PROLOGO
ELIZA
"Bakit ba lagi mo akong inaaway ate?" Iyak ng batang si Joshua habang tinitignan ang laruan nyang sinira ng nakakatanda nyang ate.
"Salot ka kasi! Simula ng isilang ka hindi na ako halos tinitignan ni mama, nasa sayo na lahat ng atensyon nya". Nanggagalaiting singhal ni Eliza sa nakababatang kapatid.
Simula sa umpisa pa lang kumukulo na ang dugo nito sa batang kapatid na lalaki. Namana kasi nito ang angking kagandahan ng kanyang ina. Maputi ito, maganda ang kulay brown nitong mata, mahahaba ang mga pilik mata nito, matangos ang ilong nito na bumagay lalo sa mukha nitong maamo. May mapupula, manipis at hugis puso itong labi. At higit sa lahat napaka talino at napaka bait pa nito. Putang ina hinakot lahat ng magagandang katangian.
Dahil doon naging paborito ito ng lahat, naeschapwera sya bigla. Lahat ng atensyon nakuha nito, sa lahat ng tao lalo na sa mommy nya. Iniidolo pa naman nya ang mommy nya, dahil isa itong sikat na aktres sa bansa nila. Nagwagi rin itong Miss universe noong kabataan nya, kaya ganoon na lang ang nais nya na maging katulad nito.
Subalit hindi nga nya namana ang pisikal na anyo ng kanyang ina, tanging buhok lang na tuwid ang nakuha nya dito. Lahat ng pisikal na itsura nya ay namana nya sa kanyang ama. Pati ang kulay moreno nito ay ibinigay din sa kanya kaya naman inis na inis sya. Lalo na kapag nakikita nya ang nakakababata nyang kapatid na halos lahat ng katangian na nais nya ay napunta dito.
Kumukulo ang dugo nya dito sa tuwing nakikita nya itong masaya, hindi nga nya malaman bakit ganoon ang nararamdaman nya. Madalas nyang saktan ito, sirain ang lahat ng laruan nito at takutin ito kung may pag kakataon. Sayang saya ako kapag nagagawa ko iyon dito.
Hindi rin ito makapag sumbong dahil tinatakot nya ito na mas lalong sasaktan kapag nag sumbong ito.
Mabuti na lang at paborito sya ng kanyang ama kaya kahit paano ay natutuwa sya, kaya heto sya ngayon sinisira at inaapakan ang bago na naman nitong laruan na kotse kotsehan.
Nang makuntento ay iniwan nya itong umiiyak sa likod garden ng kanilang bahay.
Musika sa pandinig nya ang mga iyak, at takot nito kaya palagi nya yun ginagawa. Araw araw walang patid. Minsan nga gusto nya itong buhusan ng asido sa mukha para naman pumanget ito pero baka mapagalitan na sya pag ginawa nya iyon.
Agad syang pumanhik sa kwarto nya, upang hindi masisi sa nangyari sa kapatid nya. Mag papanggap na naman sya na tulog at walang alam sa nangyayari. Ganoon lang ang buhay nya araw araw. Ang paiyakin ang kapatid nya. Tiyak na makakatulog na naman sya ng may ngiti sa labi. Bukas ulit.
JOSHUA
Magang maga na naman ang mata ko sa kakaiyak. Sinira na naman ni Ate ang regalo sa akin ni Mommy na sasakyan. Hindi ko naman magawang mag sumbong kasi sigurado babaliktadin na naman ako nun at tiyak kakampihan na naman sya ni Daddy. Paborito kasi sya ni dad at akala mo maamong tupa kapag kaharap si dad. Kuhang kuha nito an loob ni daddy.
Dinampot ko ang kotse ko na wasak wasak na, habang natulo pa din ang luha ko.
"Bumblebee, sorry hindi kita naipagtanggol kay Ate". Tinig nya na napaka amo sa sino mang makakarinig.
Nag lakad na syang palayo papunta sa napakalaki nilang bahay. Mayaman ang pamilya nila, isang successful businessman ang Daddy nya, samantalang sikat na aktres naman ang mommy nya.
Kaya sagana sila sa materyal na bagay ng ate nya. Hindi nga lang nya maintindihan bakit ang laki ng galit nito sa kanya. Palagi sya nitong pinapaiyak, natutuwa sa tuwing matatakot at hahagulgol sya ng iyak. Ginawa na syang libangan nito.
Parang di nya kapatid kung itrato sya nito, mas parang kapatid pa nga ang turing sa kanya ng anak ng mga kasambahay nila.
Papasok na sana sya sa kanilang bahay ng masalubong nya si Sandro ang best friend nya na anak ng mayordoma nila.
"Pinaiyak ka na naman ng nognog mong ate, noh?" Tanong nito habang inaaya ako na umupo sa may pahabang upuan sa harap ng garden namin at fountain.
"Sandro, ano ka ba wag ka maingay baka marinig ka nun at magalit na naman sayo yun" Babala ko sa best friend ko.
Natulak na kasi ito ng minsan ni ate sa kanal nung marinig ni ate na sinasabihan syang nognog. Medyo may pag ka morena kasi si ate na namana nito sa kanyang ama. Hindi naman talaga ito nognog saka wala naman problema kung ganoon man ang kulay ni ate.
Salabahe lang talaga to si Sandro.
"Bakit totoo naman na maitim sya ah, kapag nga gabi na hindi ko na sya nakikita kahit nakatayo pa sya malapit sa tabi ko" Sabi pa nito na naka nguso.
Natatawa naman sya sa reaksyon nito. Hindi man sya swerte sa kapatid ay swerte naman sya sa kaibigan.
Inaya na lang nya ang kaibigan nya sa kusina upang makahingi sila ng meryenda sa mama nito na si manang Selma. Agad silang pumatakbo doon ng mag kahawak kamay.
Sa mura kong edad, hindi ko alintana na may nag hihintay pala sa aking pag subok na babago sa akin ng lubos.
-----+++++-----
ABANGAN
No comments:
Post a Comment