Kabanata 14
"Pagka putol ng Pisi."
Part 1
Richard
Lumapit sa akin ang isang alipores ni Timmy at hinila nito ang buhok ko papunta sa duguang si Timmy.
"Putangina ka! Tatawanan mo pa ang leader namin, hayop ka!" Sabi nito habang nakahawak ako sa kamay nito na nasa ulo ko.
Halos maalis ang hibla ng buhok ko sa pag kakasabunot nito.
Nasasaktan ako pero tinatanggap ko na lang dahil ayokong mapag initan na naman. Kaya kong tiisin yan, basta wag lang nilang sirain ang buong semester ko.
Hindi ako nag salita at tumahimik na lang ako pero nag mitsa pa ata iyon ng pagkainis at galit nilang lalo sa akin.
Pumukit na lamang ako ng mapagtanto kong balak akong isusubsob nito sa sahig. Hinantay ko na lamang ang impact ng pagtama ng mukha ko roon. Ngunit hindi iyon nangyari. Mayamaya pa ay may narinig na lamang akong malakas na boses.
"Anong karapatan mong saktan sya? Gago ka." Tinig ng lalaki na nag pasinghap sa lahat ng tao na naroon sa buong silid.
Agad akong binitiwan ng lalaking sumasabunot sa akin at narinig ko pang humiyaw ito sa sakit. Napalingon tuloy ako rito.
Hawak ng lalaki ang balikat nito. Base sa itsura nito ay nasasaktan ito at napapaaray na lang sa ginagawang pag diin ng lalaki sa balikat nito.
Gwapo ito at wala sigurong tao sa university ang hindi nakakakilala dito. Isa ito sa kinagigiliwan at hinahangaan sa buong campus.
Ang athlete student na champion sa larangan ng palakasan. Si Cloudious Stefan S. Tan o mas kilala sa tawag na Cloud.
Tama kayo. Isa siyang TAN at isa rin siya sa mga pinsan ng mga Ayala. Taekwondo champion ito. Kaya hindi na katakataka na namimilipit na sa sakit ngayon ang lalaking sumabunot sa akin. Ginagamitan ito ng simpleng technique ni Cloud.
"AAAAAAHHHHHHh.. A-Arraaayyy…! Ang sa-sakit po. Tang ina. AAAARRRRGGGGHHhh.. P-Please, tama na..! AAAHHHHhhh.. M-Master Timmy.. AAAAHHHhh.. Araaaay.. P-Please, tama na..!" Namimilipit sa sakit na sambit ng alipores ni Timmy. Saka lang tila nahanap ni Timmy ang boses nito at nagsalita na, ng makita pulang pula na ang mukha at tila matatae na ang isa sa mga alipores nito.
"P-Pagpasensyahan mo na siya, Cloud. May nagawa kasi tong gagong to kaya nasaktan niya. Ako na ang ang humihingi ng paumanhin sa kanya." Biglang singit ni Timmy na akala mo santo sa bait.
“Hindi pa rin dahilan iyon para manakit na siya. Ano na lang ang mangyayari kung hindi ko siya napigilan.” Wika pa ni Cloud kay Timmy.
Saka lamang binitiwan ni Cloud ang lalaking mangiyak ngiyak na. Tumingin ito kay Timmy. Natahimik na lamang din ang lahat ng tao roon sa loob.
Halatang nai intimidate sa laking tao ni Cloud. Sa laki ba naman ng katawan nito. Kakisigan at kalakasan ay sino ba naman ang hindi maiilang. Parang si Tristan Ayala ito pero suplado version nga lamang itong si Cloud. Yung mahirap ia-approach talaga.
"Ayokong nakakakita ng taong binubully. Especially, kapag kamukha pa ng Tito ko ang taong sinasaktan niya. Makita ko pa ulit na manakit ka. Babaliin ko na yang kamay mo..! Saka wag kayo masyadong maingay. Nasa loob kayo ng clinic, wala sa palengke." Sabi nito at bigla na lamang lumabas ng clinic.
Nasa katabing higaan pala sya ni Timmy kanina. Hindi ko napansin dahil may kurtina na naghihiwalay sa bawat kama na nakalagay dito sa loob.
Maaring narinig kami nito kaya ito biglang umeksena sa amin. Mainam na iyon at least hindi na ako nasaktan pa ng mga demonyong ito.
Tinignan na lamang ako ng masama ng grupo nila Timmy at tumahimik na sila. Mukhang natakot nga talaga ng husto ang mga kupal. Mabuti nga sa kanila.
“Mauna na po ako. May klase na kasi ako. Saka ibibigay ko pa kay Endrick itong bag niya. Sige.” Paalam ko kay Timmy. Hindi ako pinansin nito pero hindi rin naman na ako pinigilan pa nito.
Mabilis na akong naglalakad patungo sa next subject ko. Lakad takbo muli ang ginawa ko dahil sa kabilang building pa ang susunod kong klase. Baka ma late na ako. Baka naunahan na rin ako dun ni Endrick. Naku, malilintikan na naman ako kapag nag kataon.
Hanggang kailan ba ako mag papaapi sa mga demonyong yun. Napapagod na rin kasi ako. Nasasaktan sa mga ginagawa nila. Lalo na sa tuwing pinapahiya nila ako sa maraming tao. Ang sakit kaya.
Ilang saglit lang ay nakita ko na si Hunky Prof. Luis. Nag lalakad ito ng bigla itong mapahinto ng kausapin ito ni Ulysses.
Agad akong nag tago sa isang sulok at sumilip dito ng hindi ako nito nakikita. Nakita kong may inilabas si Ulysses na isang bilog na parang kwintas. Napatingin dito si Prof Luis.
Para itong namamalikmata doon. Kinabahan ako. Dahil ilang beses ko ng nakita na ginamit yun ni Ulysses sa ibang estudyante dito sa unibersidad. Hindi ko lamang iyon maireport dahil malalaman talaga nila na ako ang nag sumbong nun.
Sa dami ba naman ng mga mata nila Stephen dito sa school. Bukod pa sila ang kumokontrol na rito ng mga kautusan. Sinakop na rin kasi ni Stephen, kasama ang Rainbow Gang ang student council.
Kaya talagang tikom talaga ang bibig ko at ng karamihan na estudyante rito sa campus.
Madalas pa naman napapahamak ang taong natingin sa bagay na yun. Mukha naman kasing masamang elemento to si Ulysses eh. May sa demonyo talaga ito. Kaya nga walang kaibigan ang lalaking iyon. Kundi sila Stephen lang.
Hindi ko nga rin alam bakit naging kaibigan ito nila Stephen. Sabagay, it takes one to know one. Kapwa demonyo, nagkakasundo.
Mayamaya pa ay nakita kong inilapat ni Ulysses ang mga kamay nito sa malapad na dibdib ni Prof Luis. Hindi man lang ito gumalaw.
Kailangan kong kumilos, hindi pwede eto. Ayoko na mabahiran ng karumihan nila ang taong ito. Mabait pa naman itong si Prof. Saka base sa pag kakangisi ni Ulysses ay mukhang hindi talaga maganda ang balak nito sa batang propesor.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila ng hindi ako napapansin ni Ulysses at bigla kong binangga ng pagka lakas lakas ang nakatulala na si Prof Luis.
Parang Nawala ang pag kaestatwa nito ng mabangga ko. Mukhang natauhan na ito at mabilis na pinalis nito ang kamay ni Ulysses na nakahawak pa rin sa dibdib nito.
"Anong ginagawa mo?" Rinig kong sabi ni Prof Luis habang hinahawakan nito ang sintido nito. Mukhang nahilo ito na di mawari.
"Wala po. Sir. A-Akala ko po kasi ay matutumba kayo. Kaya doon ako napahawak para hindi kayo bumagsak. I'm Sorry." Pagsisinungaling nito kay Prof Luis. Mukha naman bumenta ang sinabi nito kay Prof kaya isinawalang bahala na lang nito iyon.
Umiling iling pa si Sir Luis bago nito tuluyang iniwan kaming dalawa ni Ulysses. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit paano ay nailigtas ko ito saglit sa kapahamakan.
Hindi nagtagumpay si Ulysses sa anumang balak sana na kasamaan nito sa lalaki. Well done, Richard.
Nang mag angat ako ng tingin ay isang sampal ang natamo ko mula kay Ulysses.
"Putang Ina ka..! Epal ka talaga, kundi dahil sa katangahan mo hindi ako mapapahiya ng ganoon.. Nakakasira ka ng araw. Putang ina ka..! Umalis ka nga sa harapan ko." Galit na galit na turan nito sa akin.
"Sorry, nagmamadali kasi ako kasi baka mahuli na ako sa klase ko." Sabi ko habang hawak ang kanang pisngi ko na sinampal nito.
"Wala akong pakialam..! Putang ina ka, ako pa lolokohin mo. Nakita na kita at sinadya mo yung nangyari. Gago ka..! Yari ka sa akin mamaya sa bahay. Tingnan lang natin kung maka ulit ka pa ng pakikialam mo." Sigaw nito sa akin.
Agad nito akong iniwan. Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa galit. May araw din kayo mga demonyo kayo.
Nag tuloy na ako sa paglalakad patungo sa klase ko. Nananalangin na sana matapos na itong pinag dadaanan ko.
Pag karating ko ng classroom wala rin si Endrick roon. Mabuti naman at matatahimik ang mundo ko kahit pansamantala lang.
Lumipas ang oras ng ganun kabilis na hindi ko namamalayan at uwian na. Nag madali na akong lumabas ng silid dahil may pasok pa ako sa Demigod’s Camp ni Boss Eros.
Naglalakad na ako palabas ng school ng nakatanggap ako ng text mula kay Pietro. Binasa ko iyon.
Pietro : Hey Richie boy, kamusta ang unang araw ng klase?
Natuwa naman ako dahil consistent talaga ito na kamustahin ako lagi. Silang dalawa talaga ni Christof ang naging sandalan ko sa panahong malungkot ako. Agad ko itong nireplyan.
Richard : Ayos lang. Same same pa rin naman. Boring. Hahaha. Ikaw, kumusta ang araw mo?
Pietro : Uneventful din gaya mo. Papasok ka na ba sa work mo?
Richard : Oo, on the way na nga ako. Ikaw ba, kumusta ang klase?
Nasa labas na ako ng school ng makita ko si Christof na naghihintay sa daan. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin.
"Sabay na tayo." Sabi nito sa akin ng makalapit. Tumango ako rito at pareply na sana ako kay Pietro ng may bumisinang sasakyan sa amin ni Christof. Napalingon ako dito at kita kong naka baba na ang bintana ng sasakyan ni Pietro.
"Tara na, Richie boy. Hatid na kita sa work place mo." Swabeng sabi nito na nakangisi.
Napatingin ako kay Christof. Sumimangot ito ng masilayan ang pag mumukha ni Pietro. Magkakilala naman na ang dalawa, pero sa di ko malamang dahilan, ay hindi ito magkasundo. Parang aso’t puso kung mag away.
"Eh, kasabay ko na kasi si Christof. Pwede ba kaming sumakay na dalawa?" Sagot ko dito. Sumimangot din ito pero tumango na lang.
"Wag na, Richard. Mag ko commute na lang ako" Sabi nito at akmang aalis na ng mag salita si Pietro.
"Sumabay ka na. Dami pang arte hindi ka naman chicks" Sagot ni Pietro dito.
Napatigil tuloy si Christof sa pag alis at nakipag titigan kay Pietro. Walang nag patinag sa titigan ng dalawa. Animo'y nag papaligsahan ito na kung sino unang susuko.
“Ulitin mo nga yung sinabi mo?” Tanong ni Christof kay Pietro. Mukhang mag kakainitan na naman ang dalawa.
Kaya bago pa, mapunta kung saan ang nakamamatay na titigan ng dalawa at pag sagot ni Christof ay pumagitna na ako.
"Tama na yan. Halika na kasi Christof. Tipid din ito. Wag ka na tumanggi."Sabi ko rito at agad na hinila na sya. Upang hindi na makapalag pa.
Ako sana ang uupo at tatabi sa harap. Kasama ni Pietro pero inunahan ako ni Christof na magtungo roon. Kaya wala na akong nagawa at sa likod na lang pumuwesto. Asar na pagmumukha naman ni Pietro ang bumungad sa akin.
"Wag na kayong mag talo pa dyan. Please naman mag kasundo na kayo. Alam nyo naman na kayo lang ang kaibigan ko, tapos palagi pa kayong nag aaway. Ano ba kasi ang pinag tatalunan niyo?" sabi ko sa dalawang pogi na nakaupo sa harapan.
"Paano kasi tong kumag na to, Richard. Akala mo kung sinong gwapo kung umasta. Mukha namang dikya." Reklamo ni Christof.
"Bakit gwapo naman talaga ako, ah. Saka ikaw ang pasaway dyan, palagi kang epal sa bonding namin ni Richie boy. Para ka naman bulate. Asar!" Hindi naman na papatalong sagot ni Pietro.
"Ang manyak mo kasi tumingin sa kanya. Wala akong tiwala sayo. Saka, Anong konek ng bulate sa akin?" Prangkang sagot ni Christof.
"Wow! At ikaw hindi ganoon tumingin? Wag ako boy, lalaki ako at kilala ko rin yang karakas mo. Gusto ko lang tawagin kang bulate. Angala ka..!" Sagot din nito.
"Kapag di pa kayo tumigil, bababa ako at iiwan ko kayo ritong dalawa. Hindi ko na rin kayo kakausapin pa. Gusto niyo ba yun?" Pag babanta ko sa dalawa.
Joke lang yun syempre. Hindi ko kaya na pati sila ay mawala sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mangyari iyon.
Tumahimik naman ang mga ito at pinatakbo na ni Pietro ang sasakyan. Nasa byahe na kami ng walang nagsasalita sa kanila. Ang awkward tuloy. Wala rin kasing tugtog.
"Sana naman magkasundo na kayo, kasi sa inyo lang ako panatag na dalawa. Sa inyong dalawa lang ako may tiwala. Alam ko pareho lang naman kayo concern sa akin, kaya sana magkasundo na kayo para na lang sa akin. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko kayong nag babangayan." Pinalungkot ko pa ang boses ko para dama nila.
Sana effective. Gusto ko kasi silang mag kasundo talaga. Ang hirap kayang sumama sa isa at iwan ang isa. Kaya gusto ko mag kasundo sila para dalawa na silang sasamahan ko. Para patas.
"Fine..! Susubukan ko. Wag lang talaga ako yabangan ng panget na to." Sagot ni Pietro na ikinangiti ko. Iniumang ko ang ulo sa pagitan nila. Tumingin ako kay Christof at nilingon naman ako nito.
"Umayos ka ng upo mo at mag seatbelt ka". Sabi nito sa akin na sinunod ko naman. Tumahimik muna ito saglit bago muli itong nag salita.
"Oo na. Susubukan ko rin. Kahit na nasusuka ako sa pagmumukha nitong panget na ito.". Sagot nito pag karaan.
Pumalakpak pa ako ng marinig ko yun. Kita ko ang pag ngiti nilang parehas. Alam ko naman kasing magkakasundo itong dalawang ito eh.
Medyo may pag kaka parehas kasi sila ng ugali at mga hilig. Kung hindi nga lang sila straight na dalawa. Isiship ko sila, eh. Ang cute kaya nila tignan kapag naging couple sila. Lakas maka BL series.
Kaya tiyak akong magkakasundo talaga sila. Wag lang talaga silang mag bangayan sa tuwing mag kikita.
Nang makarating kami sa bar ay agad ng bumaba si Christof, pero bago yun ay tinanguan muna nito si Pietro na labis kong ikinatuwa.
"Ang saya mo, ah. Wag masyado at baka mahipan ka ng hangin dyan." Nakangiti nitong sabi sa akin.
"Salamat, Pietro. Hindi mo lang alam kung gaano ako natutuwa sa ginawa nyo ni Christof. Kahit paano ay may goodnews din akong nakuha sa araw na ito. Salamat talaga." Taos puso kohg pasasalamat rito. Mamaya kay Christof naman ako mag te thank you.
"Hahahaha. Okay naman si Christof, eh. Wag lang niya kasi ako simangutan at nababadtrip ako pag ganoon. Hindi bagay sa kanya ang nakasimangot. Parang natatae lagi." Sagot nito sa akin. Ngumiti ulit ako dito.
"Baliw ka talaga. Sige na, ingat sa byahe pauwe. Sa ibang araw ka na lang mag tambay dito para maasikaso kita. Medyo marami tao ngayon. Kaya magiging busy ako at baka hindi kita maasikaso." Sagot ko rito.
Sumang ayon naman ito at agad ng nag paalam. Pumasok ako sa bar ng may ngiti sa labi. Kahit paano kasi may magandang nangyari din sa araw na ito. Bukod sa nagulpi si Timmy.
Nag simula ang gabi ko ng nakakapagod sa dami ng mga parokyano namin ngayon. Hindi na nga kami nakapag usap pa ni Christof, dahil doon. Maging si Boss Icarus ay busy din at tumulong na sa amin.
Kaya nung umuwi ako sa apartment ng pasado alas dos ay pagod na pagod ako. Madadatnan ko pang ang gulo ng buong bahay at tambak ang hugasan.
Hindi ko naman pwedeng tulugan na lang iyon. Dahil malilintikan naman ako sa mga demonyo bukas.
Kaya bago makapag pahinga ay nag linis muna ako at hinugasan ang mga pinggan sa lababo.
Natapos ang araw ko na pagod na pagod talaga ako. Araw araw ganito ang sitwasyon ko. Maaga pa akong gigising mamaya. Kaya ng matapos makaligo, ay nakatulog na agad ako.
Di na alintana at di na pinansin pa ang kung anuman ang nagaganap sa dating kwarto namin ni Emmet.
------------------------------------------
Kinabukasan
Panay ang hikab ko. Antok na antok pa kasi talaga ako. Ikalawang araw na ng klase at ramdam ko talaga ang pagod at puyat hanggang ngayon.
Mabuti na lang at hindi masyadong masusungit ang mga Prof ko at medyo hayahay ang buhay dahil ikalawang araw pa lang ng klase. Hindi pa ganoon ka seryoso ang mga Prof mag turo. Panay lang ang mga kwento ng mga bakasyon na ginawa nila.
Mamaya ay pupunta pa ako sa auditorium para tulungan ang ibang mga estudyante na maglinis doon. Nagaganap kasi ngayon doon ang orientation ng mga First Year. Tiyak magiging makalat iyon pagkatapos.
Kasama sa scholarship ko ang tumulong doon sa paglilinis, tulong ko na din sa school dahil sila ang nag papa aral sa akin. Hindi naman ito obligado sa mga eskolar gaya ko, pero sabi ko nga pasasalamat na rin sa kanila.
Nagugutom pa naman na ako dahil wala pa akong almusal kanina, tapos mag tatanghalian na. Sasaglit na lang ako mamaya sa cafeteria at bibili ng pagkain bago mag tungo sa auditorium.
Kanina narinig ko na pati rin pala si Endrick ay nasapak ng isang estudyante. Habang pinag hahanda ko sila ng almusal. Ang laki ng tuwa ko sa nalaman ko. Kaya maging ito at si Timmy ay wala ngayon sa klase.
Kaya pala tahimik ang buhay ko ngayon at di nila ako ginugulo, pero nakakatakot din. Naaawa ako para sa taong kumalaban dito. Tiyak akong magiging mahirap ang school year nito dahil sa pag laban nito sa Rainbow Gang.
Sa mga oras kasi na ito ay malamang ay nag paplano ng rumesbak ang mga demonyong yun. Hindi kasi papayag ang mga yun na ma agrabyado. Kailangan sila ang nang aagrabyado. Nasa buto na kasi nila ang kasamaang taglay nila.
Nang matapos ang klase ay agad na akong nag punta sa cafeteria upang bumili sana ng makakain. Wala pa kasi akong kain dahil inubusan nga ako nila Stephen ng niluto kong agahan.
Labasan na rin ng mga First year mula sa orientation ng mga ito sa auditorium.
Kaya ang dami kong nakasalubong na mga freshmen. Naalala ko tuloy nung ganito ako noon, inosente at punong puno ng pangarap sa buhay. Masaya lang at hindi iniisip ang kakaharapin bukas. Kasama ko pa noon si Emmet. Ngayon ay iba na ang kasama nya.
Malaki talaga ang nabago sa buhay ko simula nung pumasok sa eksena si Stephen. Minsan nag sisisi rin talaga ako kung bakit hinayaan ko na makapasok ang isang demonyo na iyon sa buhay namin. Pero nangyari na, eh. Kailangan ko na lang tanggapin talaga. Kahit mahirap at masakit.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Samjo. Yung lalaking may ginawang milagro sa CR ng kababalaghan.
"Uy, ikaw pala. Tamang tama at nandito ka. Alam mo ba kung saan ang cafeteria dito?" Tanong nito sa akin. Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti.
"Papunta ako ngayon doon. Tara sabay ka na lang sa akin." Sagot ko dito. Ngumiti naman ito at sinabayan na ang pag lalakad ko.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang Cafeteria. Ngunit mukhang may kaguluhang nangyayari sa loob. Bakas iyon sa ingay at kumpulan ng mga estudyante.
Mukhang meron na naman pinag titripan ang grupo nila Stephen. Palagi naman ganun. Asahan mo kapag may kumpulan na ganito. Sangkot ang mga ito at sila rin talaga ang salarin.
Pag pasok namin sa loob ay tama nga ako ng hinala. May binubully na naman sila sa loob. Napatigil din tuloy si Samjo at nakatingin sa aking tinitignan.
Kasaluluyan ngayong nakatayo ang lahat ng estudyante sa cafeteria pero may isang grupo ngayon ang tila nakaupo pa rin. At parang walang pakialam sa nangyayari. Patuloy lang sila sa pagkain.
Sila Stephen kasi ang nagpasimuno na kailangan kapag may isang lider ng Rainbow Gang ang nasa isang lugar. dapat nagbibigay galang. Kailangan i acknowledge ang kanilang presensya. Gaya na lang ng pag tayo sa upuan kahit kumakain o kung ano pa man ang ginagawa mo, dapat kang tumayo.
Hindi ka pwedeng umupo o bumaik sa ginagawa mo kapag hindi pa nakakaupo ang mga demonyong iyon. Kabaliwan lang yun talaga para sa akin.
Pero dahil nga makapangyarihan sila rito sa school, ay sinusunod na lang ng karamihan sa amin. Natatakot kasi ang iba na mapag initan. Kilala pa naman ang Rainbow Gang sa papamahiya at pang gugulpi sa buong campus.
Hindi nga lang iyon. May isa pa. Ang pinaka matindi. Na tanging ang mga tao lang na napag titripan nila ang nakakaalam. Madalas pa naman na may mga itsura ang lalaking napag titripan nila Stephen.
Kitang kita namin kung paano itaob ng isa sa alipores ni Ulysses ang tray ng lalaking tinulungan ko kahapon. Natapon tuloy ang buong lamang ng pagkain na nakalagay roon at nagkalat sa lamesa. Napangisi na lang si Ulysses sa nasaksihan nito. Halatang gustong gusto ang nangyari.
"Napakasama talaga ng grupo nila. Wala silang pinipiling oras, kapag nantitrip. Kawawa naman ang mga first year na iyon." Hindi ko napigilang sambitin.
Tahimik lang ang buong paligid at nakatuon lang ang atensyon sa kanila. Inaabangan kung ano ang gagawin ng mga binubully ng Rainbow Gang.
Agad na tumayo ang lalaki at hinarap ang nag taob ng pagkain nito.
"Alam mo bang masama ang magsayang ng pagkain, ha? Hindi ba iyon itunuro sayo? O sadyang bastos ka lang talaga." Sabi ng lalaki. Nakalimutan ko kasi ang pangalan nito. Ano na nga ba yun?
"Tangina mo wala akong.... ek" Sagot naman ng alipores ni Ulysses pero hindi na natapos pa ang sasabihin sana nito.
Matapos hawakan ng lalaking tinulungan lp ang ulo nito at ingudngod sa lamesa. Kung saan nandoon ang pagkain na natapon nito.
Gulat na gulat ang lahat sa nasasaksihang ginagawa ng lalaki sa isa sa alipores ni Ulysses. Maging si Ulysses ay napatanga na lang sa nagaganap. Hindi nakakilos at nagulat din sa ginawa ng lalaki.
"Pinaka ayoko sa lahat ay ang mga aksayado sa pag kain. Hindi mo ba alam ang hirap at pawis na ginawa ng mga tao sa likod ng mga pagkain na yan. Wala ka bang utak? Kaya lamunin mo lahat yan. Wag kang mag titira..!" Sabi pa ng lalaki habang ipinang punas nito ang mukha ng alipores ni Ulysses sa lamesa.
Lumapit ang mga kasamahan nito para pigilan ang lalaki sa ginagawa, pero pinatigil lang nito ang mga yun. Gamit ang hintuturo sa kaliwang kamay nito.
"Oopppps, isa isa lang. Mahina ang kalaban. Masyado naman kayong duwag kung umasta nyan, eh. Hindi pa sya tapos kumain oh. Darating din ang time nyo. So, pumila kayo ng maayos kung ayaw nyong manghiram ng mukha sa aso pag nangielam kayo." Sabi nito na bakas na bakas ang pagbabanta sa boses.
Nakakatakot ang pag babanta nito sa boses nito. Ramdam mo na tototohanin talaga nito ang sinabi niya. Maging ako ay nakaramdam ng takot at pinanood na lamang ang ginagawang pag lampaso nito sa kawawang bading.
"That's enough..! Bitiwan mo siya. Mga putang ina nyo..! Ang babastos nyo. Sa mismong harapan ko pa talaga. Wala kayong galang." Sigaw ni Ulysses at lumapit na sa grupo na nasa mesa/
Deadma lang ang lalaki at patuloy na nilampaso pa rin ang mukha ng bading. Kahit paano ay naawa ako dun dahil mukhang hirap na hirap na itong ubusin ang pagkain na nasa lamesa. Pero hindi pa rin ito tinantanan ng lalaking tinulungan ko. Ngudngod kung ngudngod talaga.
Hindi man lang ito natinag sa lakas ng boses ni Ulysses. Kaya naman mas lalong nagalit si Ulysses at kumuha ito ng upuan. Lumapit ito sa lalaki at akmang ihahampas nito iyon dito.
Sa pagkakataong iyon ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Kasabay ng mga pag singhap at sigawan sa paligid. Ayoko kasing masaksihan na masaktan ito ni Ulysses.
Subalit pagkagulat na pag kasinghap ang naulinigan ko sa paligid. Kaya naman muli ko itong idinilat at nakita ko si Samjo, na pigil pigil nito si Ulysses.
Napigilan nito ang pag hampas sana ni Ulysses sa lalaki. Parang wala nga lang dito ang lakas ng demonyong iyon.
Kay Bilis naman nitong nakarating doon. Katabi ko lang ito, eh. Hindi ko man lang namalayan na nag lakad na pala ito patungo roon.
"Oh oh! Not a chance." Sabi ni Samjo rito. Bumakas man ang gulat sa mukha ni Ulysses ay saglit lang din iyon.
"Putang ina..! Sino ka naman? Kasama mo ba tong mga to? Hindi nyo ba ako nakikilala? Mga hayop kayooooooo..!!" Sigaw ni Ulysses na pag kalakas lakas na halos ikaputok na ng litid nito. Halatang napapahiya na ito sa nangyayari. Kaya ganun na lang ang ipinapakita nitong galit.
"Wala kaming pakielam kung sino ka. At wala rin kaming balak alamin." Simpleng sagot ni Samjo rito.
Tuwang tuwa ako sa nasasaksihan ko. At tahimik akong nag didiwang at chinicheer ito. Ngayon lang kasi ako nakasaksi ng mga tao na kumakalaban sa Rainbow Gang. Ang saya pala.
Pilit inaagaw ni Ulysses ang upuan rito, pero wala itong laban sa lakas ni Samjo. Kaya binitawan na lang nito iyon at biglang sinapak na lamang si Samjo.
"Yan ang nababagay sa pakialamerong tulad mo. Sayang ang gwapo mo pa naman. Hindi bale, maipapagahasa rin kita sa grupo namin. Hahahahahaha" Tawa nito matapos manapak.
Pero hindi yun agad nag tagal dahil sinapak din ito ni Samjo ng pag kalakas lakas, dahilan para ikatalsik nito iyon palabas ng cafeteria. Bumulagta ito malapit mismo sa harapan ko.
"Not the face baby. Not the face." Narinig ko pang sabi ni Samjo.
Tahimik ang lahat ng tao sa nasaksihan gulo na nangyari. Grabe sobrang lakas ni Samjo. As in. Walang ka effort effort na napatulpit nito si Ulysses ng ganun kadali. Shit.
Tinignan ko lang ang katawan ni Ulysses na hinimatay na ata sa lakas ng natamo nitong sapak. Duguan pa ang mukha nito. Pumutok na yata ang ilong nito.
"Nararapat lang yan sayo. Kulang pa nga yan sa pag hihirap na ipinadama nyo sa akin sa araw araw." Bulong kong sabi. Wala akong naramdaman na awa sa kanya.
Nawala ang gutom ko na naramdaman at agad na rin akong umalis ng cafeteria. Nang makita kong lalapit na sa pwesto ni Ulysses ang mga alipores nito. Baka kasi makita pa nila ako roon at sa akin maibaling ang inis nila.
Nainggit ako kay Samjo. Kung sana ay naging ganoon lang ako katapang at kalakas. Malamang hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon. Malamang ay hindi nila ako mabubully at malamang ay nasa akin pa rin si Emmet, hanggang ngayon.
Mabilis na akong nag lakad patungo sa auditorium. Doon na lang ako kakain. May mga stall naman ng pagkain na nagtitinda naman doon sa baba.
Tama lang naman ang dating ko dahil nagsisimula pa lang mag linis ang kapwa ko rin eskolar na mga estudyante.
Agad na akong tumulong upang makatapos din ng maaga. May isa pa akong klase mamayang alas dos. Aabalahin ko muna ang sarili ko habang hindi pa ako ginugulo ng mga demonyo. Tiyak ko rin na makakarating ang gulong nangyari kay Stephen.
Lalo pa at tatlo na sa mga kaibigan nitong demonyo ang nasasapak na. Sana hindi mapahamak si Samjo o ang lalaking nag ngudngod sa alipores ni Ulysses. Mukhang mababait pa naman sila. Mag kaibigan kaya ang mga iyon?
Sana maging ligtas sila. Dahil tiyak akong reresbak ang grupo ng mga demonyo na yun. Gaganti sila. Yun pinaka sigurado.
Mabilis din naman kaming natapos dahil sa tulong tulong din kami sa paglilinis. May mga kasama pa kaming mga taga linis din ng school. Kaya agad kaming natapos.
Nakabili na rin ako ng pagkain sa baba. Kaya kumain muna ako saglit bago nag tungo sa huli kong klase.
Excited akong pumasok sa klase ko dahil si Sir Luis muli ang mag tuturo sa amin. Samahan mo pang wala sila Endrick at Timmy para guluhin ako. Kaya naman masaya talaga itong araw na ito para sa akin.
Hindi ko man masabi ng malakas, pero crush ko rin kasi si Sir Luis. Bukod sa gwapo ito at matalino, sobrang bait pa nito. Lahat nga ng magagandang katangian ay meron ito. Kahit naman sinong tao siguro ay hindi maiiwasan na hangaan ito.
Sakto lang ang dating ko dahil wala pa si Sir Luis. Gaya ko napakarami ding estudyante ang narito. Talagang inaabangan ang pagpasok ni Sir Luis sa silid na ito.
Lumipas pa ang ilang sandali at pumasok na ito sa silid. Agad na nag hiyawan ang mga estudyante ng makapasok na ito sa silid.
"Bakit ba kailangan nyong tumili at mag hiyawan tuwing papasok ako. Hindi naman ako artista. At lalong hindi yan makakatulong sa pag angat ng mga grado nyo sa akin. Papasaway niyo." Nakangiti nitong sabi sa amin.
Nakakahawa talaga ang mga ngiti nito. Tipong nararamdaman mo na lang na nakangiti ka, kahit tignan mo lang ito buong maghapon.
Lakas niya makahawa ng good vibes. Sana lahat ng tao ay may ganun na kakayahan. Yung mamamahagi ka lang ng good vibes.
Sobrang hot at yummy nito sa suot nitong plain polo na naka tuck in sa loob ng pantalon nito. Halos maging fit na ito dito sa lalaki ng mga muscles nito sa braso. Shit.
At hindi mo rin talaga maiiwasan mapatingin sa nakabakat nitong kargada sa pantalon nito. Grabe lang talaga. Mapapanganga ka na lang sa laki ng bakat nun.
Lahat ng estudyante napapanganga na lang talaga sa angking kagwapuhan at kasarapan nitong si Sir Luis, eh. Kabilang na ako roon. Inaamin ko naman.
Nagsimula na itong mag turo matapos nitong kunin ang class card namin at ipakilala ang sarili nito na obviously ay kilala na naming lahat.
Taimtim kaming nakinig dito at feeling ko sya na ata ang pinaka hot na professor na nakita ko sa buong university.
Ang galing pa nito mag lecture. Hindi nito hinahayaan ang mga estudyante nito na hindi magkaroon ng partisipasyon sa lesson nito. Hindi rin ito nag kwento ng kung ano ano hindi gaya ng ibang mga prof.
Sa sobrang enjoy nga namin sa lesson nito ay hindi na namin namalayan na nag bell na pala. Sobrang bilis lang talaga ng oras kapag nag eenjoy ka. Di bale, tatlong beses ko naman siya makikita sa isang linggo.
Palabas na ako ng silid ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nag text si Peter at pinapa punta ako sa parking area.
Ano na naman kaya ang kasalanan na nagawa ko rito? Ano na naman kaya ang kailangan rin nito sa akin?. Lahat sila ay boss ko.
Dali dali na akong nag punta doon, para kitain ito. Ayoko ng mag sumbong pa ito kay Stephen at baka mapahirapan pa akong lalo dahil doon.
Habang naglalakad, panay ang bulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko. Hindi ko tuloy na iwasan makiusyoso at makinig sa usapan nito.
"Si Endrick at si Timmy kahapon. Ngayon naman si Ulysses ang nasapak ng isang First year student. Hahaha. Grabeng tatapang ng mga lalaking iyon. Bukod pa sa gwapo sila, ah." Sagot ng isang babae sa kausap nitong kapwa estudyante.
Kahit din naman ako ay hindi makapaniwala na First year lang ang nanapak sa mga yun. Nakakatuwa na may isang taong kumalaban na naman sa grupo nila Stephen.
Anong nangyayari at bakit parang ang tatapang ng mga freshmen ngayon.? May sikretong sangkap ba ang mga kinakain nila kaya ganun na lang sila katapang.
Panigurado. Kaya siguro ako pinatawag nitong si Peter. Ako na naman ang pag bubuntunan ng mga galit nun. Una si Timmy, tapos si Endrick. Ngayon naman si Ulysses.
Kailan ko kaya mababalitaan si Stephen. Yung ito naman ang masasapak.
Mukhang malabo, masyadong tuso at walang kasing sama ang taong yun. Sana lang makahanap talaga yun ng makakatapat nya. Siguro ang laking tuwa ko na nun, ang makita syang nagdurusa.
Sa gitna ng pag aalala at pag iisip ko, dahil baka sa akin na naman nila ibunton ang galit nila ay may kasamang tuwa akong nadarama.
Tuwa dahil kahit paano ay may mga taong malalakas ang loob na kalabanin ang mga ito. Sana lang, kung sino man ang mga taong yun ay hindi sana sila mapahamak.
Hingal na hingal akong nakarating sa parking lot. Naabutan kong nandoon si Peter at galit na galit ang mukha nito.
Nakita ako nitong padating at agad itong napangisi. Umusal na lang ako ng maiksing dalangin. Wag sana akong mapahamak.
"Sa wakas nandito ka na rin. utpang ina ka. Halika nga dito, madali. Bilisan mong kumilos. Gago ka..!" Sambit nito sa akin.
Kinakabahan man, ay naglakad ako papunta sa harap nito. Kasama nito ang mga alipores nito.
Bawat lider kasi ng rainbow gang ay may mga miyembro na hindi lalagpas sa sampu. Hindi ko nga alam kung saan pinag kukuha nila ang mga ito. Basta nagulat na lang ako at may mga nakabuntot na sa kanilang mga tauhan. Dinaig pa ang mga goons sa pelikula.
"Alam mo ba kung ano ang kasalanan na nagawa mong putang ina ka?" Sabi nito sa akin. Umiling ako. Nag tawanan ang mga kasama nito.
Hindi ko naman kasi alam. Saka kahit wala naman ako kasalanan basta maisipan lang na pag tripan ng mga ito ay ginagawa na lang nila. Ginawa na nila akong libangan o punching bag.
"Hayaan mong ipaalala ko sayo. Inistorbo mo lang ang plano namin ni Ulysses kahapon. Tapos ngayon, hinayaan mo pa siyang nakabulagta sa cafeteria. Putang ina ka..!" Sigaw nito at bigla akong sinampal ng malakas. Hindi na ako nakareak sa sinabi nito sa akin.
Nahilo ako sa ginawa nito. Tawang tawa pa ito sa ginawa nito sa akin. Lumapit pa ito sa akin at sinabunutan ako. Patapat dito.
"Kaya putang ina ka, humanda ka sa apartment niyo mamaya. Tignan ko lang kung makialam ka pang hayop ka. Gigil mo akong tarantado ka..! Akala mo siguro hindi namin malalaman noh. Wala kang magagawa, Richard. Hawak ka namin sa leeg. Nagkalat rin ang mga mata namin dito sa buong campus." Sabi pa nito at itinulak ako, dahilan para mapasubsob ako sa lupa.
Tawanan ang narinig ko sa grupo nila Peter. Nag kagalos tuloy ako ng di oras sa ginawa nito.
"Tapos binasa mo pa ang LV ko na bag na pinahawak ko sayo noong nag punta tayo sa mall. Hayop ka….! Ang tanga tanga mo talaga!" Sigaw pa nito sa akin.
Yun yung nakaraang linggo. Nang alilain ako ng mga ito. Nag shopping sila nila Endrick, Timmy at Stephen at ako ang ginawa nilang taga buhat ng mga pinamili ng mga ito.
Noong mag CR ako ay pinag tripan ako nila Endrick na ikulong sa CR ng mall at binuhusan ako ng tubig na galing pa ata sa tubig na pinang lalampaso ng taga linis ng mall.
Nabasa tuloy ang pinahawak sa akin nitong LV na bag, dahil yun ang ipinantakip ko sa ulo ko.
"Kaya gagawin ko sayo ang ginawa mo sa bag kong hayop ka. Girls basain ang Putang Ina na yan..!" Utos ni Peter sa mga kasama nito.
Nakita ko na nag labas ng mga timba ang mga alipores nito at walang sabi sabi ni ibinuhos sa akin ang lahat ng iyon. Madumi yun, dahil na rin sa mabaho na naamoy ko rito. Niyakap ko na lang ang bag ko dahil baka mabasa ang gamit ko.
Wala akong magawa sa sitwasyon na kinasasadlakan ko. Kapag lumaban naman kasi ako ay maraming madadamay pa. Kaya tinitiis ko na lang talaga.
Nakakaagaw na kami ng atensyon sa iilang mga estudyanteng napapatingin sa pwesto namin ngayon.
Halakhakan ang maririnig mo sa grupo nila Peter, at para naman akong basang sisiw sa itsura ko ngayon. Kinuha pa nito ang cellphone nito at vinideohan ako. Tiyak na ipopost na naman ng mga ito iyon sa bulletin board ng school.
"Ang cute cute mo naman Richard. Mukha kang pulubi sa itsura mo. Mas maganda yata kung luluhod ka sa harapan namin. Baka sakaling mapatawad pa kita sa katangahan mo.
Wag niyong titigilan na buhusan iyan. Tiyakin niyo na mag mumukhang taong grasa yan. Marami naman tayong tubig kanal na nakuha kanina, diba?" Paalala pa nito sa mga tauhan nito.
Halos manliit ako sa ginagawa nito sa akin. Hindi naman ito dating ganito. Mabait ito sa amin ni Emmet. Nag simula lang yun ng isama na ito ni Stephen sa apartment at nasaksihan nito ang pang aalipusta na ginagawa sa akin ng demonyo.
"Ano, hindi ka ba talaga luluhod sa harapan namin? Hindi ka ba mag sosorry tang ina ka..! Hindi ka talaga marunong tumanggap ng mga mali mo. Napaka tigas mong hayop ka.. Sige buhusan pa yan. Wag niyong tantanan." Sigaw muli sa akin ni Peter.
"Pero hindi ko naman kasalanan yun. Binuhusan ako nila Endrick ng tubig. Noong nasa loob ako ng cubicle. Sila ang sisihin mo. Hindi ako." Nanginginig na boses na sabi ko dito.
Nilalamig na ako sa kalagayan ko, dahil na rin siguro sa hindi pa ako nakaka bawi ng tulog at pagod kahapon. Nanlalagkit na rin talaga ako. At amoy na amoy ko na ang baho sa tubig kanal na binubuhos nila sa akin.
"Wala akong pakialam, dahil sa katangahan mo yun. Hindi sila ang may kasalanan nun. Di sana nag payong ka sa loob ng CR. Tonta ka! Kaya lumuhod ka na at halikan mo ang paa ko. Ganyan naman ang ginagawa mo madalas di ba. Kapag nag kaka sala ka?! O bakit ang iinarte ka ngayon?" Sigaw nito sa akin.
Oo, tama ito. Pero tuwing nasa apartment lang. Hindi sa ganitong open sa publiko. Mukhang sagad sagadan ang gusto nitong pang aalipusta sa akin.
"Pero hindi sa ganito kadaming tao. Please, Peter. Wag naman dito" Pakiusap ko pa rito. Kahit hindi ko naman kasalanan talaga ang lahat.
"Bibilang ako ng tatlo, Richard. Kapag hindi ka pa lumuhod at hinalikan ang mga paa ko. Tatawagan ko si Stephen at alam mo na ang mangyayari sayo. Ayaw mo naman sigurong magalit pa si Stephen sayo?" Nakangisi nitong sabi sa akin. Nagsi halakhakan pa ang mga alipores nito.
Alam nitong si Stephen ang kahinaan ko. Napaiyak na lang ako at walang magawa kundi ang lumapit na dito para sundin ang ipinag uutos nito sa akin.
Mas okay na ito. Baka mas grabe pa ang matanggap kong pang aalipusta at parusa kung si Stephen pa ay makikialam.
Sa nanginginig na pakiramdam ay lumapit ako sa pwesto nito. Nang mapatapat ako dito, natitigan ko ang mukha nito at kita ko ang tuwa na nakabalatay dito.
Luluhod na sana ako ng may mga kamay na pumigil sa akin. Napaharap ako dito at nakita ko si Christof. Niyakap ako nito ng mahigpit palayo kay Peter.
Hindi nito alintana na basa, marumi, amoy kanal at mabaho ako. Yakap yakap ako nito para protektahan kay Peter.
"Tangina naman, Peter. Ano na naman ba to? Anong ginagawa mo kay Richard!?" Sigaw nito kay Peter.
"Wag kang makialam dito, Christof. Umalis ka dyan..! Girls paghiwalayin nyo sila puta..! Nanggigigil ako." Sigaw nito.
Inutusan nito ang apat na kasama nito na paghiwalayin kaming dalawa ni Christof pero mas lalo lang humigpit ang akap nito sa akin. Halatang ayaw ako nitong ibigay sa lalaki.
Kitang kita ko pa nga na may isang lalaking humarang sa amin.
Hindi tuloy naka galaw bigla ang alipores ni Peter, dahil humarang ito. Bumitaw ako sa akap ni Christof at nakita ko ang lalaking nakabungguan ko kahapon. Ito yung grabe makatingin sa akin at tumulong na damputin ang mga bag na nahulog ko.
"Tumabi ka dyan. Kung ayaw mong sayo ko ibunton ang galit ko sa hayop na panget na yan...!!!!" Sigaw ni Peter sa lalaki. Tinignan lang sya nito ng masama.
Nakita ko kung paanong unti unting umatras si Peter. Ramdam ko ang biglaang pag katakot nito sa mga tingin na pinupukol rito.
“S-Sino ka ba?! B-Bakit nakikialam ka? Kamag anak ka ba ni Richard?” Tanong nito na nabulol pa. Patuloy ang pag atras nito sa lalaking nasa harapan namin.
Hindi sumagot ang lalaki sa mga tanong ni Peter. At ilang saglit pa ay sinugod na ng mga alipores ni Peter ang lalaki. Halos mapigilan ko ang paghinga ko sa nangyayaring sapakan.
Magaling ang lalaki sa pakikipag buno. Tinadyakan nito sa bayag ang isang alipores ni Peter, dahilan para matumba at mangisay ito.
Sumugod pa ang isa na wala namang nagawa at pinag susuntok lang nito iyon ng malakas, dahilan para matumba iyon at di na makabangon pa.
Sobrang dali lang din napatumba nito ang iba pang alipores ni Peter. Inapakan pa nga nito ang mga katawan ng mga iyon na nasa lupa na lahat ng lumapit ito unti unti kay Peter.
Kita ko ang pag kataranta sa mukha ni Peter sa nangyayari. Maging ito ay nagulat sa mga napatumba nito.
"Tanginaaa si-sino ka-ka ba ha!!! H-hindi mo o ba ako nakikilala -laa ahhhh..!" Sigaw nito sa lalaki pero halata na ang pag kabulol at takot nito.
"Alam mo bang ilang beses ko na yan naririnig sa mga taong ginulpi ko. At para sabihin ko sayo. Wala akong pakialam kung sino ka mang poncio pilato ka. Putang ina ka..! Ngayon kung ayaw mong masaktan, gaya ng mga walang kwenta mong alagada. Ay susundin mo ang iuutos ko at.." Sabi ng lalaki pero Naputol ito ng sumabat agad si Peter.
"Tangina ka bakit naman kita susundin sino ?... aaaakk arrrghhh..!" Sinampal ito ng lalaki ng pag kalakas lakas dahilan para pumutok ang labi ni Peter. Halos manginig ang mundo nito sa ginawa ng lalaki.
"Kapag nagsasalita ako, ayokong pinuputol ang sinasabi ko. Naiintindihan mo ba?" Sigaw ng lalaki kay Peter habang sinasakal nito iyon.
"Akk akk.. " Nahihirapang boses ni Peter pero hindi ito tinantanan ng lalaki hanggat hindi ito nakukuntento. Ramdam ko ang inis nito kay Peter.
Nang makuntento ay bitawan na nito si Peter. Na nooy umubo ubo na, nag suka pa nga ito. Tumahimik ang buong paligid. Niyakap ako muli ni Christof at pilit inilalayo pero nag pakatatag ako.
Gusto kong masaksihan ang takot na nakabakas sa mukha ni Peter. Gusto kong makita ang reaksyon nito, na ito naman ang inaapi. Gusto kong masaksihan iyon, lahat lahat.
"Ngayon, susundin mo na ba ang iuutos ko o sasaktan muna kita bago mo ako sundin?" Tanong ng muli lalaki dito.
Takot na takot si Peter na tumango. Sinabunutan nito si Peter at hinila ito palapit sa pwesto namin ni Christof. Kinaladkad ito na parang wala ng bukas sabay itinulak pasubsob sa amin.
"Christof, bitiwan mo muna siya. Umalis ka dyan." Sabi nito. Agad naman iyon ginawa ni Christof at bumitaw ng yakap sa akin.
So, kilala nya si Christof. Sino kaya itong napaka tapang na lalaking ito?
"Halikan mo ang mga paa ng lalaking iyan. " Utos nito kay Peter na labis kong ikinagulat.
"Nababaliw ka na ba?! Bakit ko naman yun.... aaack!" Sinampal muli nito si Peter sa pisngi ng malakas dahilan para ikalugmok nito sa lupa. Tumalsik na ang dugo nito sa lupa.
"Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi mo hinalikan ang mga paa nyan. Sisiguraduhin kong lahat ng estudyante sa unibersidad na ito ay hahalikan mo ang paa. Isaaaaa...!" Sigaw muli ng lalaki.
Pag karinig palang ni Peter ng bilang na isa, ay agad na itong lumapit sa akin at mabilisang pinag hahalikan ang sapatos ko.
"Teka lang. Calvin ilabas mo ang phone mo at kunan mo to." Narinig ko pang sabi ng lalaki sa lalaking kasama nito.
"Wala sa usapan yan, saka hinalikan ko na ang paa ng hampas lupa na ito. Sapat na iyon." Sagot ni Peter. Diring diri ito sa ginawa nitong pag halik sa paa ko. Kahit paano ay nakaramdam ako ng awa rito. Sa Kabila ng mga kasalanan nito sa akin ay naaawa pa rin ako.
Halatang hindi ito sanay sa sitwasyon nito. Isama mo pa na duguan ito dahil sa natamong sapak at sampal sa lalaki.
"Sa tingin mo may pakialam ako dun. Calvin." Sagot muli ng lalaki dito. Ang lakas ng dating nito. Alam na alam nito ang sasabihin at ikikilos.
Sinunod naman ng tinawag na Calvin ang sinabi ng lalaki. Inilabas nito ang cellphone nito at inumpisahan ng kunan si Peter.
"Hubarin mo ang sapatos nya at halikan mo ang mga paa nya. Bawat daliri sa paa, ay hahalikan mo..! Yun ang gusto kong gawin mo. Bilisan mo at ayokong nag hihintay." sigaw muli nito kay Peter.
"No way..! Bugbugin mo na lang ako. Mas maaatim ko pa iyon. Kaysa ang halikan ang pa ang putang ina hampas lupa na iyan. My gosh..!" Pag angal at diring diri na sabi ni Peter.
“Okay, mabilis akong kausap.” Sagot ng lalaking matapang. Inambaan na nito ng sapak sana sa mukha si Peter pero mukhang sinubukan lang ng baklang iyon kung aatras ang lalaki.
Kaya naman ng matiyak nito na seryoso nga ang lalaki na gugulpihin siya ay lumapit na ito sa akin at mabilis na ni Peter, hinubad ang medyas at sapatos ko.
Kahit nahihirapan ay nagawa nito iyon sa tulong ko na rin. Pinag hahalikan nito ang paa ko. Ang bawat daliri ko. Bakas na bakas sa mukha nito ang pandidiri pero wala naman itong magawa.
"How does it feel? Masarap ba. Masarap ba ang ipinagagawa nyo sa kanya kanina?" Tanong ng lalaki kay Peter.
Hindi na nito napigilan pa ang umiyak at humagulgol. Siguro dahil sa pag kapahiyang natamo nito. Nakuhaan pa ng larawan o video ang ginagawa nitong pag halik sa paa ko. Marami pa ang nakasaksi sa ginawa nito. Kaya ganun na lang ang pag atungal nito ngayon.
"Isang beses ko pang makita na nang gaganyan ka ng tao. Hindi lang yan ang mararanasan mo. Dobleng sakit ang ipaparanas ko sayo. Tandaan mo yan." Sabi pa ng lalaki bago ito tumalikod at naglalakad papunta sa mga kasama nito.
"Tang ina mo..! Gaganti ako! Pagsisisihan mo tong ginawa mo sa akin..! Puking ina kaaaaa! Pagsisisihan mo. Aalamin ko kung sino ka bang hayop ka?!" Sigaw ni Peter habang umiiyak.
Humarap muli ang lalaki. At ngumisi ito kay Peter. Hindi mo kakabaskasn man lang ito ng takot sa pag babanyang iyon sa kanya.
"It's Andrei, Bitch!" Sabi nito at iniwan kaming nakatigalgal sa lugar na iyon. Gusto kong palakpakan ito pero nag pigil ako.
"Masaya ka na ha, Richard..! Tang ina mo. Humanda ka pag uwi mo mamaya..! Hindi pa ako tapos sayo. Tang ina ka..!" Sigaw nito sa akin. Galit na galit ang mukha nitong duguan.
Pagkatapos ay dahan dahan na itong tumayo na at iniwan kami ni Christof. Kasama ang mga alipores rin nitong nakabulagta pa sa lupa.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nangyari. Matutuwa ba ako? O magagalit dahil ibang tao pa ang gumanti para sa akin. Kinailangan ko pa ang tulong ng iba para maipagtanggol ako.
"Ayos ka lang ba, Richard. Binuhusan ka lang ba ng tubig nila Peter? Hindi ka ba nila sinaktan?" Tanong sa akin ni Christof. Hindi talaga nito alintana ang mabahong amoy ko.
Ngumiti ako rito ng mapait. Sanay naman na ako sa ganito. Malayo sa bituka.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung bakit gustong gusto ko na nakitang nahihirapan si Peter. Deserved na deserved nito ang nangyari. At masayang masaya ako dahil doon. Kahit nakaramdam pa ako ng pag kaawa sa kanya kani kanina lang.
"Halika na muna sa CR ng makapag palit ka ng damit. May mga t shirt akong malinis sa locker. Gamitin mo muna iyon. Kasya naman siguro iyon sayo." Yaya ni Christof sa akin.
Wala na akong lakas pa para tumanggi. Nag patianod na lang ako dito. Ubos na ang sakit na nadarama ko, ubos na ubos na.
Inihatid ako nito sa gymnasium. Kung saan naroon ang extrang damit sa may locker nito. Naabutan pa nga namin ang mga ka teammates nito roon. Na napahinto sa pag aasaran ng makita ang sitwasyon ko.
Wala naman nag salita sa kanila. Tahimik lang silang nakatingin sa akin. Nang maihatid ako ni Christof sa may CR roon ay saglit itong nag paalam sa akin.
“Kukunin ko lang ang damit ko at mga kakailanganin mo. Sandali lang ito.” Wika nito sa akin na ikinatango ko na lamang.
Hindi rin naman nag tagal ang paghihintay ko. Mabilis rin itong nakabalik daladala ang mga kailangan ko.
Ibinigay nito sa akin ang malinis na damit at mga toiletries na kakailanganin ko. Inabot din nito sa akin ang tuwalya nito.
“Maligo ka na. Kung may kailangan ka pa, ay sumigaw ka lang at hihintayin lang kita rito sa labas. Nandito lang ako, Richard.” Sambit pa nito sa akin bago na ako nito iniwan roon.
Matapos kong ilagay sa lagayan ang lahat ng gamit na hawak ko ay tumapat na ako sa shower at hinayaan kong maalis ang lahat ng dumi at ang lahat ng mga bumabagabag sa akin.
Sagad na sagad na ako. Hindi na pwedeng mag tiis na lang ako. Kung patuloy lang akong mag titiis, lalo lang nila ako aapihin. Lalo lang nila ako pag titripan. Lalo lang nila akong sasaktan.
Oras na ba para labanan ko sila? Kung kaya nilang labanan ang grupo nila Stephen. Kakayanin ko rin kaya?
Matapos ang matagal na pag ligo ay lumabas din ako. Presko na ang pakiramdam ko at kahit paano ay nawala na ang ibang agam agam sa isip ko. Nakabihis na ako ng nakita ko si Christof na matyaga akong hinihintay.
"Pinag paalam na kita kay Boss Eros. Sinabi kong hindi ka muna papasok dahil may emergency na nangyari. Pumayag naman na sya. Wag ka ng mag alala pa, hindi ko sinabi kung ano ang nangyari talaga sayo." Sabi nito sa akin.
Nais ko rin naman talagang hindi muna pumasok. Gusto ko lang muna magpahinga. Mag isip isip.
"Kung gusto mo, sa apartment ko na lang muna ikaw tumuloy. Halika na. Hindi kita iiwan kahit ipagpilitan mo na lubayan kita. Kailangan mo munang mag pahinga." Pamimilit nito sa akin.
Muli akong tumango rito at nag patianod na lang sa kung saan man balak ako nito dalhin. Wala na rin kasi talaga akong lakas para tumanggi pa.
Dinala ako nito sa parking lot muli at kinuha nito ang sasakyan nito. Gusto ko sana itanong dito na meron pala itong sasakyan, pero bakit lagi itong nag ko commute kasama ako papasok sa work.
Tumahimik na lang muna ako at wala ako sa mood makipag usap. Hinayaan lang din naman ako ni Christof. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa apartment nito. Kung wala lang akong pinag dadaanan ngayon, malamang napuri ko ang apartment nito.
Sobrang ganda at elegante ng apartment ni Christof. Nakakalula sa laki at ganda. Karaniwan na sa magazine ko lang nakikita ang mga ganito kaganda na lugar.
Nakalimutan kong mayaman nga pala itong si Christof. Masyado kasi itong simple at walang kaarte arte sa buhay.
"Nagugutom ka ba, Richard? Gusto mo bang kumain?" Tanong nito sa akin. Matapos makaupo sa sofa sa napakalaking sala nito.
Naka harap ito sa akin at napag masdan ko tuloy ang mukha nito ng malapitan.
Noon pa man ay crush ko na itong si Christof. Gwapo naman kasi ito. Madalas itong pag selosan ni Emmet noon sa tuwing mapag usapan namin ito. Nakakahanga kasi talaga ito dahil sa angking talino nito at sobrang gwapo talaga. Mabait pa ito.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at napatingin ako sa manipis at mapula nitong hugis puso na labi. Nagtataka naman ang reaksyon nito kung bakit ako natulala sa kanya.
Naririnig ko pa nga na tinatawag ako nito pero naka tuon talaga ang atensyon ko sa mga labi nito. Parang inaakit ako nun. Inaakit na halikan iyon at lasapin.
Kusa na lamang kumilos ang mga kamay ko para hatakin ang ulo nito palapit sa akin. At sa sandaling pagkagulat nito ay siyang mabilis ko naman pag lusob sa labi nito.
Siniil ko ng halik ang mga labi ni Christof. Bugso ng damdamin ko na ang pinairal ko sa mga oras na iyon. Sa una ay nagulat pa ito pero ng di mag laon ay tumugon na rin ito sa mga halik ko. Hanggang sa ang simpleng halik ay lumalim ng lumalim.
Sobrang sarap ng labi nito. Nalalasing ako sa paraan ng pag halik ni Christof. Masasabi ko na mahusay ito humalik, dahil ito ang nag dadala ng halikan namin. Sinisipsip nito ang dila ko na ginagaya ko rin naman pagkatapos nitong gawin iyon sa kin.
Napahawak na nga ako sa buhok nito para mas maging madiin pa sa akin at upang lalo ko pang palalimin ang halik na pinag sasaluhan namin ngayon.
Di na nga namin namalayan na napahiga na ako sa sofa at naka patong na ito sa akin. Sa sobrang intense at hot ng pag hahalikan na pinag sasaluhan namin ay parang nakagawa kami ng mundo na para lang sa amin dalawa.
Natigil lang ang pag hahalikan namin ng maubusan na kami ng hininga. Saka lang unti unting bumalik ang tamang pag iisip naming dalawa. At napansin naming parehas ang posisyon namin.
Nanlalaki ang mga mata namin ng mapagtanto ang ginawa naming halikan. Agad itong umalis sa ibabaw ko at napaupo naman ako bigla. Fuck. anong nangyari? Paano kami napunta sa posisyon na iyon. Shitl.
Bumuka ang bibig nito pero walang tinig ang lumabas roon. Nag titigan lang kami at kita ko ang pamumula ng mukha nito. Pakiramdam ko nga ay pareho lang namumula ang mga pisngi namin. Sobrang nakakahiya ang nangyari. Shit.
Dali dali itong tumayo at iniwan na lang akong bigla sa sala.
Teka anong nangyari? Bakit ko sya hinalikan potek! At bakit nag enjoy ako at masarapan? Richard Ano na naman ang ginawa mo? Baka kung ano na lang ang isipin sayo ni Christof shit ka!
Nasa ganoon akong pag iisip ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ito ay agad akong kinabahan sa nakita kong tumatawag.
Ang pinaka DEMONYO sa lahat ng demonyo. Si Stephen.
Thanks 😊💜
ReplyDelete