Thursday, April 8, 2021

ANGKIN - CHAPTER 8


 

*Babala : Nag lalaman ito ng mga maseselang bagay na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Labing walo pataas lamang ang maaring mag basa nito at mayroon malawak na kaisipan.

Malalang murahan. Malalang kantutan ng lalake sa lalake. Babae sa lalake. Tatluhan. Apatan. Palitan ng kapareha. all in all nakaka libog ng malala. Puro kalibugan.

May maseselang TEMA. LENGWAHE. KARAHASAN. DROGA. pwede ring HORROR. SEKSWAL.

May mga eksena rin dito na maaring hindi talaga pwede sa napakalinis mong pag katao. Ayoko lang na madumihan ka. Wala ka talagang matutunan dito kundi ang tigasan lamang.

Imahinasyon lamang lahat ito ng may akda. Kaya utang na loob kung hindi mo trip ang ganitong tema ng istorya. Wag mo ng basahin. Parang awa mo na. Mag next story ka na lang. NapAka dami pa dyan.

SALAMAT.

--------------------------------------------------------------------------

"Hagupit ng Kapalaran."

8


SAMJO

Sinugod nito si Andrei dahilan para mabitawan ni Boss ang mga dala dala nito at matumba ito. Maka ilang ulit pang dinuro duro ni Isaiah si Boss.

"Kasalanan mo 'to. Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Hindi sana sila mamamatay kung hindi dahil sa'yo!....... At sa putanginang painting na ito!" Sigaw ni Isaiah kay Andrei. Hinagis sa harapan nito ang painting na ipinakita sa amin ni Kuya Nico ng isang araw.

"Nasaan si Kuya Nico at Nanay Sabel, Isaiah?" Tanong pa rin ni Andrei rito kahit may kutob na kami sa maaring nangyari.

"Patay na sila!... Patay na sila... Iniwan na nila akong mag-isa. Aaaaaarrrggghhhh! Tang inang buhay to..." Sigaw nito habang hilam ang mga mata sa luha at nanghihina na lang itong napahagulgol paluhod sa lupa.

"H-hindi t-totoo yan.... Nag bibiro k-ka lang, di ba?" Rinig kong sambit ni Boss Andrei.

Napaiyak na lang sina Marco at Ricos na nasa tabi ko. Maging ako ay hindi ko na rin napigilan pang tumangis sa napakasamang balitang nadatnan namin.

"Kuya Nicooo.." Mahinang sambit ko.


------------------------------------------------------------


Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakagayak na kami ni Andrei upang mag tungo sa burol ng mga labi ni Kuya Nico at ni Nanay Sabel. Sila Marco at Ricos na lang talaga, ang inaantay namin para makaalis na kami.

Nang sugurin si Boss Andrei, kahapon ni Isaiah ay minabuti na lamang muna namin na  hayaan  itong ma pag isa. Tutal kasama at katu katulong naman nito si Pam kasama ang Nanay nito. Hinayaan na muna namin na mag palamig ito ng ulo, kaya gustuhin man ni Andrei na mag paiwan ay wala rin itong nagawa dahil sa pilit ngang pag tataboy ni Isaiah rito.

Ilang saglit pa ay lumitaw na ang dalawang paimportante naming mga kaibigan. Malayo pa lang sila ay napapa kunot noo na ako dahil sa itsura nilang nakikita ko. Mukhang nakasuot na naman kasi ng custome ang mga ito. Yung character pa yata ni Angelina Jolie ang ginaya nito ngayon. 

Naka all black dress kasi ito na may parang kapa pa at kapansinpansin ang mahabang sungay nito sa ulo. May props pa ito na kasamang tungkod na mukhang kinulimbat na naman kay ka Celso.

Samantalang si Ricos naman ay ganoon rin ang kulay ng suot. Black dress rin, kaya lang hindi bumagay rito ang wig na ginamit nito. Masyado iyong buhaghag kaya naman mas nag mukha itong mangkukulam. May hawak pa naman ito na parang uwak na laruan. Maging si Andrei ay hindi na maipinta ang mukha ng makalapit ang dalawa sa pwesto namin.

"Punyeta ka, Marco. Ano na naman ba yang suot mo?" Kastigo ni Boss rito. Umiikot pa si Marco sa amin para mas mapag masdan namin ang kabuuan ng kasuotan nito.

"Well, well, well. Ahehehe. Maleficent. Di ba ang ganda. Nahalungkat pa namin ito sa baul ni Ninang Vicky, oha!. Ginamit nya ito ng sumali sya sa Binibining Undas 1998. Ang ganda di ba. Perfect outfit para sa pupuntahan natin. Tara na." Mahabang paliwanag nito sa amin.

"Mukha kang tanga. Hubarin mo nga yan kundi ako ang mag huhubad nyan saiyo. Lahat na lang ginagawa mong biro. Mag bibigay tayo ng respeto kila Kuya Nico at kay Nanay Sabel baka nakakalimutan mo, tapos mag gagaganyan ka. Mag palit kayong dalawa ng maayos na damit." Saway ni Andrei dito. Biglang sumimangot si Marco.

"Malungkot rin ako, Boss. Hindi lang ikaw ang nawalan ng Kuya Nico. Maging ako rin. Alam kong matutuwa si Kuya kung nasaan man sya naroon, kapag nakita nya na ganito ang suot ko. Kaya nga nag effort pa ako ng ganito kasi ipinangako ko sa kanya na mag bibihis kami ni Ricos ng pambabae para maipinta o iguhit nya. Sa huling pag kakataon ba ay ipag kakait mo pa ba yun sa kanya. Wala kang puso." Madamdaming sabi ni Marco sa amin. Paiyak na nga sana ito. Mukha namang natauhan si Andrei sa naging pahayag nito.

"Bahala ka. Tara na nga, Samjo." Sagot na lang nito at nauna ng mag lakad. Susundan ko na sana ito ng makita ko ang pag ngiti ni Marco. Nag hawak kamay pa silang dalawa ni Ricos na animo'y kalahok sa MGI pageant at tatawagin na ang nanalo. Todo hampasan pa ang dalawa.

"Epektib ba ang drama ko, Sis.?" Tanong nito kay Ricos.

"Pak na pak. Lakas maka, Bea Alonzo. Paiyak na nga ako. Kabog na kabog mo gurl." Sagot naman ni Ricos dito. Napapailing iling na lang ako sa kalokohan ng dalawa. Kahit kailan talaga.

Mag kagayunman ay natuwa na rin ako dahil sa kaalamang nakakatawa na ang mga ito. Kahapon kasi ay halos mamaga na ang mata nila sa walang tigil na pag iyak, hanggang sa pag uwi namin ay iyak sila ng iyak. Hanggang ngayon nga ay bakas pa rin ang pamamaga ng mga mata nila. Sinundan ko na lamang si Boss.

Agad rin naman kaming nakasakay ng jeep patungo sa Baryo Marupok. Sa may barangay daw nakaburol ang mga labi nila Kuya Nico at Nanay Sabel. Kaya doon na rin kami agad didiretso. Umaasa na lamang ako na hindi na kami ipag tabuyan ulit ni Isaiah. Panay tuloy ang tingin ng ibang pasahero sa amin dahil sa suot ng dalawa naming kasama.

Nakayuko na nga lang si Boss sa sobrang hiya. Kahit ganoon naman ay alam kong suportado pa rin nito si Marco. Madalas naman nitong kunsitihin iyon sa mga kalokohan na ginagawa nito. Ewan ko ba at hindi rin talaga namin maintindihan kung bakit palagi naming napagbibigyan ito sa mga trip nito sa buhay ng walang kahirap hirap. Nagiging kunsitidor tuloy kami.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na kami sa may barangay kung saan nakalagak ang labi ng dalawa. Malayo palang kami ay kita na namin ang maraming tao. May mga nag susugal, mga nakiki nood, nag chichismisan at yung iba ay nakikikaen lang. May mga Pari at Madre rin kaming nakita na nakikiramay.

Papahakbang pa lang kami patungo roon ay bigla na lamang pumalahaw na ng iyak si Marco. Yung iyak na napaka OA talaga. Sinabayan pa ito ni Ricos. Sa sobrang lakas nga noon ay napatingin sa gulat sa amin ang karamihan na tao roon. 

"Punyeta!" NArinig kong mahinang tungayaw ni Boss.

"Ahuhuhuhu.. Juskooooooo! Hindi ko to kaya. Huhuhu.. K-kuya! huhuhu.. .B-bakit? Bakit mo kami iniwan.. Huhuhu... P-paano na lang kami na naiwan mo. K-Kuyaaaaaa... M-masakit.. Hindi ko na ito kaya...!" Atungal ni Marco at may pahimatay himatay effect pa ito na inaakay naman ng kunsintidor na si Ricos.

Akala mo kung umasta ay asawa lang ni Kuya Nico ito. Hiyang hiya tuloy kami ni Boss Andrei sa ginagawa ng mga ito. Kaya nag desisyon kami na magpahuli na lang kami ng lakad sa dalawa at pinauna na namin ang mga ito.

Papalapit na sana sila Marco at Ricos sa kabao upang sumilip roon ng biglang matapilok ito ala Mirriam Quiambao, dahil sa taas ba naman ng takong ng suot na sapatos nito. Tumalsik tuloy ang dalawang sungay na nasa ulo nito, dahilan para tumilapon sa may Aleng nakatanga sa eksena namin. Sakto pa sa nakangangang bunganga nito pumasok iyon kaya naman naisubo nito iyon ng di oras.

"AAccck!.....Pweeee!.. Putangina! Teka nga lang. Sino ba kasi kayo at ang eksenadora nyo ng taon. Mga Pisting yawa kayo, ah. Papatayin nyo pa ako.!.... Pwe!.... Tang ina, nalunok ko pa yata ang palamuti sa sungay mo. Hayop ka.!" Sigaw ng Ale at binato ang sungay ni Marco pabalik sa pwesto nila.

"Sorry naman, Ale. Bakit kasi naka nganga kayo dyan. Shuta. Char" Sagot ni Marco habang pinapagpag nito ang nadumihang damit.

"Piste! Sino ba nga kasi kayo. At kaano ano nyo ang asawa ko?" Sagot nito na ikinalito namin ng makalapit na kaming lahat. Pag silip namin sa may kabao ay hindi nga ito ang labi ni Kuya Nico.

Hiyang hiya na lang kami na humingi ng paumanhin rito. Nag kamali pala kami ng lamay na napuntahan. Kung hindi pa namin narinig ang pag tawag ni Pam.

"Kaya pala ang tagal nyo. Nandito sila Kuya Nico. Nasa likod, nandirito kami. Saka ang ganda ng outfit mo, Marco. Panalo." Natutuwang sabi pa nito kay Marco. Kaya naman lalong lumalakas ang loob ng kaibigan namin na maging gago eh. May mga pumupuri kasi rito.

"Palaban di ba. Hahaha. Salamat, Pam. I like you talaga." Natutuwang sagot naman ni Marco habang nasa likod lang kami nito nakasunod.

"Oo. Ano bang ginagaya mo. Dementors. Yung sa Hari Pater." Inosenteng tanong ni Pam kay Marco.

"Gaga. Maleficent ito, shunga. Ganda ganda, may pag ka slow. Tara na nga, Professor Snape." Sabi nito sabay hila kay Ricos na dali-dali namang sumama.

"Teka, anong nasabi kong mali?" Takang tanong ni Pam sa amin ni Andrei. Hinatak na lang namin ito para mag tungo na kami kung saan naroon sila Kuya Nico. Wala na kaming panahon pa para sagutin ito.

Naabutan naming nag ngangangawa na naman si Marco sa may nakasarang kabaong. Tanging larawan lang ng nakangiting si Kuya Nico ang nasa ibabaw noon. Tahimik kaming nag lakad at tumabi kila Marco at Ricos. Nakita kong pumikit si Boss Andrei at umusal ng dalangin. Ginaya ko na lamang ang iginawi nito.

"K-kuya! huhuhu.. .Bakit? Bakit mo kami iniwan.. Huhuhu... Paano na lang kami na naiwan mo. K-Kuyaaaaaa...Ang bata bata mo pa. Huhuhuhu... Sabi mo ipipinta mo pa kami ni Ricos. Sabi mo po protektahan mo kami sa mga miyembro ng DDS." Atungal ni Marco.

"DDS? Ano yun?" Inosenteng tanong na naman na narinig ko mula kay Pam. Tumabi rin kasi ito sa amin.

"Daks na Daks Sobra." Sagot ni Ricos na narinig ko. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil sa mga kaibigan ko. Tatanda talaga kami ni Andrei kapag sila ang kasama namin. Jusme.

"Ahhhh.. Akala ko DDe ni Sarawat." Sagot naman ni Pam dito. Patuloy pa rin ang pag atungal ni Marco sa ibabaw ng kabao ni Kuya Nico. Mabuti na lamang at wala ngayon rito si Isaiah. Teka nasaan na ba iyon?

" K-kuya! huhuhu.. .Hindi ko ito k-kaya.. Huhuhu... Hindi ko matanggap na naiwan mo kami. K-Kuyaaaaaa..." Si Marco. Habag naririnig ko naman na tahimik lang na naatungal sa tabi nito si Ricos.

"Bakit hindi ka na lang sumunod, Marco. Para naman hindi ka na malungkot." Inosenteng payo ni Pam na narinig ko. Agad na tumigil sa kakaiyak si Marco.

"Eh, kung ikaw kaya ang isunod ko. Shuta ka. Panira ka ng moment, eh. Ginigigil mo talaga ako." Sabi nito kay Pam.

Sakto naman iyon sa pag dating ni Isaiah na may dalang dalawang lata ng biskwit. Mukhang nag punta pa ito sa palengke para bumili ng ma ipang papakaen sa mga nakiki lamay. Pag kakita palang sa amin nito ay umiwas na ito ng tingin. Lalo na sa gawi ni Boss Andrei.

Mukhang naka pag isip isip na ito ng mabuti at medyo nakalma na rin. Hindi tuloy namin alam kung lalapitan ba namin ito o hindi. Nang makita ito ni Ricos ay bigla nalang nitong iniwan si Marco at agad na lumapit kay Isaiah.

"Eksena talaga lagi itong si Ricos. Hindi naman siya yung type ni Isaiah. Hmpft!" Komento ni Pam na ikinatingin ko rito. Bakit nasabi nito yung ganoon? May alam ba ito na hindi namin alam.

"Halika, Boss. Samahan mo muna ako roon para mag timpla ng kape at maibigay sa bisita. Hayaan muna natin sila at tiyak ko naman na ikaw at ikaw ang hahanapin nyan ni Isaiah, mamaya. Mag tiwala ka lang sa akin." Yaya pa ni Pam kay Boss Andrei.

Nalilito man si Boss sa sinabi nito ay nag patianod na lamang ito kay Pam. Ngunit bago pa ito mag lakad ay napatingin pa ito kay Isaiah na ngayon ay akap akap na ang umiiyak na si Ricos.

Hindi ko tuloy maiwasang pag tagpi tagpiin ang mga nakikita at naririnig ko na sinasabi ni Pam. Isina walang bahala ko na lang yun muna sa ngayon at nilapitan si Isaiah para maki chismis este makiramay.

"Pre, nakikiramay ako." Tugon ko rito. Bumitiw ito sa pag papakalma na yakap kay Ricos. Tinanguan ako nito.

"Salamat, Pre. Nasaan si Dreyfus?" Tanong nito agad sa akin ng mapansin na wala si Boss. Napangiti na lamang ako at siya namang simangot ni Ricos.

"Sinamahan si Pam para mag timpla ng kape para sa bisita. Kumusta ang imbestigasyon, Pre." Tanong ko rito. Animo'y mga matatanda na kami kung mag usap.

"Aksidente raw ang nangyari sabi ng mga pulis, Pre. At si Kuya Nico raw ang may kasalanan. Pinag laruan daw nito ang iniwan kong gasera sa may kusina. Hindi ako naniniwala. Alam ni Kuya na magagalit ako kapag pinakielaman nya iyon." Mariing sagot nito sa akin.

Tumango tango ako rito. Kahit alam ko na may pag kaisip bata si Kuya Nico ay marunong itong sumunod sa mga ipinapayo namin rito. Lalo na kay Isaiah at Boss. Alam kasi nito na kapakanan lamang nito ang inaalala ng dalawa kaya nasunod talaga ito. Ramdam ko at saksi ako roon.

"Ngunit hindi pa rin naman tapos ang imbestigasyon, Pre. Isa lang daw yun sa tinitignan nilang anggulo. Hindi pa rin nawawala ang isang posibilidad na may nanadyang sumunog sa bahay namin. At sigurado talaga akong sinunog iyon." Sagot nito na napatiim bagang pa. Ramdam mo ang sakit at galit sa salitang binitiwan nito. Tanging pag tango na lamang ng pag intindi ang nagawa ko para dito.

"Sige, Pre. Pasok ko lamang itong dala ko sa loob." Sagot nito sa akin pag karaan ng sandali at pumunta na ito sa isang maliit na silid sa may gilid. Kung saan nag tungo rin kanina sila Andrei at Pam. Susunod pa sana si Ricos ng pigilan ko ito.

"Dumito ka na lang muna. Hayaan mo munang makapag usap ang dalawa." Sambit ko rito. Napabunting hininga na lang ito at sinamahan akong umupo sa mga nakahilerang bangkuan.

Ilang sandali pa ay lumabas is Pam na may dalang kape na nakalagay sa tray at pinag bibigyan kami isa isa. Tumigil rin muna sa kakangawa si Marco at umupo ito kasama namin.

"Ang hirap palang maging crying lady, Shuta! Infairness, Ang hirap ng role na ginawa ni Ate Shawie, ah." Tugon pa ni Marco sa amin bago ito humigop ng kape na mabilis rin nito iyong naibuga.

"Oh bakit?" Tanong ko rito. Mabuti na lang at pahigop pa lang ako ng kape na inabot ni Pam.

"Shuta ka, Pam. Bakit ganito ang lasa ng kape ko?" Nanlalaking mga mata na tanong ni Marco kay Pam.

"Hindi ba masarap? Sabi mo sa akin date na favorite mo ang mga maaanghang. Basta may sili ay kakainin mo kahit ano pa yan. Natatandaan ko pa yun. Kaya lang wala akong sili na nakuha, hot sauce na lang nilagay ko. Ang talino ko, noh." Nasisiyahang sabi pa ni Pam kay Marco.

"Shuta ka talagang babae ka. Kape to at inumin ito. Kaya pala ang panget ng lasa. Ang sarap mong sabunutan na hayop ka. Umalis ka nga sa harapan ko. Kanina pa ako nanggigil sayo na demonyita ka." Gigil na sabi nito kay Pam. Natawa na lang ako sa dalawa.

Makalipas ang trenta minuto ay lumabas din ang dalawa. Napansin kong basa ang mata ng dalawa. Halatang galing sa pag iyak. Natuwa na rin ako dahil kahit paano ay may konting buhay na muli ang mata ni Boss Andrei. Siguro ay nag kaayos na rin ang dalawa.

Tamang tama lang rin ang pag litaw ng dalawa, dahil ilang saglit lamang ay dumating na ang lalakeng mag papadasal. Nagulat pa nga kami ng si Kapitan Tutan ang makita namin.

At gaya ng dati may dala na naman itong dowsing rods at parang mangkok na may kasamang pan dikdik ata ng bawang. (Tibetan singing Bowl ). Nakalimutan ata nito na padasal ang gagawin hindi pag hahanap ng espiritu. Hawig na hawig kasi talaga ito ni Ed Caluag. Sa porma at itsura.

-----------------------------------------------------

Dalawang linggo matapos ang trahedyang nangyari kila Kuya Nico at kay Nanay Sabel, ay naihimlay na rin namin sila sa huling hantungan nila. Umagos muli ang luha at kalungkutan sa aming mag kakaibigan lalong lalo na kay Isaiah.

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng huling makita namin ito. Hindi na kasi ito nag punta pa sa tagpuan naming magkakaibigan. Na labis labis naming ikinalungkot. Madalas pa rin kaming mag tungo roon. Umaasa na nandun ito. Subalit palaging si Pam lang ang nakikita at naaabutan namin.

Madalas tuloy ay nakikita ko na lamang na malungkot si Boss Andrei at natutulala. Nawalan muli ng buhay ang mukha nito. Masyado nitong dinibdib ang pangyayari. Lalo na ng ilang beses nitong lapitan si Isaiah muli, subalit palagi na lamang itong itinataboy. Akala ko nga ay okay na ang dalawa noong nag usap sila sa may lamay. Hindi pa pala. Mukhang may malalim pang dahilan ang kanilang naging hidwaan. Kung ano yun ay tanging si Isaiah lang ang makakasagot nito.

Gaya ngayon. Nakatulala na naman si Boss Andrei at nakatanaw lang sa dalampasigan. Narito kami sa may dalampasigan, malapit sa kweba kung saan nila ako unang natagpuaan ni Marco.

"Pupunta ka pa ba bukas kila, Isaiah?" Tanong ko ng makalapit ako rito at tumabi sa pwesto nito. Hindi ito lumingon sa akin. Bagkus ay kumuha lamang ito ng maliit na bato at muling inihagis sa dagat. Tumalbog talbog lang ang bato ng ilang beses bago ito lumubog.

"Oo. Mas lalong kailangan nya ng karamay ngayon. Baka sakaling maabutan ko sya. Okay lang naman kung hindi na kayo sasama sa akin." Sagot nito sa akin.

"Sasama pa rin ako, Boss. Sabi mo nga, mas ngayon nya kailangan ng kaibigan. Saka kahit naman pag bawalan mo kami ay pupunta pa rin kami nila Marco at Ricos." Sagot ko rito. Palagi namang ganoon. Kung nasaan ito ay naroon kami.

"Salamat, Samjo. May balita na ba sa imbestigasyon kung sino ang nag sunog ng bahay nila Isaiah?" Tugon na lang nito sa akin at kumuha ulit ng bato para ibato sa dagat.

"Ang sabi ni Tito Trent ay kapabayaan raw talaga ng Kuya ni Isaiah ang naging sanhi ng sunog. Dahil sa may sakit sa pag iisip si Kuya Nico ay pinag laruan daw nito ang gaserang naiwan sa may kusina dahilan para pag mulan ng apoy at ikatupok ng buong kabahayan. Yun ung unang anggulo na tinignan nila at hindi na sila umalis doon." Sagot ko rito. Napa tiim bagang ito.

Alam namin na hindi gagawin yun ni Kuya Nico. Tinuruan ito ni Isaiah. Ilang beses na rin namin itong nakasama. Halos araw araw pa nga. Normal ito mag isip. Kung tutuusin si Kuya Nico ang may pinaka matalinong pag iisip sa amin. Nahihirapan nga lang ito na mag salita at minsan kapag inaatake lang ito ng pagiging makulitin. Umiiyak ito kapag hindi nito nakukuha ang gusto.

"Kalokohan. Alam naman natin na hindi gagawin ni Kuya Nico iyon. alam nyang ikakapahamak nya ang pag lalaro ng apoy. Saksi ka ng unang subukan nyang mag laro nito dati. Kaya imposible yung sinasabi nila na kasalanan ni Kuya Nico." Tugon nito na nagagalit.

Tama ito. May isang pangyayari dati na sinubukan pag laruan ni Kuya Nico ang apoy. Habang nag luluto si Marco at kaming lahat ay busy sa pag hahanap ng prutas sa kakahuyan. Nalingat kasi si Isaiah ng mga panahon na yun at hindi nakita na pinag laruan ni Kuya Nico ang isang panggatong.

Naging sanhi iyon ng pag kalapnos nito sa kamay kaya simula nun ay hindi na ito lumapit sa tuwing mag luluto si Marco at Ricos. Palagi na lamang itong nakabuntot kay Isaiah o di kaya kay Boss. Minsa'y sa akin.

Pero ano ba naman ang magiging laban namin. Eh, bata lang kami. Walang kapangyarihan ang boses. Kaya naman itinuring na case closed na ang nangyaring sunog. Wala kasing mag papatunay at nakalap na matibay na ebidensya na sinadyang sunugin iyon. Kaya siguro ganoon na lang ang naging reaskyon ni Isaiah at missing in action ito mag pahanggang ngayon. May parating pa naman na malakas na bagyo na tatama sa amin.

"Pero Boss, hindi ba delikado kung mag tutungo pa tayo roon bukas. Sabi sa balita ay may super typhoon na nakapasok na sa bansa natin at sa mismong lugar natin maging kila Isaiah sesentro ang pag tama ng mata nito. Medyo ramdam na nga natin ngayon pa lang." Paalala ko rito.

"Yun nga rin ang iniisip ko, Samjo. Kaya mabuti pang wag na kayong sumama sa akin." Sagot nito sa akin. Tinignan ko lang ito at napiling iling ito sa akin.

Kilala kasi kami nito. Kahit ano pang sabihin nito ay sasama kami sa kanya. At pinal na ang desisyon na iyon. Umaasa na lang ako na makakauwe kami agad bago pa lumakas ang bagyo mukha namang tahimik ang paligid, siguro hindi naman magiging malakas ang tatama sa amin.


---------------------------------------------------------


Madaling araw palang ay bumuhos na ang malakas na ulan sa baryo namin. Gising na kami ni Andrei. Dahan dahan pa nga kaming kumilos para hindi kami mahuli ng mga magulang nito. Tiyak kasi na hindi kami papayagan sakaling makita kami na gising na at mag lalakwatsa pa sa masamng panahon na ito.

"Kailangan na nating umalis, Samjo. Malakas ang kutob ko na nasa panganib sila Pam. Nasa may pinaka baba pa naman ang bahay nila at malapit lang sa dagat. Hindi gaya ng kila Isaiah na nasa taas pa." Mahinang sabi sa akin ni Andrei habang inaayos nito ang bag nito. Tumango tango ako rito.

"Paano sila Marco at Ricos?" Tanong ko rito. Katulad nito ay nag dala rin ako ng bag, ilang pagkain, inumin at mga emergency kit na maari naming magamit kung sakali.

"Mas mainam na hindi na nila tayo maabutan pa. Para hindi na sila makasama. Saka na lang natin isipin ang pag tatampo nila sa atin. Kaya tara na." Yaya sa akin nito. Sinuot na namin ang mga kapote namin at lumabas na kami ng bahay.

Napaka lakas ng hangin sa labas. Subalit hindi namin iyon pansin ni Boss. Pag kinutuban pa naman ito ay palaging tama. Kinakabahan man ako sa pag pipilit namin na umalis ay umusal na lang ako ng panalangin na sana ay maging ligtas kami at ang mga kaibigan namin.

Nag hintay kami ng pampasaherong sasakyan ngunit bigo kami dahil walang nadaan. Mabuti na lang at nag tyaga kami dahil may isang truck na mag dedeliver ng manok sa kalapit baryo kaya napakiusapan naming makisakay.

"Kanina pa ba kayo nag aabang ng masasakyan roon mga bata? Wala na kayong makikitang sasakyan sa kalsada dahil sa lakas ng bagyo. Saan ba ang punta nyo pa? Buti na lang at nakita ko kayo. Ang lamig lamig pa man din" Sabi ni Mang Tani na nasakyan namin.

"Pupuntahan lang po sana namin ang kaibigan namin na nasa kabilang baryo, Mang Tani. Mag isa lang po kasi sya roon. Susunduin namin sya." Sagot ni Boss Andrei na ang tinutukoy ay si Isaiah.

"Naku! Bakit naman kasi mag isa lang sya roon. Saka bakit kayo lang, hindi man lang kayo nag sama ng mas matanda sa inyo. Dapat kahapon nyo pa sya sinundo. Sabagay mga matitigas talaga ulo ng tao. Saka bagyo lang naman yan, pinoy tayo. Hahahaha." Sagot nito na natatawa.

Tumango tango na lamang kami rito. Nag kwento pa nga ito ng naging buhay nito. Pinakinggan na lamang namin mabuti iyon dahil hindi naman na kami siningil nito noong nag babayad kami. Ilang saglit pa ay nakita na namin ang Baryo Marupok. Nag pasalamat kami kay Mang Tani pag kababa namin.

"Mag ingat kayo, ah. May mga daluyong akong nakikita na hahampas sa baybayin. Mag ingat kayo at bilisan nyo na ang pag kuha sa kaibigan nyo." Paalala pa sa amin nito.

Mas lalo pang lumalakas ang ulan at hangin habang nag lalakad kami patungo sa bahay nila Pam. Sakto naman na nakita namin ito na inaayos nila ang pawid nilang bahay. Mukhang dinaragdagan nito ng mga bato ang maliit na kubo ng mga ito.

"Pam!" Sigaw ko rito. Agad itong pumaharap sa amin.

"Uy, Crush at Boss. Kayo pala yan. Masigasig talaga kayo, ah." Nakangiting salubong sa amin nito. Basang basa na ito sa biglaang lakas ng pag ulan. Akala nga namin ay wala na kaming maabutan na tao roon dahil nag evacuate na. Marami pa rin kaming tao na nakita na nasa paligid. Kanya kanyang lagay ng mga malalaking bato sa mga kabahayan ng mga ito.

Kaya naman kahit may sukbit pa kaming dalawang bag ni Boss ay dumampot na kami ng malalaking bato para ipatong sa bubong nila Pam. Hirap na hirap kasi na makaakyat ang Nanay nito sa liit nito. Ako na ang pinaakyat ni Boss Andrei sa bubungan habang inaabot naman sa akin nito ang mga bato.

Isang oras din ang ginugol namin roon bago kami natapos. Subalit hindi lang ang mga bahay nito ang aming tinulungan lagyan ng bato. Maging ang mga kalapit bahay nila na hirap sa pag akyat sa bubong ay tinulungan rin namin.

Lalo na ang mag isang matandang Babae na mag isa lang na naninirahan sa bahay nito. Nakitang kong pina pakaen pa ito ni Pam sa loob bahay ng sumama ito sa amin. Inaasikaso ko naman ang bintana nito ng marinig ko ang tanong ni Boss Andrei sa may pintuan.

"Lola Imelda, Bakit hindi po kayo sumama sa mga rescue officials nung nag pa evacuate si Mayor?" Tanong nito kay Lola. Kanina pa kami basang basa. Nawala na nga sa isip namin na puntahan at icheck si Isaiah. Alam kasi naming mataas ang lugar nito.

"Wala naman mag aasikaso sa akin roon, Apo. Kaya dito na lang ako. Saka baka may manloob pa sa bahay ko kapag iniwan ko." Sagot nito sa amin. Naalala ko tuloy ang lolo't lola ko.

"Kaya nga rin hindi kami sumama sa mga sundalo kahapon, Boss. Syempre iiwan yung mga alaga naming hayop. Baka kasi makawala sila. Sanay naman kami sa bagyo. Mayamaya ay titigil din iyan." Sagot sa amin ni Pam. Tumango na lang kami ni Boss Andrei at nag concentrate sa pag aayos ng bahay ni lola.

Yun din kasi ang akala at alam namin. Na titigil ang pag ulan at lakas ng hangin. Subalit habang nag uumaga na ay patuloy lamang itong palakas ng palakas. Napilitan na rin kaming pumasok muna sa loob ng bahay ni Lola.

rinig na rinig namin ang lakas ng tunog ng hangin sa labas. Mga nag liliparang mga bubong at mga wasiswas ng puno. Sinasabayan pa ito ng napakalakas ng bugso ng ulan. Ngayon ko lamang naranasan ang ganito kalakas na bagyo. Ilang minuto pa kaming nag hintay sa loob ng marinig na lang namin ang mga pag katok sa may pintuan.

Tumayo si Boss Andrei at binuksan nito ang pintuan. Ganoon na lamang ang gulat nito ng makita ang dalawa pa naming kaibigan kasama ang Nanay ni Pam.

"Hala!  Anong giangawa nyo rito?" Tanong ni Andrei sa dalawa. Nakasimangot lang si Marco. Basang basa rin ang buong katawan nito katulad namin ni Boss Andrei.

"Nag tungo sila sa bahay at hinahanap nga kayo. Kaya naman sinamahan ko lang sila di ne. Pam, tapos ka na ba di-yan. Halika't tulungan mo nga ako na mag hanap, dahil ang ilan sa alaga nating mga manok ay nakawala sa kulungan." Tawag pansin nito kay Pam.

Agad naman lumapit si Pam at nag paalam muna sa amin saglit. Rinig na rinig mo noong bumukas ang pintuan ang tunog ng pag hampas ng dagat sa dalampasigan. Sumasama pa ang dala nitong tubig sa lakas ng hangin.

"Iniwan nyo kami ni Ricos. Hindi ba't mag kakasama tayo rito. I hate you. Kayong dalawa!" Nag tatampong turan nito sabay labas ng ice candy sa bag nito at agad na isinubo iyon.

"Ang lamig lamig na pero kakain ka pa rin ng ice candy. Hay naku, Marco. Bakit pa kayo sumunod rito. Alam nyo na ngang bumabagyo na." Tanong muli ni Andrei dito.

"Ayoko muna kitang kausapin, Boss. Naalibadbaran ako sa pang iiwan mo sa amin. Alam mo naman na, kung nasaan ka ay dapat naroon ako. Halika na nga, Anna. Doon tayo sa gilid basang basa na ang dress natin, nakakainis!." Hatak nito kay Ricos.

Doon ko lamang napag tanto na naka suot na naman ang mga ito at si Ricos ng costume. At base sa itsura nila ay naka suot si Marco ng pang ELSA na damit habang si Ricos naman ay ang kapatid nito na si ANNA. Pota.

Hindi na lang pinansin ni Andrei ang pag tatantrums ni Marco at kinuha na lamang ang twalya sa loob ng bag nito at ibinigay kay Marco. Nang ayaw tanggapin iyon ni Marco ay ito na ang nag punas ng basang ulo nito. Nang matapos ay si Ricos naman ang pinunasan nito.

Habang tumatagal ang oras ay mas lalong lumalakas ang ulan. Unti unti na ring pumapasok ang tubig sa loob ng bahay ni Lola Imelda. Ang kanina'y hanggang talampakan lang na baha. Ngayon ay umabot na sa mga bewang namin ang taas nito.

Ganoon kabilis ang pag taas ng tubig. Kulay tsokolate pa man din iyon. Ramdam ko na ang takot na pumaloob sa aking dibdib. Hindi lamang ako nag papahalata sa kanila, dahil ayokong mas lalong matakot pa sila Marco at Ricos.

"Mukhang mas kailangan na nating lumikas at mag punta sa mas mataas na bahagi na lugar, Samjo." Mayamaya ay sambit ni Boss Andrei sa akin. Pumatango ako rito.

Sa aming apat ito talaga ang pinaka kalmado. Hindi ko man lang ito nakitaan ng pag katakot sa mukha. Alam na alam nito ang gagawin sa mga ganitong pangyayari. Kaya naman mas lumakas ang loob ko na magiging okay lang kami.

"Lola Imelda, mas lalong lumalakas ang ulan. Tumataas na rin po ang baha rito. Mas mainam siguro na lumikas na tayo at mag punta na sa mas mataas na lugar." Pag kausap ni Andrei sa matanda.

"Hindi ako bingi, rinig ko. Teka at kukunin ko lang ang res stilettos ko." Sagot nito kay Boss Andrei. At naging abala na ito sa mga gamit na babaunin nito.

Nakatuntong na kasi kaming lahat sa kama nito na gawa sa kawayan pero hanggang tuhod na namin ang tubig. Sobrang bilis talaga tumaas ng tubig.

"Baka mas mahirapan tayo kung hindi pa tayo aalis ngayon." Sabi muli ni Andrei. Mabuti na lamang at lahat kami ay marunong lumangoy.

Ilang saglit pa matapos makuha ni Lola ang mga mahahalagang gamit nito ay agad na itong inakay ni Andrei pasakay sa likuran nito. Sya kasi ang pinaka magaling lumangoy sa amin kaya ito na ang nag desisyon na akayin si Lola.

Habang ako naman ay hawak hawak ko sila Marco at Ricos. Nauna kaming pumalabas sa bahay at halos liparin si Ricos ng pag labas namin ay biglang lumakas ang hangin. Mabuti na lang at nahawakan ko ang bestidang suot nito kaya hindi ito nakawala sa kapit ko. Ramdam ko ang takot na pumaloob rito.

Agad kaming lumangoy patungo sa mataas na lugar. Halos mag mistulang dagat na sa paligid. Mga nagkalat na basura ang makikita mo, mga natubang mga puno. Mga lambat at ibat ibang uri ng mga sira sirang bangka. Mga kahoy at mga sasakyan na lumutang na. Samahan mo pa ng kulay kayumangi na tubig.

Tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng malakas na ulan at pag bugbog ng malalakas na hangin sa amin. Sa awa naman ng dyos ay naka punta kami sa isang bahay na yari sa bato ang pundasyon at may ikalawang palapag.

Pansamantala kaming tumigil roon. Medyo delikado raw lumangoy dahil sa may nag tumbahan ng mga poste sa paligid. Ang ibang mga tao nga ay nakuryente na at namatay dahil doon.

Ginaw na ginaw na kami. Kaya kumpol kumpol kami sa gilid na mag kakaibigan, nakita pa nga namin si Pam at ang Nanay nito roon na may bitbit na tuta.

"Pupunta na sana ako sa bahay nyo, eh. Mabuti na lang at naisipan nyo ng lumikas roon at mag hanap ng mataas na lugar." Hinihingal na sabi ni Boss Andrei habang ibinababa nito si Lola sa may gilid. Ibinalabal muna nito ang tuyong kumot bago kami pinuntahan sa kabilang gilid.

"K-kanino T-tuta yang hawak nyo, N-nanay?" Naginginig na tanong ni Marco rito. Agad na hinubad ni Andrei ang kapote nito at ipinasuot sa Nanay ni Pam. Kumuha rin ng plastic si Boss sa loob ng bag nito at ipinalupot iyon kay Marco.

"Nakita na lang namin ito habang papalikas kami na kumakahol. Palagay ko ito ang tuta nila Chyna na si Digong. Pinabayaan na lang nila ito basta basta matapos makakuha ng isla at makapag tayo roon ng bahay. Masyado kasing nag patuta rin kasi itong si Digong, kaya ayun." Sagot ni Nanay kay Marco. Nag kibit balikat na lang kami sa sinabi nito.

Safe naman na siguro kami rito dahil gawa sa bato ang bahay na ito at hindi na lalagpas pa sa bahay na ito ang baha. Hihina rin ang malakas na ulan na ito mamayang hapon. Sana.

Subalit gaya kaninang ng pag iisip ko, ay nag kamali ulit ako. Dahil mas lalo pang tumaas ang tubig baha. Nasa ikalawang palapag na kami pero hanggang dibdib na namin ang tubig. Napaka bilis talaga.

Wala pa rin tigil ang pag buhos ng malakas na ulan at bugso ng hangin. Nag papanic na ang lahat ng mga taong naroon na nakisilong. Wala na kaming lalabasan kung sakaling mas tumaas pa ang tubig. Puro mga bata at mga matatanda pa mandin ang kasama namin rito.

"Kailangan nating wasakin yung bubong na yan, Samjo. Kung hindi ay baka matatrap tayo rito kapag lumagpas pa sa atin ang baha na'to"Madaling utos sa akin ni Boss.

Kaya naman sumama muna akong tumulong na wasakin ang kisame ng bahay. Grabe ang tuloy tuloy na pag lakas ng ulan. Putangina. Ang bilis rin talaga tumaas ng tubig. Bumabalik na naman ang takot sa akin. Ginaw, gutom, pag aalala at pangamba sa kaligtasan naming lahat ang iniisip ko ng mga oras na iyon. Nag aalala rin ako sa mga magulang ni Andrei.

Ang hirap pang alisin ng kisame dahil sa tibay ng pag kakagawa roon. Nag sugat sugat na nga ang kamay ko dahil sa wala naman kaming ibang gamit para masira iyon. Bawat minuto ay mahalaga dahil sadyang mabilis talaga tumaas ang baha.

Ilang saglit pa ay, nag brown out na. Dahil makulimlim ang langit medyo nahirapan pa kami sa dilim. Lahat ay sadyang nag kakagulo na sa sobrang pag kataranta ng mga taong kasama namin. Ngunit sadyang masigasig si Boss Andrei. Hindi ito tumigil kakasuntok sa kisame kahit nakikita ko ng nag durugo ang kamao nito. Sige pa rin ito sa pag sapak roon. Ginaya ko na lamang ito.

Hindi nag tagal ay nawasak rin nito iyon. Dinaig pa ang limang adult na lalaki na naroon. Inakyat nito iyon upang sirain rin ang bubong at nagawa rin nito iyon agad. Nang makita ng ibang tao ang butas na nilikha ni Boss ay dali dali pang nag sipag unahan ang mga ito na makapasok roon.

Kaya nahuli pa kami na makaakyat. Pinauna kasi namin ang lahat ng mga bata at matatanda. Isa isa namin silang tinulungan para makaakyat. Huling huli talaga kami pumanik ni Boss.

Sakto naman na nakaakyat na kaming lahat ay ang pag angat muli ng tubig. Nang pumatingin kami sa paligid mula sa kinatatayuan naming bubong ay nag mistula na iyon parte ng karagatan.

Wala ka ng makikitang kabahay at matatas na puno. Lubog na sa baha ang lahat lahat. Ang mga bahay na lang na may ikalawang palapag ang makikita mo mo roon pero anumang oras ay pwede na iyong maglaho dahil sa hindi pa rin pag hinto ng malakas na ulan. Ang tubig pa naman ay galing pa sa bundok kaya may kasamang putik pa yun.

Tinipon kami ni Boss Andrei at inilabas nito ang makapal na lubid nmula sa bag nito. Bakas sa mata nito ang labis na pag aalala sa amin. Nakita ko na rin ang kaunting takot rito. Hindi takot para sa sarileng kaligtasan nito. Kundi takot at pag aalala para sa amin na mga kaibigan nya.

"Mangako kayo sa akin na kahit anong mangyari ay wag na wag kayong bibitiw ng kapit sa isa't isa. Nauunawaan nyo ba ako, Marco, Ricos at Samjo?" Mariing sabi nito sa amin. Sabay sabay kaming nag sitanguan rito.

Inumpisahan nitong buhulin sa katawan namin ang lubid. Iniikot nito iyon kay Ricos, patungo kay Marco at paikot rin sa akin. Inakay rin nito si Lola Imelda, palapit sa amin at itinali nito ang sumobrang lubid kay Ricos.

"Paano ka, Boss?" Tanong ko rito ng mabitin na ang lubid nito. Nakita kong may inilabas pa itong isang lubid at pinuntahan naman si Pam at ang Nanay nito.

Akay akay rin nito ang dalawa na inilapit sa amin. Iniikot na ni Boss Andrei ang isa pang lubid sa katawan nito at ibubuhol na lang sana kay Pam ng mag sigawan ang mga tao dahil sa isang tao na tila inaanod ng baha. Napalingon tuloy kaming lahat roon. Agad rumihistro ang pag kabahala sa mukha ni boss.

"I-isaiah!" Mahinang sambit ni Boss Andrei. Tumingin kaagad ito sa akin at alam ko na agad ang nasa isip nito. Kinalas ko muna ang ibinuhol na tali nito sa akin kanina at hinawakan ko ang dulong lubid na nakatali rito.

Mabilis itong tumalon sa baha at nilangoy ang katawan na inaagos na si Isaiah. Nag sigawan pa nga ang mga tao sa ginawa ni Boss Andrei. Parang si Michael Phelps lumangoy si Boss, napaka bilis kaya naman naabutan agad nito ang kaibigan naming inanod.

Nang matiyak ko na hawak hawak na nito ang katawan ni Isaiah ay hinatak ko na ang dulo ng lubid na hawak ko. Tinulungan na rin ako ng ibang mga tao na nasa paligid.

Mabilis na nakabalik si Boss kasama ang katawan ni Isaiah. Inihiga nya agad ito at binigyan ng paunang lunas. Ilang beses nitong pinump gamit ang mag kasiklop na palad nito sa dibdib ni Isaiah. Pinisil rin nito ang ilong at binigyan ng hangin ang bibig nito pagkatapos. Makailang ulit nito iyong ginawa sa walang malay na kaibigan namin.

"Isaiah, Punyeta!" Kinakabahang bigkas ni Boss Andrei rito. Inulit muli nito ang proseso ng ginagawa nitong paunang lunas. Pigil hininga kaming nakatingin rito.

Ilang saglit pa ay gumalaw na ito at ibinuga ang tubig na nasa loob ng katawan nito. Napaupo na lamang si Boss Andrei. Matapos makita si Isaiah na nag karoon na ng buhay ang kanina'y walang malay na katawan nito.

Palakpakan pa nga ang mga tao sa nasaksihan. Walastik ka talaga Boss Andrei. Ikaw na talaga. Mas lalo lang tumaas ang respeto at pag hanga ko sa iyo.

Tila nag tataka pa ngang napatingin sa amin si Isaiah ng mag dilat at makaupo na ito. Agad naming nilapitan ito. Tumayo na lang muna si Andrei at sumagap ng hangin palayo sa amin. Nakita ko pa nga ang panginginig nito ng mag lakad.

"Shuta ka, Isaiah. Mag papakamatay ka ba ha? Wala kang kwenta alam mo ba yun!" Umiiyak na sabi ni Marco rito. Kahit galit ay alam mong may kariringgan ka ring pag aalala sa boses nito.

"Ano na lang ang sasabihin ni Kuya Nico at Nanay mo sakaling makita nila na nag kakaganyan ka. Hindi mo naisip iyon." Kastigo rin ni Ricos rito.

Masyado na sanang madrama ang tagpo roon kung hindi lang nag salita ang Lola na kasamang itinali ni Andrei kanina kay Ricos.

"Apo, may tao pang nakatali sa'yo, dyaske kang putang ina ka. Halos makaladkad mo akong gago ka. Yung pustiso ko tuloy ay nahulog sa kakamadali mong tumakbo rito. King ina mu!" Nagulantang na sabi ng matanda kay Ricos at Marco.

"Sorry po, Lola Imelda. Nawala po sa isip namin na kasama ka pala namin." Hinging paumanhin ng dalawa.

"Animal ka. Hindi nga ako mamatay sa baha, mamatay naman ako sa kaladkad nyong dalawa. At bakit kasi naka ganyan kayong damit. Mga bakla ba kayo?"Tanong nito sa dalawa naming kaibigan.

"Ay grabe sya. Naka Elsa at Anna na outfit lang bakla na agad. Hindi ba pwedeng costume ito. Cosplayer kasi kami Lola." Sagot ni Marco rito.

"Ahh.. Akala ko kasi mga baliw kayo. Hijo nasaan ka na ba at kalasin mo na ako ri ne. Tinalitali mo pa kasi ako. Ano ako, Aso?" Tawag ni Lola Imelda kay Boss Andrei.

"Hindi po pwede, Lola. Konting tiis lang po, ayusin ko na lang po ulit ang tali sa inyo." Sagot ko rito. Mabuti nalang at napakiusapan ko ito. Ibinalik ko na rin sa katawan ko ang pag kaka buhol ng lubid.

Alam kong ginawa ito ni Boss sa amin para maging ligtas kami at hindi kami mag kahi hiwalay. Kaya naman inayos kong muli ang pag kakatali sa aming lahat.

Lumipas pa ang ilang saglit at kahit paano ay nabawas bawasan na rin ang pag uulan. Medyo naging mahina na lamang ito. Subalit hindi pa rin tumitigil ang pag taas ng level ng tubig. Nasa bubog na kami subalit konti na lang at maabutan na ulit kami ng tubig.

Kaya muling lumapit si Boss Andrei sa amin. This time ay nakatali na sa kanan nito si Isaiah na nakabuhol sa kasunod na si Pam at ang huli ay ang Nanay nito. Ipinaliwanag pa nito kung bakit nasa dulo ang Nanay ni Pam. Ito raw ang may kagustuhan nun para sakaling mahila ito agad ng mga recuer at una itong masasagip. Hindi rin daw kasi marunong itong lumangoy. Hawak hawak pa rin nito ang tuta na si Digong.

Habang si Isaiah naman ay tahimik pa rin mag mula pa kanina. Akala nga namin ay doon na mag tatapos ang kalunos lunos na pang yayari sa amin sa araw na iyon. Patikim lang pala yun ng kalikasan sa amin. Dahil ilang minuto lang buhat ng tumigil ang malakas na ulan ay nakarinig na lamang kami ng tunog na nakaka gimbal.

Mula sa taas ng bundok ay kitang kita namin ang mabilis na pag bulusok pababa ng mga kumpol na troso, kasabay ang malakas at mabilis na pag agos ng tubig mula sa bundok. Nag sitinginan kaming mag kakaibigan ramdam ang takot para sa isat isa. Diretsong tatama kasi iyon sa bubong na kinatitirikan namin. At wala kaming magagawa kundi ang ihanda na lamang ang bawat sarili sa paparating na soil erusion na iyon.

"Ama, gabayan mo po sana kaming lahat. Iligtas mo po ang bawat isa sa amin." Nauusal ko pang panalangin bago ko marinig ang pag sisigawan ng mga tao sa paligid. sa taranta ng iilan ay nag kanya kanya na ang mga ito sa pag talon.

Sa sobrang bilis nga ng pangyayari ay natangay talaga kaming lahat ng tao sa bubong na iyon. Para kaming winalis sa lakas ng agos ng tubig na may kasama pang lupa.

Hawak hawak ko pa noon ang kamay noon ni Boss Andrei ng mahigpit. Subalit sa lakas ng pag ragasa talaga ng tubig ay napabitiw ako rito. Mabuti na lang at sumabit sa may malaking rebulto si Marco at napakapit rin ako roon kaya naman natulungan kong nahila ang lahat ng nakakabit sa akin para makakapit roon.

"B-boss! Pota! A-andrei!!! B-boss!!!!" Sigaw ko matapos kung matiyak na nasa ligtas na pwesto ang mga kasama. Hindi ako mapakali kakatingin kung saan ng hindi ko maaninag sila Boss Andrei. Halos manlumo na nga lamang ako sa mga taong natangay ng agos. Puro sigaw ng pag mamakaawa at tulong ang naririnig ko. Nakaka nginig at nakakaiyak ang bawat segundong iyon.

Sinabayan na rin ako ng pag sigaw nila Marco at Ricos. Mayamaya lamang sa may di kalayuan sa bandang kaliwa namin ay nakita namin ang katawan ni Boss Andrei na pilit kinakapit ang kamay sa may poste. Duguan ang ulo nito ng una ko itong makita. Hindi ko man masyadong maaninag kung saan ba ang tama nito natitiyak ko naman na malubha iyon. Base na rin sa matinding pag agos ng dugo sa mukha nito.

"Boss!" Muli kong sigaw rito.

Natitiyak kong si Boss Andrei ito. Hawak nito ang kaliwang kamay sa poste habang pilit hinahatak ng kanang kamay naman nito ang lubid na nakatali sa katawan nito. Ilang saglit pa ay lumitaw si Isaiah roon at mayamaya pa ay sumunod naman na nahatak si Pam. Narinig pa nga namin ang malakas na pag tangis ni Pam na umalingawgaw sa paligid pagkaraan.

"I-inay.. Inaaaaay! Inay, nasaan ka! Inaaaaaaaay!Boss si Inay..." Maka ilang ulit itong tumatawag. Nakabibinging pag palahaw ng iyak ang mga sumunod na nabigkas nito. Napaiyak na lamang ako ng mapag tanto ko na nakalas ang lubid na nag bibigkis rito at sa Nanay nito. Ngayon ay kita kong kapit kapit ito ni Isaiah ng mahigpit.

Alam ko ang pakiramdam na kinakaharap nito ngayon. Alam na alam namin ni Isaiah iyon. Tanging pag iyak na lang ng pakiki dalamhati ang nagawa ko. Alam kong napansin na rin nila Marco at Ricos iyong nangyari.


------------------------------------------------------------------------------


ISAIAH

"B-boss... Si Inay.. hawak hawak ko pa lang sya kanina pero nakabitaw ako. Huhuhuhu.. K-Kasalanan ko ito! Kung hindi sana ako nawalan ng malay saglit ay hindi ko sya mabibitawan.. huhuhuh... B-boss ang nanay kooo....Inaaaaay" Hagulgol ng kaibigan naming si Pam.

Hindi ko alam kung paano ko ito aaluhin at papatigilin sa pag iyak nito. Matinding pag kapit ang ginagawa ko rito ngayon dahil sa lakas siguro ng pag ragasa ng tubig at pag tama sa amin ng malaking puno ng biglaan ay napigtas ang lubid na nag bibigkis sa amin at sa Nanay nito. Mabuti na lamang at nahawakan ko ito kaagad. Subalit hindi ko naman akalain na pati ang nanay nito ay napigtas rin ang lubid.

"Wala kang k-kasalanan, Pam. Hahanapin natin sya mamaya. Umasa na lang tayo na nakakapit sya sa mga puno o poste riyan. Nandyan lang yan si Nanay. Ngayon ang kailangan mong gawin ay wag kang matakot at wag kang bibitaw kay Isaiah, parang awa mo na Pam." Mahinahon pero bakas ang hinagpis at pag mamakaawa sa boses ni Dreyfus. Tumango tango si Pam rito.

Bilib na bilib talaga ako sa lalaking ito. Siya na yata ang pinaka matapang, pinaka matalino at pinaka maabilidad na taong nakilala ko.

Mula ng unang beses ko itong makita ay palagi na lamang akong nagugulat sa kakayahan na nakikita kong taglay nito. Kaya nga hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hangaan at mahalin ito.

Pilit ko pang itinatanggi sa aking puso iyon noong una, dahil iniisip ko ay kasalanan iyon. Ano nga ba ang salitang pag mamahal sa bata kong edad. Nilayuan ko pa nga ito at pinag tabuyan ng ilang beses. Sinisi sa pag kamatay ng kapatid at Nanay ko pero hindi ko man lamang ito nakitaan at nakaringgan ng pag kainis sa akin.

Pilit pa rin ako nitong hinihila at inilalayo sa dilim ng kalungkutan. Kahit nga ang di sinasadyang pag papakamatay ko ay iniligtas pa rin ako nito. Nag hihintay na bumalik ang sigla ko.

Noon pa man ay ganito na talaga ito sa akin, sa amin ni Kuya Nico. Sa aming mag kakaibigan. Sya talaga ang nag sisilbing liwanag sa nag didilim naming mga landas. Sya talaga ang lakas namin. Sya ang nag iisang lakas ko para lumaban sa putang inang buhay na ito.

Sya lang din ang tanging tao na binigyan ng pag mamahal ni Kuya Nico na bukod sa amin ni Nanay. Kaya nga noong una ay nag selos pa ako, sa sarili ko pang kapatid. Kahit kailan ay wala man lang akong naisukli rito sa mga kabaitan nito sa akin. Puro pasakit nga lang ang naidulot ko rito. Paanong nakakatiis ito sa akin.

"Samjo!...... S-samjo! Nasaan kayo!?" Sigaw muli ni Dreyfus sa kawalan. Hinahanap ang iba pa naming mga kaibigan. Duguan na ito pero kapakanan pa rin namin ang inuuna nito.

"Boss! Nandito kami! Boss!" Rinig kong sambit ni Samjo. Kaya naman napatingin ako sa gawing kaliwa namin.

"Boss Andrei! Nandito kami!" Sigaw rin ng isa pa naming kaibigan na si Marco. Lahat sila ay nakakapit sa malaking rebulto ng santo roon. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nasa maayos silang lagay.

Patuloy pa rin ang pag ragasa ng baha at napakalakas ng current niyon. Kung hindi lang matindi ang pag katali ng lubid ni Dreyfus sa akin malamang ay naanod na kami ni Pam.

"Thank go! Kumapit lang kayo dyan ng m-mabuti. Wag na wag kayong bibitaw. Samjo, sila Marco at Ricos ah!Wag na wag mong bibitawan!" Balik sigaw ni Dreyfus dito. Mayamaya ay nakarinig pa ako ng boses na nag mumura.

"Hooooy! Kingina ka! Hinihintay ko na banggitin mo akong, bata ka! Ano, sila lang may karapatag mabuhay. Ulol! Napaka bastos mong bata ka. I feel offended, pakyu!" Sigaw ng babaeng matanda. Pagkatapos nitong mag salita ay nakarinig nalang ako ng tunog na pag kahulog ng isang bagay sa baha.

"Ay putangina! Yung pustiso ko nahulog pa!" Sigaw ulit ng matanda.

"Sorry, Lola Imelda. Babanggitin na sana kita eh. Pero nakita ko na kasing safe ka." Sagot ni Dreyfus rito.

Ilang minuto rin kaming nahihirapan sa posisyon namin. Ramdam ko na ang pamamanhid ng kamay ko na nakayakap kay Pam. Ramdam ko na rin ang pag hihirap nito.

Pero walang wala yun sa bigat na nararanasan ni Dreyfus mula kanina pa. Lalo na't hindi lamang ang sariling bigat nito ang binubuhat nito. Maging kami ni Pam pa. Panay pa ang agos ng dugo nito sa kaliwang mata nito. Doon ko lamang napansin na nakatingin rin pala sa akin ito at mukhang nababasa ang nasa isipan ko.

"Hindi ako nahihirapan, Isaiah. Kaya tangina ka wag na wag kang mag iisip bumitaw dyan kay Pam. O-okay lang ako. Konting tiis na lang may darating din na tulong sa atin at hihina rin ang pag ragasa ng tubig. Kumapit ka lang dyan" Sagot nito sa akin. Pilit nitong hinahatak ang lubid pero nahihirpan ito.

Ramdam ko ang panginginig ni Pam na nakayakap sa katawan ko. Maging ako ay nilalamig na rin. Pero nagawa pa akong patawanin nitong si Dreyfus. Walangya talaga ang lalaki na ito. Kaya nga siguro nainlove ako ng wagas rito. Sya lang talaga ang nakakabasa ng iniisip ko base sa poker face na mukha ko.

"Hindi ko bibitawan si Pam, wag kang mag alala dyan Dreyfus. Kya kumalma ka na dyan at wag kang galaw ng galaw. Tignan mo ung dugo mo sa mukha. Potek ka." Sagot ko na lamang rito na napapangiti at may kasamang pag aalala. Tumango na lamang ito sa akin.

Lumipas pa ang ilang minuto at ramdam na ramdam ko na talaga ang pag hihirap ni Dreyfus. Pilit lang talaga itong kumakapit at nag papatatag para sa amin. Tanginang current kasi ito ayaw pang tumigil.

Lord, ngayon lang ako hihiling sa iyo, alam ko naman na nag tatampo ka na sa akin kasi kahit kailan ay hindi ko man lang nagawang tumawag sa pangalan mo. Hindi kasi ako naniniwala na nag eexist ka. Kasi kung totoo ka bakit ganoon na lamang ang ginawa mong pag papahirap sa amin ng Nanay ko at kay Kuya Nico. Ikaw rin ang sinisi ko sa pag kawala nila sa buhay ko.

Pero ngayon tumatawag ako sa iyo sa unang pag kakataon. Nag mamakaawa. Iligtas nyo po kaming lahat sa sakunang nangyayari sa amin. Ngunit kung kalabisan naman na para sa iyo na isama pa ako sa mailigtas, kahit wag na ako. Kahit ang mga kaibigan ko na lang. Lalong lalo na ang lalaking minamahal ko ngayon. Iligtas nyo po sya.

Panalangin ko sa isip habang nakatingin ako sa maamong mukha ni Dreyfus. Subalit sadya nga talagang mahina ako sa nasa itaas. Dahil pag katapos kong umusal ng panalangin ay saka naman narinig ko ang unti unting pag kakaputol ng poste na hinahawakan ni Dreyfus. Malalakas ang nililikha nung pag kaputol. Rumupok siguro sa tindi ng pag kakababad sa baha.

"Sh*t!" Rinig kong sabi ni Dreyfus. Kahit si Pam ay alam kong narinig rin ang nakabadyang kapahamakan sa amin. Kaya naman kinausap ko sya ng mahina.

"Pam, okay lang ba na bumitaw na ako para mailigtas natin si Dreyfus? Alam ko naman na marami rin syang kabutihan na nagawa sa iyo. At sa palagay ko ito na lang ang huling pag kakataon na masusuklian natin iyon." Mahina kong sabi rito. Ngumiti ito sa akin ng nakakaunawa.

"Walang problema, Isaiah. Sa ating tatlo sya lang ang may karapatang mabuhay. Ayokong maging dahilan pa ng pag hila natin sa kanya sa kamatayan. Saka malulungkot yung mga ungas na yun kapag nawala si Boss sa buhay nila. Baka nga sumunod pa ang mga impakta. Kaya mainam na ito. Sige, bumitaw ka na. Okay lang sa akin iyon. Para makasama na rin natin sila Nanay at Kuya Nico." Maluha luha nitong sabi sa akin habang naka ngiti. Sinabihan ko na lamang ito ng salamat saka mas hinigpitan pa nito ang kapit sa akin.

"Dreyfus.. Dreyfus, humarap ka sa akin." Utos ko rito. Natigilan ito. Sabi sa inyo eh. Alam na alam nito ang nasa isip ko lagi.

"No! Don't say it, Isaiah. Tang ina ka! Wag na wag mong susubukan yang binabalak mo! Magagalit ak osa iyo ng husto at hinding hindi kita mapapatawad! Tangina! " Sigaw nito sa akin at ramdam ko ang pag katakot nito. Nakarinig muli ako ng tunog ng pag kabali.

"Patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa iyo. Nag papasalamat rin ako sa lahat ng kabutihan na ipinakita at ginawa mo sa akin. Hindi lang sa akin, Dreyfus. Maging sa pamilya ko. Lalo na kay Kuya Nico." Umpisa kong sabi rito. Napaiyak na ito. At halos mapaiyak na rin ako pero pinipigilan ko lang.

Ayoko kasi na ang huling maaalala nito sa akin ay ang pag luha ko. Dapat yung nakangiti ako para naman mapangiti rin ito sa tuwing maiisip ako.

"Tangina mo. Wag kang mag salita ng ganyan! Please, Isaiah. Wag mong gagawin yan! Ayoko ng mawalan ng isa pang mahalagang tao sa buhay ko. Pakiusap. Isaiah! Pam, kaya mo bang lumangoy at humawak sa akin. Pam!" Pag tawag pansin nito kay Pam. Umiling iling lang si Pam rito at ngumiti.

"Maraming maraming salamat sa lahat, Boss. Ikaw ang pinaka the best na lalaking nakilala ko. Hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng naitulong na nagawa mo sa akin. Pangako, palagi kitang babantayan." Sigaw ni Pam rito ng nakangiti subalit umaagos na ang mga luha sa mag kabilaang mata nito.

"Don't do this guys, putangina naman! T-tulong! Tulungan nyo kami." Sigaw ni Dreyfus sa kawalan. Pinipilit nitong abutin kami pero hindi na nito magawa iyon dahil siguro dala na rin ng pag kapagal nito.

"Sayang at hindi ko na ulit matitikman pa ang matamis mong mga labi. At may aaminin nga pala ako sa iyo. Nag sinungaling ako na marami na akong nahalikan, pero ang totoo noon. Ikaw rin ang first kiss ko at hinding hindi ko iyon pag sisisihan. Dahil sa palagay ko nga ay inangkin mo na ang labi ko. Simula ng halikan kita ay ikaw na ang itinalagang nag mamay ari nito. Mahal kita, Dreyfus. Mahal na mahal. Mabuhay ka. Hanggang sa muli nating pag kikita." Huling salitang sinabi ko sa kanya bago ko inabot ang patalim na nakaipit sa gilid ng short ko.

Tinitigan ko muna sya sa mata ng matagal at ibinigay ang matamis na ngiti ko rito na gustong gusto nitong nakikita. Bago ko pinutol ang lubid na nag bibigkis sa aming dalawa.

Parang awa nyo na po. Iligtas nyo pa sana ang lalaking mahal ko. Binitiwan ko ang patalim at agad na niyakap si Pam ng mahigpit. Ramdam ko ang pag sabay namin sa ragasa ng tubig.

Narinig ko pa nga ang napakalakas na sigaw ni Dreyfus bago kami lumubog sa tubig ni Pam.

"ISAIAH!!!!! PAAAAAMMMMM!!!! PUTANGINA!!!" Malakas na sigaw ng hinagpis nito.
























Itutuloy...
















-----------

Sh*t! Hahaha. Wala syang sex scenes noh. Grabe noh! Hahahaha di bale bawe na lang si daddy sa susunod. For now ay pag tyagaan nyo muna ito.

Si Santino sana ang iuupdate ko kahapon. Kaya lang natambakan na eh. Kaya hayaan nyong si Samjo muna ang mag entertain sa inyu. Pumasa kaya sa inyu ito. Sana. Hahaha

Anyway, WFH na pala ako simula kahapon. Kasi kahapon lang naideliver at naayos ang PC ko at Laptop. Whew! So kahapon lang din ako nakapasok since nag start ang ecq.

Masaya sana mag work sa bahay, kasi less gastos sa pamasahe at baon, less pagod din tas less ligo at maruruming damit. Kasi pag gising mo kahit may panis na laway kapa sa bibig at may muta ka pa. Uuponka nalang at bubuksan ang laptop mo at voila! Naka in ka na.

Kahit naka boxer short lang ang outfit mo. Hahaha TIPID!.

Mag kagayunpaman ay nakakamiss pa rin talagang maging normal na ang lahat. Sayang kasi ang pinang gym ko kung hindi ko maibobroadcast sa beach punyeta. Langoy na langoy na ako. Shokoy lang dba hahahaha

Pero alam ko naman na nasa pandemya pa rin tau. May kinakaharap pa rin tayong matinding laban. Yun ang pesteng virus na ito. Samahan mo pa ng pag sakop ng mga pukingina sa ilang isla ng pinas.

Kotang kota na kami talaga sa inyu intsik. Binubully nyu talaga kami. Minsan iniisip ko na sinadya nyu talagang ipakalat ang virus para masakop nyu ang mga isla ng pinas. Wag naman ganun. Wag kaung swapang. May araw din kau mga bwakanang ina nyu.

Hindi naman lahat ng intsik ah. Ung mga lunod sa kapangyarihan lang.

Anyway, mag ingat pa rin ang lahat. At palaging manalangin dahil automatic yan.

At ipapaalala ko lang, kung nasa wastong gulang na kayo para bumoto at hindi pa nakaka pag parehistro. Aba mag parehistro na. Gamitin nyo ang isang boto nyo para sa pag babago. Ipractice nyo ang karapatan nyo. oh sya mahaba na ito. hahahah

kritikoAPOLLO.

No comments:

Post a Comment