Marco rito.
"Kanina mo pa ako nilalait ah, hindi nga ako. Hindi! Black at Gray, ipagtanggol nyo naman ako." Sagot pa rin ni Almira at nakikiusap sa kambal.
Tinaasan lamang ito ng kilay ni Andrei ng akmang lalapit na naman ito sa pwesto ng kambal.
"Eh, anong kinalaman mo naman Facundo sa isyu nila?" Tanong ni Andrei kay Facundo.
"Nakita naming sinasabunutan ng baklang yan si almira, hindi naman tama yun!," Matapang na sagot ni Facundo.
Agad itong sinapak ni Andrei na ikinatulpit nito. Kitang kita ko paano bumakas ang takot sa mukha ng grupo ni Facundo.
"Kakampi ka na nga lang sa mali pa. Bakit bang trip na trip mong asarin si Marco. May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Andrei sa nakahandusay na si Facundo.
Halos masuka suka ang itsura ni Marco sa narinig na sinabi ni Andrei. Hindi naman na hinintay pa ni Andrei ang sagot nito. Nag babala na agad ito sa mga iyon.
"Minsan pang makita kita na ping titripan ang kahit saino sa kaibigan ko. Hindi lang yan ang matatamo mo. At ikaw Almira siguruhin mong hindi nga ikaw ang may kagagawan kung bakit nawawala ang kapatid ni Agrippina. Kundi malalagot ka sa akin"Banta ni Andrei sa mga naroon.
Inaya na kami ni Andrei paalis sa lugar na iyon at tinulungan pa naming hanapin ang nawawalang kalabaw ni Agrippina.
Natagpuan namin itong balak ng dalhin sa slaughter house. Mabuti na lang talaga at malakas ang naging pang amoy ni Agrippina at nahabol namin ito.
Lumipas pa ang ilang araw at sa di inaasahang pag kakataon ay nag viral ang video na ginawa namin nila Aling Vicky.
Nadagdagan tuloy ang sampung subscribers, na apat pa sa sampung subscriber nito ay dummy account mismo ni Aling Vicky. Ngayon ay nasa Isang libo na ang nag subscribed sa YouTube channel nito na labis nitong ikinatuwa.
Nag karoon pa nga ng mini celebration sa bakuran nito. Syempre present doon ang kaibigan namin na si Marco.
----------
"Andrei, baka mag tungo ako sa bahay namin sa Samar para puntahan ang magulang ko. Kailangan kong sabihin kay Mommy ang lahat ng nangyari sa akin" Simula kong sabi kay Andrei.
Nasa labas kami ng bahay nila at nakahiga parehas sa ginawang duyan ng tatay nito sa ilalim ng puno ng acacia.
"Sigurado ka na ba dyan sa gagawin mo?" Tanong nito sa akin. Nakatanaw lang din ito sa mga bituin sa kalangitan.
Gabi na kasi at wala masyadong ulap. Kaya kitang kita namin ang ganda ng kalangitan. Tadtad iyon ng mga bituin.
"Oo, sigurado na ako. Nakaipon naman na ako ng pamasahe sa pag tulong ko sa pangingisda at pag tatanim kila ka Riel. Tapos itinatabi ko pa ang mga perang ibinibigay sa akin nila tatay at nanay mo. Maging sila Kuya Jack at Kuya Roman, pag binibigyan ako ng pera. Sapalagay ko ay sapat na iyon" Sagot ko rito.
Napatingin ito sa akin, may kung anong hinahanap sa mata ko. Mayamaya ay bigla na lamang itong umalis sa tabi ko at tumayo. Pumasok sa loob ng bahay at ilang saglit pa ay lumabas rin ito na may bitbit na alkansyang baboy.
Iniabot nito iyon sa akin. Nag tataka naman akong tinanggap iyon.
"Isama mo na rin yan sa perang naipon mo. Baka kulangin kasi ang perang naitabi mo." Sagot nito sa akin at muling umupo sa tabi ko.
"Eh, di ba inilalaan mo ito sa bisikleta na gustong gusto mong bilhin. Hindi ka pa nga nakain sa school nyo at nag titipid ka talaga para lang makabili noon" Sabi ko rito akmang ibabalik ang piggy bank nito ng pigilan ako nito.
"Magiipon na lang ulit ako. Mas kailangan mo iyan" Nakangiti nitong sabi sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang namasa ang mga mata ko sa ginawa nito.
Isinasakripisyo nito ang kaligayahan nito para lang tulungan ako. Eh, ikalawang ipon na nga nya ito. Yung unang ipon nya ay ibinigay nya kila Kuya Nico at Isaiah ng mangailangan ang mga ito ng tulong.
Isa si Andrei sa unang nag bigay ng pera sa mga ito. Hindi talaga ito madamot sa amin. Madalas nga mas inuuna pa nito ang kailangan namin bago sya. Kaya nga hangang hanga ako dito. Idol ko talaga itong si Andrei.
"Salamat, Andrei. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa'yo balang araw." Madamdamin kong sabi rito.
"Wala yun. Hindi mo kailangan palitan iyan. Kapatid kita, kaya natural lang na tulungan kita. Saka gusto ko rin kasi na maging masaya ka na. Alam ko naman na namimiss mo na ang mga mga tao sa bahay nyo, lalo na ang mama mo, pwera na lang sa ama mong hudas" wika nito.
Natawa kami parehas sa sinabi nito. Tama ito, namimiss ko na talaga si Mommy. At gustong gusto ko na talaga itong makita.
"Mag papaalam ka ba sa mga kaibigan natin?" Tanong ni Andrei pagkaraan ng katahimikan.
"Hindi ko alam. Siguro hindi na. Ipag paalam mo na lang ako. Mag iiwan na lang siguro ako ng sulat" Sagot ko kay Andrei.
Hindi ko kasi alam kung makakaya kong mag paalam sa kanila ng personal. Syempre napalapit na din sila sa akin. At napunan nilang lahat ang pag aaruga na hinahanap ko sa sariling kong mga kadugo.
Itinuring nila akong anak, kapatid at kadugo. Kaya naman ganoon rin ang turing ko sa kanila. Kaya nahihirapan ako. Baka kasi hidni ko na sila makita pa, sakaling makabalik na ako sa dati kong pamumuhay, sa pamilya ko.
"Bahala ka. Kung yan ang nais mo, hindi kita pipilitin mag paalam sa kanila. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na mas okay pa rin kung mag papaalam ka ng maayos" Sagot nito sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. May punto rin kasi talaga si Andrei. Bahala na. Matagal tagal pa naman iyon. Kailangan ko munang mag plano. Hindi pwedeng sumugod ako agad doon ng walang baon na armas.
Sa ngayon, eenjoyin ko muna ang sayang dulot ng mga kaibigan ko. Ang pamilyang tumanggap sa akin rito sa Leyte.
----
Makalipas pa ang isang linggo ay narito na nga ako sa sakayan ng bus papuntang Samar. Sa lugar kung saan ako nag mula at isinilang.
Hindi ko na nagawang mag paalam sa mga kaibigan ko at sa mga taong kumupkop sa akin ng ilang taon. Kailangan ko na kasing harapin ang buhay ko.
Napamahal na sa akin ang Barrio Kanto Tinio, maging ang lahat ng mga naninirahan roon. Kaya nga ang hirap mag paalam sa knila. Lalo na kila Andrei. Kaya naman nag iwan na lamang ako ng tig iisang sulat para sa kanila.
Kailangan kong gawin ito at kailangan kong malaman mismo kung sino ang batang nag papanggap na ako. May duda ako pero kailangan ko iyong mapatunayan.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng ordinary na bus na ito. Habang nag iisip sa kawalan ay nakita ko si Agrippina at ang kalabaw nitong si Mio na may hatak hatak na kawayan.
Sakay nun ang mga kaibigan ko na sila Andrei, Marco at Ricos.
Nung makalapit na sila sa pwesto ko ay nakatitigan ko pa si Andrei at mukhang naiinis ito. Base na rin sa expression ng mukha nito.
"Salamat. Charice! May gantimpala ka sa aking pabango, mamaya. O sya. Lumayas na kayo ng kapatid mong si Mio.
"Grabe sya talaga. Sabagay, pamilya ko din naman talaga itong si Mio. Good luck sa inyo. Mio, Tara na. Manliligaw pa tayo. Hiyaaaaah" Rinig kong sabi pa ni Agrippina.
Nakita agad ako ng tatlo kaya hindi na ako nag tago pa. Nat madali silang umakyat ng bus kung saan ako nakasakay.
"At talagang balak mong tumakas ng hindi man lang, nag papaalam sa amin na impakto ka!" Inis na wika sa akin ni Marco. Nasa harapan ko na sila at nasa gitna sila ng daanan sa loob ng bus.
"Pero kasi.." simula kong sabi pero hindi na ako pinatapos pa nu Marco.
"Wala ng pero pero, ayaw mong mag paalam. Pwes, sasamahan ka na lang namin kung saan ka tutungo." Sagot nito at agad umupo sa katapat kong upuan.
Mag katabi silang dalawa ni Ricos, habang si Andrei naman ay tahimik lang na umupo sa tabi ko.
Nataranta ako sa gagawin nila. Hindi pwede ito, baka hanapin sila ng mga magulang nila. Mapagalitan pa ang mga ito dahil sa akin.
Mukhang naramdaman naman ni Andrei ang pag aalala sa mukha ko kaya nag salita ito kahit hindi ako tinitignan.
"Wag kang mag alala, nag paalam yang mga yan na may pupuntahan kaming camping. Sinabi nila na ako ang kasama kaya agad pinayagan si Marco ng itay nya. Samantalang si Ricos naman ay hindi naman iyan hahanapin ni Aling Vicky dahil alam na kasama lang ako lagi. Sinabi ko rin kay itang na sasamahan kita kaya pumayag na rin. Ano may kontra ka pa?" Mahabang salaysay nito.
"Pero kasi Andrei, problema ko ito. At sinabi mo sa akin na nirerespeto mo ang desisyon ko!" Tugon ko rito ng maalala ang sinabi nito sa akin.
"Kaya nga. Nirerespeto ko ang desisyon mo, sila Marco at Ricos ang hindi. Gusto ka nilang samahan at trabaho ko naman na bantayan at protektahan yang dalawang yan. So, technically Wala akong nilabag sa sinabi mo" Sagot nito sa akin. Napanganga na lang ako rito.
"Oo nga! Teka gusto nyo?" Sabi ni Marco, sabay abot ng pag kain na hawak nito. Popcorn iyon at nakita kong kumakain na ito at si Ricos.
"Busog pa kami. Kayo na lang ang kumain" sagot ni Andrei dito.
Ngayon ko lang napansin na may tigiisang backpack na bitbit ang mga ito. May extrang supot pa si Marco na malamang ay pag kain ang laman. Napabuntong hininga na lang ako.
Napangiti rin dahil alam ko naman na kahit itanggi ko, ay natutuwa ako na kasama ko sila.
"Salamat, Boss" Mahinang tugon ko na narinig pala ni Andrei.
"Kapatid kita. At hindi kita o namin papabayaan na harapin ito ng mag isa." Sagot nito sa akin.
Hindi ko alam pero parang naluha ang mga mata ko sa sinabi nito. First time kasi na may nag sabi sa akin ng ganoon. Ang sarap pala sa pakiramdam.
Tumahimik na lang ako at isinandal ang ulo ko sa bag na nasa lap ko. Mahaba habang byahe ito pero tiyak kong hindi iyon nakakabagot at nakakatakot, dahil kasama ko ang mga kaibigan ko na tinuturing kong mga kapatid.
Nakarating kami ng hapon sa aming bayan kung saan ako nag mula. May mga alaala angsa akin ay nag babalik sa tuwing makaka kita ako ng mga pamilyar na lugar.
"Uy, kumain muna tayo guys. Naguguto na ako." Untag sa amin ni Marco.
"Kanina ka pa kain ng kain sa bus, tapos nagugutom ka pa rin?" Tanong rito ni Andrei. Simula kasi ng mag byahe ang bus ay hindi na natigil ang pag nguya nito.
"Hindi naman iyon kain. Saka kanin is life. Kaya kailangan ko ng kanin para may energy tayo pag nag tungo na tayo sa bahay nila Samjo" sagot nito sa amin.
"Ang takaw mo talaga. May alam ka ba rito na makakainan, Samjo?" Tanong nito sa akin. Umiling ako dahil kahit taga rito ako ay wala naman akong alam. Mansion at school lang ang routine ko araw araw.
"Tara mag tanong na lamang tayo. Ayun may matabang lalaki." Kumaripas ng takbo si Marco hila hila pa nito si Ricos, para tanungin ang lalaking nag titinda ng sigarilyo at mga inumin nakalagay sa cooler nito.
"Manong, manong pwede po bang mag tanong?" Rinig kong sabi ni Marco ng makalapit kami sa pwesto nito.
"Oo, pwedeng pwede. Ano bang itatanong mo?" sagot ng tindero.
"Salamat po. Kapag po ba pinag sama ang tide powder at Ariel powder, ay bubula po ba iyon?" Inosenteng tanong ni Marco rito. Natawa naman ang lalaki sa tanong nito.
"Oo naman, bata. Parehas lang naman na sabon iyon. Ang Dali naman." Mayabang pang sagot ng lalaki.
"Tara Ricos, doon tayo sa kabila mag tanong. Ambobo ni Kuya. Hindi naman iyon bubula kasi wala pang tubig, baka maligaw pa tayo kapag nag tanong muli tayo. " Bulong nito pero napalakas pa rin iyon.
Puro talaga kalokohan itong si Marco. Wala kaming matatapos sa ginagawa nito. Ako na ang lumapit kay manong at nag tanong ng seryoso.
"Manong, may alam po ba kayong murang makakainan rito?" Tanong ko dito. Tumango ito at tinuro ang karinderya, katabi ang laundry shop.
"Salamat manong." Sabi ko rito at agad ko ng hinabol sila Marco at Ricos para mag tungo na kami sa karinderya na tinuro ni Manong.
Nang matapos makakain at masigurong busog na busog na si Marco ay pumara na kami ng taxi patungo sa aking tirahan.
Bigla akong nakaramdam ng takot ng matanaw ko ang mga pamilyar na establisyemento na nadaraanan namin.
Napansin naman iyon ng aking mga kaibigan at sabay sabay ako nitong hinawakan. Kahit si Andrei na nasa harapan ay hinawakan ako, para ipaabot na narito lang ito.
Nang marating na namin ang daan papasok sa mansion namin ay namangha pa si Marco sa ganda ng lugar. Manghang mangha ito sa lawak ng nasasakupan ng aming tahanan.
Hanggang sa tumigil iyon sa napaka laking gate. Bago kami mag bayad ay nag tanong pa ang taxi driver kung kaano ano raw namin ang nakatira sa mansion na iyon.
Sinabi na lang ni Andrei na may kamag anak itong nag tatrabaho roon, ng mapansin nitong hindi ako nag salita.
Pag kababa namin ng taxi ay isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng masilayan ko muli ang mataas na gate namin. Hindi ko tuloy napigilang maluha. Sa wakas naka balik na ako.
"Pindutin mo na Samjo ang doorbell, ng malaman na ng Mommy mo na narito ka na" wika ni Marco sa akin.
Nakakaintinding ngiti lang ibinigay sa akin ng mga kaibigan ko. Dahan dahan akong lumapit sa doorbell at pinindot na iyon. Lumikha iyon ng tunog.
Madalas kapag naririnig ko iyon ay nag mamadali na si manang na tumatakbo palabas at nakangiti itong sasalubong kung sino man ang dumating.
Lumipas ang ilang minuto subalit walang Manang o kahit sino man ang dumating para pag buksan kami ng gate.
"Antay pa tayo ng konti, tiyak ko hindi lang nila narinig na may nag doorbell. Promise lalabas din sila para pag buksan tayo. Sandali lang pindutin ko lang ulit baka hindi nila narinig" sambit ko at pinindot ko muli ang doorbell.
Lumipas muli ang ilang minuto subalit, katulad kanina ay wala pa rin lumalabas para tignan kami. Kaya sa inis ko ay ilang beses kong pinag pipindot ang doorbell pero kahit namumula na ang daliri ko ay walang taong nag bukas ng gate para sa amin.
"Tama na yan, Samjo. Baka wala sila rito. Baka nag bakasyon o di kaya may pinuntahan." Pag pipigil sa akin ni Andrei.
Napaiyak na lamang ako na yumakap rito. Lalo na ng mapansin ni Marco ang isang karatula na may naka sulat na FOR SALE.
Bakit nagawa nila sa akin ito? Talaga bang kinalimutan na nila ako? Paano nilang naatim na wala ako sa tabi nila.
"May kilala ka bang kamag anak na mapupuntahan natin para maitanong kung nasaan ang pamilya mo ngayon?" Tanong ni Andrei sa akin. Agad akong umiling rito.
"Kaibigan ng pamilya mo? Ninong mo o Ninang?" Tanong naman ni Marco sa akin.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Eros at si Icarus. Ang pamilya Altamirano. Isa sila sa mga kaibigan ng magulang ko. Tiyak alam nila kung nasaan ang mga ito at baka matulungan rin nila ako. At alam ko ang bahay nila kung nasaan.
"Kailangan natin mag tungo sa bahay ng mga Altamirano. Kilala sila ng pamilya ko at tiyak akong matutulungan nila ako." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Nag karoon ng pag asa ang mukha ko. Subalit bago kami umalis sa dati naming mansion ay umungot pa ng pag libot si Marco sa akin.
"Wala ka bang alam na sikretong daan dito para makapasok tayo sa loob, Samjo. Parang ang ganda lang kasi ng bahay mo. Haciendero ka palang impakto ka" Puri nito sa akin.
Naisip ko bigla ang sikretong daan na madalas kong lusutan sa tuwing hindi ako pinapayagan ni Daddy mag laro. Si Mommy at ako lang ang nakaka alam ng sikretong daan na iyon.
Kaya naman isinama ko sila sa likod ng mansion. May parang kakahuyan roon at may lumang balon kung saan naroon ang sikretong daan patungo sa loob ng mansion.
Nahihintatakutan pa si Marco at Ricos ng makarating kami at makita nila iyon.
"Hayop ka naman Samjo. Sikretong daan, hindi ko sinabing balon. Mamaya lumabas pa si Sadako dyan. Shuta ka!"Tugon sa akin ni Marco.
"Hindi yan, daanan talaga ito patungo sa aming mansion. Manood ka" sabi ko rito at agad may pinindot sa may ilalim ng bato.
Biglang umugong ang bato at ang kaninang lumang balon ay gumalaw ng dahan dahan patungo sa kaliwa. Bumungad sa amin ang hagdan pababa.
"Wow! Ang lakas maka tomb raider ng dating. Syempre ako si Lara Croft. Lead the way Samjo" Excited na turan ni Marco.
Tinahak na namin ang daan pababa. Bawat hakbang namin ay kusang nailaw ang nilalakaran namin. Hindi mawala wala sa mga mata ng kaibigan ko ang pag kamangha.
Isang malawak na hallway ang naroon at patungo ito sa kwarto nila Mommy at sa library namin.
Yung patungo na lang sa library ang tinahak kong daan para rito. Mayamaya ay bumungad na sa amin ang pintuan ng library.
May pinindot pa akong numero roon at kusa na itong bumukas. Hindi ko akalain na yung itsura ng library ay ganoon pa rin. Walang nag bago. Medyo maalikabok nga lang pero all in all. Ito pa rin ang itsura nya, ng huli ko itong makita.
"Grabe may sarili kayong library sa mansion nyo. Sobra ka na talaga Samjo. Tama talaga na naging kaibigan kita,eh. Ang daming libro. May rated r na komiks ba dito o magazine?" Tanong nito sa akin. Tinawanan ko lang ito sa pag papakengkoy nito.
"Pwede kayong kumuha ng libro na nais nyo, sa amin lang kasi ito ni Mommy kaya lahat iyan ay pag mamay ari ko kaya ayos lang kung may magustuhan kayo at kunin nyo" sabi ko sa kanila.
Nag liwanag naman ang mga mukha nila lalo na si Andrei na hilig talaga ang mag basa. Hinayaan ko silang mag tingin tingin. Habang ako ay pumunta sa pinaka gitna.
Naalala ko pa na madalas kami ni Mommy rito at binabasahan nya ako ng kwento sa table na ito.
Hinawakan ko iyon at umupo sa madalas nitong upuan. Pumikit ako upang alalahanin ang masasayang araw na iyon. Hindi ko na napigilan pa ang maluha. Miss na miss ko na talaga si Mommy.
Kaya naman hindi dapat ako umiiyak. Wag kang mag alala mommy, mag kikita rin tayo. Matatag na sambit ko sa isip.
Tatayo na sana ako para puntahan ang kaibigan ko ng may mapansin ako sa drawer ni Mommy. May nakalagay na note doon na madalas gawin ni Mommy sa tuwing may nais itong malaman ko.
Isa iyong laro na madalas namin laruin kaya madalas natututo na ako ay nag eenjoy pa ako sa ginagawa namin.
Agad kong binasa ang naka sulat roon. Math Equations iyon na dapat kong sagutan bago ko malaman ang mensahe na nakasulat roon.
Maaring kapag nakita iyon na ibang tao ay iisipin na simpleng equation lang iyon, pero sa amin ni Mommy ay may sikretong naka sulat doon.
Agad akong nag hanap ng papel at ballpen. Sinimulan sagutan ang mga tanong roon. Kada tamang sagot ko ay may kaakibat iyon letra na nakasulat rin sa papel.
At ng masagutan ko na ang mga tanong roon ay nakabuo ako ng salita.
"Little Lord Fauntleroy." Basa ko sa nabuo kong salita.
Ito iyong madalas basahin ni Mommy sa akin, at isa ito sa pinaka paborito kong libro. Istorya ito ni Cedie.
Agad kong hinanap ang aklat na iyon. Subalit hindi ko makita ito sa dati nitong lalagyanan. Susuko na sana ako ng mapansin ko na isa sa mga hawak na libro ni Marco ay ang hinahanap ko.
"Marco, pwede ko bang makita syang libro na iyan?" Sabi ko rito. Tinignan nito ang libro at mabilis na inabot sa akin.
"Bakit anong meron dyan?maganda ba yan?" Tanong nito.
"Oo, maganda ito. Paborito ko nga ito. May titignan lang ako. Ibabalik ko na lang sa'yo mamaya" sagot ko rito.
"Okay lang, hanap na lang ako ng iba. Wala ka bang Peppa Pig or Barbie man lang na story dito?" Tanong nito sa akin. Agad ko naman itinuro ang kabilang section na puro pambata.
Nag tungo na muli ako sa table at sinimulan buklatin ang pahina ng aklat. May mga nakasulat roon at natitiyak kong sulat ito ni Mommy.
Bawat pahina ay may mga sinulat na salita, hindi pa kasama roon ang mga ilang nahighlight na salita sa pangungusap ng kwento. kaya naman kumuha muli ako ng papel at isa isang sinulat ang mga iyon.
Natapos na lahat ng pag kuha ng libro ang mga kaibigan ko pero hindi pa rin ako natapos kakasulat. Matyaga na lamang akong hinintay ng mga ito.
Nang maisulat ko na ang huling salita na nakasulat sa huling pahina ng papel ay agad ko na itong tinignan.
"Ano yan, Samjo?" Tanong ni Marco sa akin.
"Sulat ng aking ina para sa akin" naginginig kong sabi rito.
Hinayaan nila ako na basahin ang buong sulat na nabuo ko roon. Tahimik lang sila na nag hintay.
Mahal kong anak na Samuel.
Kung nababasa mo ito Anak, malamang ay wala na ako o maaring nakaligtas ka sa isang trahedyang plinano ng magaling na si Roberto.
Patawarin mo si Mommy, Anak kung hindi kita kayang sagapin sa ngayon, wala akong magawa anak dahil hawak tayo sa leeg ni Robert. Ayokong mapahamak ka, kayo ni Elise.
Anak wag kang magagalit kung inilihim ko sa iyo ang katotohanang ito. Hindi mo tunay na ama si Roberto. Kaya kung mapapansin mo ay ganoon na lamang kalamig ang turing nya sa'yo.
Sakali man na nakaligtas ka sa aksidente at nakabalik ka sa mansion na ito. Naniniwala ako na gagabayan ka ni Winston. sa kanya ka lamang mag tiwala anak wala ng iba pa.
Wag mo ako pupuntahan o hanapin. Hindi mo pa kayang labanan si Roberto, Anak. Hindi natin alam kung sino ang kasabay nya. Gusto ko sundin mo ang lahat ng mababasa mo sa sulat na ito Anak.
Sakali man na wala sa tabi mo si Winston ng mapahamak ka, nais kong hanapin mo sa address na ito si SAMUEL ALEXANDER DELA COSTA. sya ang iyong tunay na Ama.
Puntahan mo sya at humingi ng tulong anak, nakatago sa may vault sa taguan natin ng pag kain ang kwintas na mag papatunay na anak ka nya. Ipakita mo lang ito sa kanya anak. At tiyak na aangkinin ka agad nya.
Uulitin ko Anak, wag mo akong hanapin o piliting iligtas kung wala ka pang kakayanan. Ayokong pati ikaw mapahamak. Tiyakin mo na kapag hahanapin mo na ako ay may sapat ka ng kaalaman, at kakayahan nalabanan si Roberto.
Sa ngayon mag tiis na lang muna tayo na mag kalayo sa isat isa. Mahal na mahal kita anak, palagi mo sana iyong tatandaan.
Iniwan ko rin sa vault ang titulo ng lupa ng mansion na ito, nasa pangalan mo rin maiiwan ang lahat ng kayaman ng lolo at lola mo. May naitabi rin akong pera kasama ng kwintas para may magamit ka kung kinakailngan.
Mahal na mahal kita Anak. Mag iingat ka palagi.
Sunugin mo ang sulat na ito pag katapos mong basahin.
Hindi matigil ang pag patak ng luha ko, matapos mabasa ang nakasulat roon. Sadyang matalino rin ang aking ina. Noon pa man alam na nyang mapapahamak ako. Kaya nakapag plano ito.
Pinag handaan nya na ang lahat ng ito, at alam nya ring darating ang araw na mangyayari at pupunta ako sa lugar na ito.
Wag kang mag alala Mommy. Susundin ko ang lahat ng utos mo. Mag papa lakas ako. At hahanapin ko ang taong pinapahanap mo. Tinitiyak ko yan.
Matapos kong tumangis ng malala ay agad akong nag tungo sa vault kung saan kami lang ni Mommy ang nakaka alam. Nasa loob lang din iyon ng library.
Tahimik lamang akong sinundan at sinamahan ng mga kaibigan ko. Hinayaan nila ako sa ginagawa ko. Hindi sila nag tanong basta sinuportahan lang nila ako ng tahimik.
Nang makita ko ang vault na sinasabi ni Mommy ay agad ko iyon binuksan. Gamit ang secret code na kami lang ang nakakaalam.
Bumukas iyon at tumambad sa amin ang mga ginto, titulo, maraming pera at higit sa lahat ang gintong kwintas na may pendant na puso.
Kinuha ko ang lahat ng laman niyon at isinilid sa bag na nakita ko rin doon. Nang matapos ay tumulak na kami palabas ng mansion namin.
Dala dala ang mga bagay na maaring magamit namin sa takdang panahon.
Babalikan at ililigtas kita, Mommy. Magiging masaya rin tayo balang araw at matitirhan natin muli ang mansion na ito.
Tinignan ko muli sa huling pag kakataon ang kabuoan ng mansion na matagal, bago kami lumisan sa lugar na iyon. Baon baon ang pag asa na mag babalik muli roon.
----------
Nag desisyon kaming mag hotel nila Andrei at ng mga kaibigan ko. Hindi pa sana kami papatuluyin sa hotel na iyon kung hindi tumawag si Andrei sa Kuya Jack nito para ito ang mag book sa kanila.
Masyado na kasing gabi para bumyahe pa sila kaya dito na lang muna sila mag papalipas ng gabi. Bukas rin ng hapon ay susunduin sila ng bayaw ni Andrei na si Kuya Jack.
Tulog na ang mga kaibigan ko sa kama habang ako ay nakatanaw pa rin sa bintana. Iniisip ang natuklasan ko.
Ngayon lamang pumasok sa aking isipan. Kung paano ako itrato ni Daddy. Hindi pala kasi ako nito tunay na anak. Kaya pala madalas nitong paboran si ate Eliza.
Isa rin sa mga iniisip ko si Kuya Winston. Nasaan na ito? Bakit kung kailan ko ito kailangan ay saka naman ito nawawala? Mag kagayonman, sana ay nasa mabuti itong lagay.
"Hindi ka pa ba inaantok, Samjo? Napalingon ako sa kama kung saan naroon si Andrei nakahiga. Mag katabi kami nito sa kama habang si Marco at Ricos naman ang nasa kabilang kama na mag katabi.
"Hindi ako makatulog." tipid kong sabi rito. Ni isa sa kanila ay hindi ako tinanong kung para saan ang mga gamit na nakuha ko sa vault. Hinayaan lang talaga nila ako.
Alam kong gustong gusto na nilang alamin ang lahat lahat. Siguro hindi pa lang ako handa para sabihin sa kanila ang lahat. Alam ko naman na hihintayin nila ako at irerespeto sa kung anuman ang maging desisyon ko.
"Hindi ka talaga makakatulog kung nakatayo ka dyan. Mahiga ka na rito. At palagi mo sana tandaan, hindi ka kailanman nag iisa. Nandito lang kami, nandito lang ako. Mag pahinga ka na. Marami ka pang laban na kaka harapin bukas at hindi ka makaka laban ng maayos, kung puyat ka" Sabi nito at agad ng bumalik sa pag tulog.
Napangiti na lang ako sa sinabi nito. Kaya naman, humiga na ako sa tabi nito at pinilit matulog sa utos na rin nito.
KINABUKASAN
Agad kaming nag check out na sa hotel na tinutuluyan namin, bilang pag sama sa akin ng mga kaibigan ko. At marami raming rin naman akong pera galing kay Mommy.
Naisipan kong itreat ang mga kaibigan ko sa pinaka malaking mall sa Samar. Sinabihan ko silang mamimili kami ng mga nais nitong bilhin. Early Christmas gift ko na rin sa kanila.
Agad na nag tungo sa toy section sila Marco at Ricos, habang kami ni Andrei at sa mga damit panlalaki nag punta. Baka kami na lang rin ang mamimile ng damit nilang dalawa.
Habang busy ako sa kakahanap ng damit ay may isang tao akong hindi inaasahan na makikita sa department store na iyon.
"Oh, Bakit parang tulalang tulala ka dyan. Bilisan mo ng mamili ng Christmas gift sa ate mo at may pupuntahan pa ako. Kung bakit ba kasi sumama sama pa ako sa inyo ni Icarus. Teka, Bakit ganyan ang suot mo?" pautos na sabi ni Eros sa akin.
Mukhang naipag kamali ako nito. Teka tama ito na ako nga si Samuel pero hindi ako ang kasama nito.
Ibig sabihin narito lang din sa mall na ito ang pekeng ako. Ibig sabihin baka narito lang din si Daddy. Hindi nila ako pwedeng makita. Masasayang ang plano ni Mommy.
Agad akong napa atras kay Eros. Nag tataka naman itong napatingin sa akin. Mariin akong pinag masdan mabuti. Tumalikod na ako rito at nag lakad ng mabilis palayo rito.
"Teka, Sam! Saan ka pupunta? Hey, wait" rinig ko pang sabi nito. Ngunit hindi ko na ito nilingon pa.
Kahit miss na miss ko na ito ay pinigilan ko. Hindi pa ito ang tamang oras Eros. Sana maunawaan mo ako.
Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko. Kailangan ko silang makita agad. Baka maipag kamali rin nila ako sa impostor na iyon.
Nakita ko agad si Andrei. Agad itong lumapit sa akin ng mapansin nito ang pangamba sa aking mukha.
"Anong nangyari, Samjo?" Tanong nito agad. Kuyang Kuya talaga ang papel nito sa amin.
"Nandito sa mall ang taong nag papanggap na ako. Kailangan na nating umalis rito, hindi nila ako pwede makita Andrei." Sabi ko rito.
Hinawakan nito ang kamay ko. At mabilis kaming nag lakad patungo sa toys area. Mabibilis ang hakbang namin ngunit maingat at sigurado. Agad naman naming nakita sila Marco at Ricos. Sinabi ni Andrei dito ang mga sinabi ko.
Walang tanong tanong na binitiwan ng mga ito ang mga napiling hawak na laruan at agad sumama sa amin palabas ng department store.
Bago pa kami makalabas ng mall ay nakita ko pa si Eros na kausap na ang nag papanggap na ako kasama na nila si Icarus ngayon.
Nasa mga mata nito ang pag kalito. Lumingon lingon pa ito sa paligid. Animo'y may hinahanap. Saktong pag lingon nito ay nag tama ang mga mata namin.
Umiwas na ako ng tingin at nag madaling nag lakad kasama ang mga kaibigan ko.
Nakalabas naman kami ng ligtas at nangako na lamang ako sa mga kaibigan ko na sa Leyte na lang sila ititreat. Nag hintay na lang kami sa terminal ng bus sa pag dating ng bayaw ni Andrei.
Ilang oras pa ay dumating na din ito at tuluyan na kaming bumalik sa Leyte, pauwi sa aming tahanan sa ngayon.
Habang nasa byahe ay tinatanaw ko ang papalayong tanawin na dinadaanan namin.
Babalik ako, at Sisiguraduhin kong mag babayad ang lahat ng mga taong nag pahirap sa akin. Babawiin ko ang katauhan na ninakaw sa akin.
Hahamakin ang lahat, makuha KO lang ang nararapat na para AKIN.
Itutuloy...
Next Update : Side Story
"Finding Mio"
---------
Hi guys, magandang gabi sa inyo. Kumusta kayo? Naway nasa mabuti kayong kalagayan lahat.
Ako, ayos na ayos naman ako. Eto kakatapos ko lang mag gym, pauwe na ako sa bahay. Sa ngayon ay mag isa lang muna ako. Medyo sinasanay ko na hahahaha.
Anyway, gusto ko lang sabihin na hindi ko mapopost ng biglaang ang mga dating kabanata ng SABIK, maging ang sa TAKSIL.
Pansin nyo naman yung kay Kuya @MonsterTucker ay inirepublish nya tapos nareport agad. Tapos yung TAKSIL ko nareport din agad agad. Paborito talaga kami ireport.
Kaya siguro, araw araw ko na lang syang ibabalik kada kabanata. Baka kasi ayaw ni wattpad ng biglaan, gusto dahan dahan. Hahaha
Sa mga nais mabasa yung mga nakaraan kabanata, maari nyo naman sya mabasa sa Dreame account ko at Blogsite.
Updated yun. Kaya dun nyo mababasa lahat. Isearch nyo lang ang name ko na Kritiko Apollo. Lilitaw na iyon sa dreame o di kaya itype nyo yung SABIK sa search engine.
Ito naman ang blogsite ko. www. kritiko-apollo.blogspot.com
Maging sa Twitter ko ay bago na rin, kaya I follow nyo na lang ulit kung gusto nyo pa. @KritikoApollo
Medyo madami pa rin kasi nag ddm at hinahanap nga ako, ayan para isahang reply na lang ahahha. Tamad din ng daddy nyo noh. Pasensya na hahahaha.
Muli po nag papasalamat ako sa walang sawang suporta nyo at sa mga DM nyo na talaga namang nag papa lakas ng loob ko. Labyu all mwaaaaaaaah
Oh sya. Dating gawi. Mag ingat pa rin lagi at wag na wag nyong kalimutan ang manalangin ah. Mag pasalamat pa rin sa mga biyayang natanggap.
At tandaan na magiging maayos din ang lahat. 😉
PS
Grabe si Kuya makatulog sa balikat ko. Ang tindi sumandal, partida pa na may plastic cover sa pagitan namin. Hindi ba sya naiinitan?saka ambilis nya makatulog ah. Hahaha
Kwentong byahe sa Jeep ko. Ikaw anong kwentong Jeep mo?
kritikoAPOLLO
No comments:
Post a Comment