Kabanata 7
"Bagong Kakilala na si Timmy."
Richard
"So, saan ang magiging silid ko?" Tanong nito sa akin. Tinuro ko naman ang katabi naming silid ni Emmet. Napatango tango ito at nag lakad papunta sa silid na tinuro ko.
Binuksan nito ang pintuan ng silid nito at tumingin tingin sa paligid. Mukhang natuwa naman ito sa laki ng silid na iyon kaya napangiti ito.
"Maayos at malinis naman ang magiging silid ko, pero mukhang manipis ang pader no. Anyways, pwede ba akong mag patulong mag buhat ng gamit ko kay Emmet. Richard?" Nakikiusap na tanong nito sa akin.
Tumango na lang ako. Hindi alam bakit napapasunod na lang ako sa bawat sinasabi nito. Agad kong pinuntahan si Emmet sa loob ng kwarto namin.
Pag bukas ko ng pinto ay nasa kalagitnaan pala ito ng pagbibihis. Hawak nito ang brief nito at mukhang isusuot pa lang nito iyon ng mapag buksan ko.
Saktong sakto yun sa pagkakarinig ko ng pag singhap sa likuran ko. Dahilan para mapalingon ako. Kita ko si Stephen na napatakip pa ng bibig sa gulat. Hindi ko inaasahan na susundan pala ako nito papasok sa silid namin ni Emmet.
As if naman na hindi pa niya nakita ang kahubdan ng boyfriend ko, di ba. Si Emmet naman ay parang nang aasar pa na humarap sa pwesto namin at hindi pa muna isinuot ang brief nito.
"Bakit? Anong kailangan nyo?" Tanong nito na parang wala lang na nakabalandra ang burat nito sa amin. Parang wala lang ibang tao na naroon.
Isasarado ko na sana ang pintuan, ng biglang hinarangan ito ni Stephen at walang sabi sabi na pumasok sa loob ng kwarto namin ni Emmet. Ni hindi man lang ito nahiya sa akin.
Sabagay, mukha wala naman itong hiya. Nagagawa nga nitong makipagtalik sa boyfriend ko eh.
"Mag papa tulong lang sana ako mag pabuhat ng iba kong gamit sa kotse, kung pwede sana?" Tanong nito pero halatang sa burat ni Emmet nakatingin.
"Sige lang, mag bihis lang ako." Sabi nito saka lamang nito isinuot ng tuluyan ang brief nito. Halos mag laway tuloy ako pati si Stephen sa ginawa nito.
Hindi ko talaga maunawaan ang sarili ko at nasisiyahan pa akong makita na binobosohan ng ibang tao si Emmet. May nabubuhay sa loob ko na matinding kalibugan na ang hirap ipaliwanag.
Haaaaay.. Malala na talaga ako.
"Okay lang ba na hintayin na lang kita rito." Magiliw pang sabi ni Stephen kay Emmet.
Hindi muna sumagot si Emmet at napatingin muna sa akin. Nakita tuloy nito ang pag bakat ng burat ko sa suot kong manipis na boxer short. Ngumisi lang ito habang patuloy pa rin sa pagbibihis.
Pinamulahanan ako ng mukha sa nangyari na nakita rin naman ni Stephen. Hiyang hiya ako sa emosyon na nadarama ng katawan ko. Makapag sinungaling ako pero hindi ang katawan ko.
Nang matapos si Emmet mag bihis ay lumabas na agad ito, naunahan pa nga kami ni Stephen lumabas. Susunod na sana ako sa kanya palabas ng biglang hawakan ni Stephen ang braso ko.
"Alam ko ang nasa isip mo. Alam kong natutuwa ka na binobosohan ko ang boyfriend mong si Emmet. Wag kang mag alala. Normal lang yang nararamdaman mo. Nag bebenefit naman ako roon, eh." Nakangisi at sigurado nitong sabi sa akin.
Hindi na ako nag salita dahil alam ko naman na tama ito, at mukhang alam din nman nito na tama ito sa sinabi sa akin.
Nilibot nito ang mga mata nito sa kabuuan ng kwarto namin ni Emmet. Lumapit pa ito sa kama at hinawakan ang parte kung saan madalas pumuwesto si Emmet, na ipinag taka ko.
"Not bad. Maayos din ang silid na ito. Kaya lang baka maistorbo ako kapag nag loving loving kayo ni Emmet. Mukhang manipis talaga ang pader sa pagitan ng silid nyo at magiging silid ko. Tiyak na mag kakarinigan talaga tayo." Tanong nito sa akin.
"Wag kang mag alala. Hindi naman kami ganoon ni Emmet, may konsiderasyon naman kami sa ibang tao. Titiyakin namin na walang ingay na lalabas sa mga bibig namin kapag nag talik kami." Sagot ko rito. Ipinapamukha na anuman oras ay pwede kaming mag talik ni Emmet.
"Aww.. Too bad, gusto pa naman ni Emmet ng maingay sa kama. Anyway, Tara na ng matapos na ako agad at makapag pahinga." Sabi nito at saka mabilis lumabas ng kwarto. Naiwan akong hindi man lang nakasagot sa sinabi nito.
Oo, mas gusto nga ni Emmet ng ganoon sa kama. Too bad, hindi ako ganun.
Lumabas na din ako ng kwarto at nag punta na sa kusina para mag luto ng hapunan. Corned beef lang na may patatas ang niluto ko at nag saing na rin ako ng pang tatlong tao.
Habang si Emmet naman ay panay ang buhat at pasok ng mga gamit ni Stephen sa kwarto nito. Mukhang dito na ata ito titira sa dami ng gamit na dinala nito. Akala ko ba pansamantala lang ito.
Sinakop na nga rin nito ang ibang espasyo sa may sala dahil hindi na kasya ang iba sa silid nito.
Nang matapos makapag luto ay agad na rin akong nag hain, sakto rin na kakatapos lang ni Emmet mag buhat at tulungan si Stephen. Pinagpawisan tuloy ito dahilan para mag hubad baro ito.
Nasa tapat lang nito si Stephen at nakikipag kwentuhan pero nakatitig naman ang mata sa katawan ni Emmet. Ang sarap naman kasi nitong tignan sa itsura nito ngayon.
"Luto na ang pagkain Emmet, Stephen. Pwede na tayong kumain" Tawag ko sa atensyon nilang dalawa. Humarap naman sila sa akin at tinanong ni Stephen kung ano ang ulam. Pag kasabi ko na corned beef ang ulan ay sumimangot ito.
"Eiw, hindi ako nakain nun. But it's okay, mag papa deliver na lang ako ng pagkain. Okay lang ba yun Richard at Emmet?" Tanong nito matapos pandirihan ang ulam namin.
Nagkibit balikat lang si Emmet at tumango na lang ako. Baka kasi hindi nga naman nakain yun ng corned beef, pero si Emmet. Alam ko naman na paborito nito iyon.
One time nga isang linggo namin ulam yun kasi palagi nitong nirerequest na lutuin ko yun. Hindi ko rin talaga hilig ito noon, pero di naglaon ay nakasanayan ko na at nasarapan na rin sa dalas nga na irequest nito.
Tinakpan ko muna tuloy ang mga pagkain na nasa lamesa na nakahain na, dahil hinintay muna namin ang ipinadeliver na pagkain ni Stephen.
Tatlongpung minuto rin kami nag hintay bago dumating ang sandamakmak na inorder nito sa isang sikat na restaurant. Ito na rin ang nag bayad nun, kahit sinabi ni Emmet na pag hatian na lang.
Ako na ang nag handa sa hapag kainan, hinintay na lamang ako ni Emmet na tawagin ito sa sala. Busy ito sa kakakalikot ng phone nito. Samantalang si Stephen naman ay pumasok sa kwarto nito upang mag palit ng pambahay na damit.
Ilang saglit lang din ay naihanda ko na ang lamesa. Maraming inorder na pagkain si Stephen. May lechon belly, sinigang na tiyan ng bangus, kare kare, sisig, kaldereta at may kasama pang dalawang 1.5 na softdrinks at isang malaking ice cream.
Itinabi ko pa rin ang corned beef ko kasi alam kong hahanapin ito ni Emmet. Nang naiprepara ko na ng maayos, ay tinawag ko na sila pareho.
Lumabas si Stephen na tanging masikip at maikling short lamang ang suot nito. Masyado tuloy napansin ang katambukan ng pwet nito. Nag suot din ito ng sando na parang wala lang sa sobrang nipis ng tela niyon. Litaw na litaw tuloy ang dalawang utong nito.
Masasabi kong napaka ganda talaga ng katawan nito .Kaya naman di na katakata na si Emmet ay napapa sulyap sa itsura nito ngayon. Mukha din naman alam yun ni Stephen. Kasi napapangisi na lang ito sa akin.
Nag tungo na kami sabay sabay sa lamesa at naunang umupo si Emmet. Tatabi na sana ako sa pwesto nito ng biglang unahan ako ni Stephen. Tinignan ko tuloy sya ng nagtataka.
"Sorry mas maliwanag kasi ang pwesto rito. Medyo malabo na kasi ang mata ko kaya kung maaari ay dun ka na lang sa tapat namin pumuwesto. Please." Sabi nito na nakikiusap.
Gaya kanina, sumunod na lang ako sa sinabi nito kahit sa mahigit dalawang taon namin pag tira dito ay ngayon lang kami mag kaka hiwalay ng upo ni Emmet.
Hindi na rin naman na nag protesta si Emmet kaya hindi ko na lang din binig deal pa. Baka isipin nila na insensitive ako.
Akmang sasandukan ko na si Emmet na malimit kong ginagawa pero muli ay inunahan na naman ako ni Stephen.
"Ay sorry Rich, mas malapit kasi ako dito sa tabi nya. Kaya ako na ang gumawa. Para hindi ka na rin mahirapan pa. Asikasuhin mo na lang ang sarili mo at kaya ko naman na ito." Sabi nito sa akin.
Habang patuloy nitong nilaglagyan ng pagkain ang plato ni Emmet. Nakatingin lang sa akin si Emmet, hindi man lang ito nag salita. Hinihintay ko na mag protesta ito pero hindi nito ginawa. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nang matapos masandukan ito ni Stephen ay saka lamang ito nag salita ito.
"Babe, paabot naman ako ng corned beef" Sabi nito sa akin. Natuwa naman ako kasi sa daming masasarap na pagkain na inilagay ni Stephen sa plato nito, ay yung corned beef pa din na niluto ko ang hinahanap nito.
Nakita ko ang pag simangot ni Stephen sa sinabi ni Emmet. Nang iaabot ko na ang mangkok kay Emmet ay biglang may kinuha na sandok si Stephen dahilan para matabig nito ang kamay ko at matapon ang cornedbeef sa sahig.
"Ooooppps.. Sorry, hindi ko sinasadya Richard at Emmet. Masyado talaga akong clumsy. Sorry." Hinging paumanhin pa nito na parang maiiyak sa nangyari.
"Okay lang, madami naman ulam eh." Sagot ko na lang at agad tumayo para sana linisin ang natapon na pagkain.
Pero nauna na si Emmet. Kinutsara pa rin nito ang corned beef at nilagay sa plato nito. Gulat na gulat kami ni Stephen sa ginawa nito. Mukha naman nakita nito ang pagtatanong sa mukha namin.
"What!?? Pwede pa naman ito ah, saka sayang." Sabi nito bago sumubo ng kanin at corned beef. Lihim na lamang akong napangiti rito.
Nag tuloy tuloy na lang ang kain namin. Tahimik nun umpisa walang nagsasalita. Mayamaya lang ay nagsalita si Stephen.
"So, kamusta ka na Richard? Naka save pa rin ba sa phone mo ang videos at pictures na ipinadala ko sayo noon?" Tanong nito sa akin na nangingiti. Ako naman kasi yung tao na hindi ugali ang mag sinungaling. Hangga't maaari sinasabi ko yung totoo. Yan din ang nakakainis na katangian ko talaga. Tumango na lang ako habang kumakain, mahirap na pag hindi busy ang bibig ko baka kung ano pa ang masabi ko.
"Wow! So pinagjajakulan mo pa rin yun? OMG..!" Tanong ulit nito. Tinignan ko si Emmet dahil bakit hindi man lang nito pigilan si Stephen sa bulgar na pagtatanong nito.
Nakita ko sa mga mata nito na nais din siguro malaman nito ang sagot ko.Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot ko na lamang iyon.
"Minsan, pero ngayon hindi na masyado. Medyo maraming iniisip lately eh" Casual lang na sagot ko. Pero nakita ko pa din ang pag ngiti ng dalawa sa harapan ko.
Hindi ko nga lang alam kung pareho ba silang napangiti sa interpretasyon ng sinabi ko.
"I see, baka nag sawa ka na kasi. Baka gusto mo ng mag level up. Yung tipong bago naman. Mas maganda siguro kung sa personal mo itong mapapanood, live ba kumbaga." Suhestiyon nito sa akin.
Pansin ko na parang hinihingal si Emmet, at hindi masyadong makakain ng maayos. Eh nakatapat naman sa kanila ang electric fan. Naiinitan ba Ito? Malamig naman ah.
Saka ko lang napagtanto na ang kaliwang kamay ang pinang gagamit ni Stephen sa pang kain nito. At kapansin pansin din na nasa ilalim ang kanang kamay nito na natatakpan ng mantel ng lamesa.
"Kaliwete ka pala?" Hindi ko sinagot ang tanong nito, bagkus nag tanong din ako.
"Ah, Oo. Mas sanay akong kumain dito, saka medyo masakit kasi ang kanang kamay ko kaya hindi ko ginagamit sa ngayon.” Sagot nito sa akin na nakangiti.
Hindi ako ipokrito sa nangyayari, alam kong may ginagawa kayong kababalaghan sa ilalim ng mesa. Sa itsura pa lang ng boyfriend ko na nasasarapan. Walang duda. Malamang hawak hawak ni Stephen ang burat nito sa ilalim ng mesa.
"Kaya pala burat ng boyfriend ko ang hawak mo? Nasa burat ba nya ang therapy na makakatulong sa pilay mo?." Matapang na tanong ko rito.Nasa harapan kami ng hapag kainan. Hindi na nila ginalang iyon.
Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa akin. Habang gulat naman ang naging reaksyon ni Emmet.
"Ooopppsss.. Anong sinasabi mo? Talagang napilayan talaga ako. Tingnan mo pa." Sabi nito sabay angat ng kanang kamay nito upang ipakita sa akin na pilay nga ito. Agad din naman nitong ibinalik ang kamay nito sa ilalim ng mesa. Tinignan ko si Emmet at patuloy lang ito sa dahan dahan na pagkain. Hindi man lang sumagot sa sinabi ko, ni ideny ay wala itong sinabi. Minsan nga hindi pa nito napipigilan di mapaungol.
Kaya ako naman itong si gago ay tinanggap na lang ang nangyayari. Wala na din naman na ako magagawa, mismong boyfriend ko na ang hindi tumututol dito. Sino ba naman ako para pigilan ito sa kagustuhan nito.
Tinapos ko na lang ang pagkain ko dahil nawalan na rin ako ng gana talaga. Agad ko na silang iniwan sa mesa at dumiretso agad sa kwarto. Nag hilamos, nag toothbrush at humiga na sa kama.
Bakit ba ang hina ko? Bakit ba hinahayaan ko sila na saktan ako ng ganito? Bakit ba hinahayaan ko si Emmet sa piling ni Stephen?
Bakit ba hinahayaan kong tigasan at malibugan ako ng ganito? Bakit ba hinahayaan ko na ang katawan ko ang mag hari kaysa sa utak ko? Ilang lang yan sa sandamakmak na BAKIT na lagi kong tinatanong sa sarili ko.
Tangina Richard, gumising ka na please. Hindi na ito tama. Malala na ito. Malala na Richard. Hahayaan mo na lang ba na bastos bastusin ka nila sa harapan mo. Sa sagradong bahay na ito kung saan kayo bumuo ng pangarap ni Emmet. Wake up..!
Ilang saglit lang ay pumasok na rin si Emmet sa kwarto, pumikit na lang ako at tumagilid ng higa. Narinig kong bumukas ang banyo at maya maya lang ay nahiga na ito sa tabi ko. Niyakap ako sa likod.
Walang salita ang namutawi rito. Walang paliwanag. Mahigpit na yakap lang ang naging sagot nito sa mga bumabagabag sa akin na katanungan sa akin.
Hindi ko man maunawaan ng tuluyan ang nararamdaman ko, ay hinayaan ko na lang muna. Umaasa na lang ako sa pagmamahal ko sa kanya. At iisiping libog lang itong parehas namin nararamdaman.
Naniniwala pa rin ako sa lalaking MINAHAL ko ng lubos lubos.
Ilang minuto pa lang kami sa posisyon na ganun ng may biglang kumatok sa pintuan. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ito dahil siya lang naman ang bwisita sa apartment namin.
Hindi na sana namin papansinin pa ni Emmet ang mga katok, pero masigasig ito. Kaya naman napilitan akong tumayo at pag buksan ang tao na nasa labas ng pinto.
"Hi, Richard. Gusto ko lang sana humingi ng paumanhin sa'yo sa inasal ko kanina, hindi ko kasi talaga mapigilan. Sobrang sarap lang kasi talaga ni Emmet. Gusto mo rin naman iyon, diba. Aminin. But anyway, mali pa rin iyong inasal ko. So Eto oh, peace offering ko." Sabi nito na may dalang parang SOLA na inumin at may dalawang baso pang kasama na nasa tray. Napatingin ako dito at duda sa binibigay nito. Mamaya lason pala ito at balak na pala akong lasunin. Mukhang nakuha naman nito ang pagdududa ko.
"Wala itong lason. Ano ka ba, mabuti ang hangarin ko ngayon para naman hindi tayo mag kailangan sa isat isa. Pramis, hindi ko na pag nanasaan o mamanyakin si Emmet, pwera nalang kung ikaw mismo ang magsasabi nito sa akin at bibigyan ako ng pahintulot na lasapin at tikman ang boyfriend mo." Ngiti pa nito sa akin.
Duda pa rin talaga ako sa binibigay nito. Kaya naman ibinuhos nito ang lamann ng likido sa isang baso at ininom nito iyon.
"See, walang lason? Pampakalma lang kasi ito. Para maging maayos at mahimbing sana ang tulog mo, hindi ito kung ano pa man. Pansin ko kasi na mukha kang stress. Nakaka tanda yan. Ikaw rin baka ipag palit ka na ng tuluyan ni Emmet. Hehehe. Joke lang.” Pag bibiro pa nito sa akin.
Nang makita na okay naman ang binibigay nito, ay tinanggap ko na. Ibinuhos nito ang laman nito sa isa pang baso at nilagok ko yun hanggang sa maubos. Masarap naman ang lasa nun.
Nag pasalamat lang ako sa kanya at nag paalam na na magpahinga. Ganoon din naman ang ginawa nito. Pag higa ko ulit ay nakaramdam ako ng kapayapaan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng mabilis. Epektibo ngang pampakalma ang ibinigay sa akin ni Stephen.
Nagising na lang ako kinaumagahan na ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Tuloy tuloy kasi ang naging pag tulog ko. Kaya lamang ay hindi ko na naabutan pang tulog si Emmet sa tabi ko, pansin ko lang na napaka gulo ng hinigaan namin.
Animo'y binagyo sa sobrang gulo. Sobrang likot naman matulog ni Emmet, or baka ako din kasi nga sobrang himbing talaga ng naging tulog ko.
Inayos ko na lang ito at pakanta kanta pang nag linis ng kwarto. Maganda lang kasi talaga ang naging tulog ko. Mayamaya ay biglang sumulpot si Emmet. Pawis na pawis ito mukhang nag jogging ito base na rin sa get up nito. Himala maaga itong nagising para mag jogging muli.
"Good Morning, Babe. Hindi na kita nagising kanina. Sobrang himbing kasi ng tulog mo. Tamang tama rin pala at nagising kana. Ano, ikaw ba unang maliligo o ako?" Sagot nito sa akin.
"Sige mauna ka na, mag hahanda pa ako ng breakfast natin." Sagot ko na papalabas na sana ng silid namin.
"Wag na, Babe. Nag almusal na kami ni Stephen, matapos makapag jogging." Sagot nito sa akin habang nakatitig. Kasama pala nya si Stephen mag jogging, nice. Nagkibit balikat na lang ako. Almusal ko na lang pala ang lulutuin ko. Iniwan ko na sya sa kwarto. Pag kalabas ko nakita ko si Stephen, naka pang exercise na outfit rin. Medyo colorful nga lang at masyadong maikli ang short nito dahilan para lalong bumakat ang pwet nito.
"Oh, Hi Rich. Good morning. Mukhang napasarap ang tulog mo, ah. Anyway, binilhan ka na namin ni Emmet ng almusal, nag breakfast na kasi kami ng sabay after mag jogging. I hope umiinom ka ng kape sa umaga." Sabi nito sa akin sabay abot sa akin ng kape at tinapay na galing sa kilalang coffee shop.
"Salamat. By the way, thank you rin sa pinainum mo sa akin na TEA kagabi. Naging maayos ang tulog ko dun. Anong brand yun para makabili ako kapag nag grocery." Tanong ko rito. Mukhang maganda kasi talaga ang naging epekto sa akin.
"Im sorry dear, sa ibang bansa ko pa yun nabibile at alam ko wala pa sa pilipinas nun. Don't worry bibigyan kita every night para naman makatulog ka ng maayos palagi. Pambawe ko na din yun sa mga atraso ko sa'yo" Sagot nito sa akin. Mukha namang sincere ang apology nito sa akin at nais talaga bumawi.
"Salamat. Sige kainin ko na ito. Salamat ulit" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Walang anuman. Ay siya nga pala. Saan kayo nag papa laundry ni Emmet dito?" Tanong nito sa akin.
"Hindi kami nag papa laundry. Usually ako lang ang nag lalaba ng mga damit namin at tinutulungan lang ako ni Emmet tuwing linggo, pag wala kaming pasok" Sagot ko dito.
"How sweet. Kaya lang hindi ako marunong mag laba, paano ba to? May malapit ba na laundry store dito. Although hindi ako tiwala sa kanila. Mas okay na yun kesa naman wala akong maisuot na damit." Tanong nito.
"Meron naman, pero gaano ba karami ang labahan mo. Baka pwede ko naman maisabay kapag naglaba ako, kung konti lang naman." Offer ko dito.
Tama ba yung sinabi ko. Talagang nag offer pa ako.
"Great idea. Imbes na mag palaundry ako, bakit hindi na lang ikaw ang bayaran ko. Mas tiwala pa ako na hindi mawawala yung mga damit ko. Nagkaroon na kasi ako dati ng issue, na nawawalan ng damit kapag nag papa laundry ako. Hulog ka ng langit." Tuwang tuwa na salaysay nito.
"Ayos lang naman kahit walang bayad, basta sayo yung sabon at fabric softener na gagamitin." Sagot ko dito.
"No, I insist. Ang hirap hirap kayang mag laba. Saka nakakahiya naman. Okay, ito ang 2k. Siguro okay na yan pambili ng sabon at kung anek anek pa. Nasa kwarto ko lang ang mga labahan ko, kunin mo na lang kapag mag lalaba ka na. Salamat Rich, you're a lifesaver. O sya maliligo na ako at medyo nangangati na ako sa suot ko." Sagot nito habang pinapagpag nito ang suot nitong tshirt.
Noon ko lamang napansin na parang may mantsa na puti sa damit nito. Itim pa naman ang kulay nun at masyado iyong halata.
"Teka, may mantsa ka pa sa bandang dibdib mo." Sabi ko sabay turo sa mantsa.
Saka lang din nito napansin ang medyo malapot na likido sa damit nito. *Pasintabi* parang sipon pa nga ito.
"Ay shit! Oo nga. Sige maiwan na kita. Cream ito na kinain ko kanina, sobrang sarap nito. Walang katulad. Limited edition." Sagot nito habang kinuha nito iyon gamit ang daliri nito at kinain.
Medyo nandiri ako sa ginawa nito, pero hinayaan ko na lang iyon at baka nga masarap ito kaya ganun na lang kung kainin nito. Nag paalam na din ito upang maligo na, kumain na din ako.
Na matapos akong kumain ay pumasok na rin ako sa silid namin. Pinauna ko ng maligo si Emmet kaya ng natapos ito ay ako naman ang sumunod na naligo. Halos sabay sabay din kami umalis ng apartment. Mabuti na lang may sariling kotse si Stephen at ito ang ginamit nito at hindi namin sya makakasabay ni Emmet.
First time ulit namin mag kasabay ni Emmet, at mukha naman okay ang aura ito. Mukhang seryoso nga si Stephen na iiwasan na nito si Emmet.
Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko, kung bakit nanghihinayang ako na hindi na ako makaka saksi ng kahalayan sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung saan ba talaga nanggaling yun. Binalewala ko na lang at umaasa na mawawala rin iyon.
Nakarating naman kami ng matiwasay sa school, nauna pa nga kami kay Stephen. At gaya dati hinatid muli ako ni Emmet sa classroom ko.
Mukhang binabalik na nito ang nakagawian na namin. Hindi ko pa naiuungkat sa kanya ang about sa pag kaka tanggal nito sa basketball team nito at ang sakali kong paghahanap ng trabaho.
Siguro mamayang gabi na lang o sa mga susunod na araw na lang. Sinalubong kami ni Endrick nun nakita kami na papasok pa lang ng classroom. Dahil nga aware na ako sa panloloko ng Bes ko, ay nakikita ko sa kilos nito na parang mas excited pa itong makita si Emmet kesa sa akin. Hinayaan ko na lang, ayoko masira ang nasimulan kong magandang mood ngayon.
"Hi, Emmet. Bakit naman nag seen ka lang sa chat ko? Inaaya ka namin ng friend ko na lumabas. Kami na lang tuloy ang umalis." Yun ang agad na bungad sa amin nito.
Hindi man lang ako kinamusta nito. Sumagot lang si Emmet na nabusy ito at hindi na nakapag reply, agad din naman umalis ito matapos ako nitong halikan sa harap ni Endrick.
Unang pagkakataon yun na naging showy si Emmet sa feelings nya sa akin. Sa harap pa ng maraming tao ah. Parang pinag sigawan na tuloy nito sa buong university na may relasyon kaming dalawa.
Pinatunayan ito ng halik nito sa akin. Kaya naman expected ko na ang mga MOSANG na pag chichismisan kami.
Kinilig naman ako sa ginawa nito, at nakita ko ang pag simangot ni Endrick. Hinayaan ko na lang at dumiretso na ako sa upuan ko.
Panay kwento lang si Endrick ng mga naging gala nito, kasama si Pietro. Tango lang ako ng tango dito para hindi na masyado humaba pa ang kwentuhan namin.
Mayamaya ay pumasok ang pinaka gwapong professor sa university namin. Hindi ko akalain na ito pala ang papalit kay Mrs Dimagiba.
Sikat na sikat na prof ito, dahil hindi lamang ito literal na gwapo, ubod ito ng gwapo. Napaka ganda pa ng katawan nito na bumagay sa itsura nito.
Marami ang estudyante na umaasa na maging Prof ito. Tuwing enrollment nga inaalam pa namin kung anong subject ang tinuturo nito at yun talaga ang pinipili ng mga estudyante.
Kaya lang more on math kasi ang tinuturo ni Sir. Kaya hindi kami nagtutugma sa course namin. Kaya naman halos manahimik ang buong classroom ng pumasok na ito. Literal na nahigit ng bawat hininga ng lahat. Maging ako ay nagulat din talaga.
Hindi ko akalain na magiging prof namin sya. Nagsulat ito ng buong pangalan nito sa blackboard at pumaharap ito sa amin. Ngumiti ito na makalaglag panty. Nakarinig ako ng mahihinang tilian.
Luis Dexter S. Bautista
"Good Morning class. Ako nga pala si sir Luis nyo. Ang kapalit ni Mrs. Dimagiba. Sorry hindi na nya nasabi pa sa inyo na ako ang papalit sa kanya. Hindi ko rin kasi alam na ako. Hahaha" Pakilala nito sa amin.
Masigabong palakpakan at tilian ang nangyari. Hindi inaasahan na ang isang tulad nito ay magiging prof namin.
"Easy, easy. Wag kayo masyado magulo at maingay. Hindi po ako artista. Normal na tao lang ako. Kaya wag nyo ako tilian, may asawa at anak na ako. For Pete's sake! Yung mga pamangkin ko na lang ang tilian nyo. Understand?" Sagot nitong nakangiti sa amin.
Napakasarap lang ng speaking voice nito, yung tipong maakit ka talaga at makikinig dito ng masinsinan.
"Eh, Sir ang hot nga ng ganoon. Mas lalo kayong naging yummy sa paningin namin dahil may asawa at anak na kayo. Lakas maka DILF." Hindi napigilan komento ng isang babae kong kaklase kaya tuloy nag ingay na naman ang buong klase sa kilig. Sinang ayunan kasi namin ang sinabi nito.
"Mga pasaway kayo. Yung pag aaral sa subject ko, ang atupagin nyo. Wag yung daddy daddy na yan. Mabait ako sa mabait. Basta nakikinig at atentibo sa klase ko. Ayaw na ayaw ko ng tamad at laging lumiliban sa klase. Basta makinig lang kayo at madali lang naman ang ituturo ko sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo class?" Paliwanag nito sa amin.
Sumagot naman kaming lahat. First time mangyari yun na super attentive ang mga kaklase ko, talagang tahimik lang kaming nakinig at minsan nga nakikilahok pa kapag nag tatanong ito.
Kahit si Endrick na super tamad mag aral ay nakinig at panay taas pa ng kamay para lang matawag ni sir Luis. Kahit hindi naman nito alam ang sagot sa tanong ni Sir. Papansin lang ba.
Patapos na ang klase ng may biglang sumilip sa pintuan ng silid aralan namin. Tilian muli ang mga tao dahil isa na namang gwapo ang bumisita sa silid namin.
Walang iba kundi ang captain ng basketball team, si Tristan Ayala.
Ang super duper crush ni Endrick. Ito lang ang taong sinasabi nito sa akin na crush nya. Kaya naman halos mangisay ito ng sumulpot ito sa klase.
"Putang ina Bes. Ang hot nya. Shit. Nawet ako ng todo sa kanya. Ang sarap nya luhuran ngayon, as in ngayon. Sarap mag patamod sa kanya ngayon. OMG.. My Trista..!" OA na bulong sa akin ni Endrick.
Hindi ko na siya pinansin kahit pulang pula na ako sa kakahampas nya dahil sa kilig. Namiss ko tuloy ang ganitong bonding namin, kung hindi lang talaga ako inahas nito. Kaya lang mas inuna nito ang kalibugan kaysa sa pag kakaibigan namin.
"Oh, mag Hi ka muna sa klase ko?" Sabi ni Sir Luis kay Tristan. Napakamot ito ng ulo, pero nag Hi naman ito sa amin, kaya umani ito ng sigawan at tilian. Namula ang mukha nito sa hiya. Dahilan para mas lalong mag wala ang mga kaklase ko. Maging ako nakikisigaw na din eh.
Mabait talaga si Tristan pag tinitignan mo, hindi ito mayabang. Mukha ngang hindi ito aware na gwapo ito kung umasta ito.
"Tito, ay Sir Luis pala. Ito pala ang envelope na pinapabigay ni Mama. Iiwan ko sana sa faculty ito, kaya lang nadaanan na kita dito." Sabi nito sa Tito nito.
Ang alam namin ay asawa ito ng kapatid ng Mama ni Tristan. Grabe. Ang sasarap naman nila. Para silang Greek God.
Talagang tahimik lang kami na nakikinig sa usapan ng mga ito. Ang cute nilang tignan, akala mo mag kapatid lang pero mag Tito pala sila.
"Ayos lang, ito na ba yung birth certificate ni Bunso?" Tanong nito sa kausap.
"Oo ata Tito. Si Lola pa daw ang nag padala nyan kay Mama." Sagot ng pamangkin nito.
"Ah, tamang tama lang ang dating nito. Ito na lang kasi ang kulang sa papeles nya. Excited na ba kayo makita at makasama ang Tito nyo?" Natatawa nitong tanong kay Tristan. Bago ito sumagot may umepal na naman na estudyante sa usapan ng mga ito.
"Gwapo rin po ba yung Tito Bunso nyo?" Tanong ng babaeng medyo malusog. Natawa lang ang mga ito.
"Sa sobrang pogi nag mukha ng maganda." Nakangiting sagot naman ni Sir Luis sa amin.
Matapos ang usapan ng dalawa ay sumabay na rin ito palabas ng pamangkin nito. Nag bell na rin kasi. Kaya sakto lang talaga ang pag bisita ni Tristan.
Parang dumaan lang ang oras ng ganun kabilis. Tila totoo nga ang kataga na kapag gusto mo ang kasama mo ay napaka bilis lang ng oras na lilipas.
Papunta na ako sa next subject ko, hindi ko kasama si Endrick ngayon dahil bagsak na ito doon kaya mag isa lang akong papasok. Papasok na sana ako sa classroom ng makabungguan ko ang isang lalaki. Agad naman akong humingi ng paumanhin dito.
"Ayos lang, kasalanan ko rin naman. By the way, kay Mrs Alcampado ka rin?" Tanong nito sa akin.
"Yeah, ikaw din ba? Parang ngayon lang kita nakita?" Tanong ko rito. Tinawanan lang ako nito at inilahad ang kamay nito sa akin.
"Ako nga pala si Timmy, at oo bago lang ako rito. First day ko ngayon, kaka transfer ko lang. At ito nga ang unang subject ko. Pwede ba kitang maging kaibigan para naman may kilala na ako dito sa university, ang hirap kasing mag isa. My goodness!" Reklamo nito.
Natuwa naman ako sa pag ka kengkoy nito kaya naman tinangagap ko ang kamay nito at nagpakilala din dito.
Sabay na kami pumasok sa silid at tumabi na din ito sa akin. Kwentuhan lang kami habang Wala pa ang prof namin, education din pala ang course nito irregular nga lang ito. Halos pareho pala kami ng schedule ng subject na nakuha nito kaya naman tuwang tuwa ito.
Napag alaman ko din na sa katabing school lang din namin ito galing, nag palipat lang daw ito dito dahil mas malapit sa bago nitong dorm na nilipatan at sa kagustuhan na rin daw ng parents nito.
Natigil lang ang aming usapan ng dumating na ang aming Prof. Matapos ang klase ay niyaya nya akong mag lunch na, tutal ako din naman ang mag sisilbing tour guide nito kaya pumayag na din ako.
Ala dos pa naman ang next na subject namin. Tinext ko si Endrick para ipaalam na nasa cafeteria ako pero may pupuntahan pa daw ito kaya ako na lang daw.
Hindi na ako nag reply dito. Halos magkasundo kami sa lahat ng bagay ni Timmy, pareho kami ng gusto, pareho kami ng mga ayaw. Kaya naman nag click kaagad kami. Mayamaya lang ay nag tanong na ito ng personal.
"Bi ka noh? Alam mo na, it takes one to know one. Hehehe." Tanong nito na nakangiti sa akin. Kaya naman umoo na ako, hindi ko din naman dinideny yun.
"Oo, naman sino ba naman ang mag kaka amuyan, kundi tayo tayo din." Sagot ko sa kanya.
"Hindi ako Bisexual. I'm gay. Kasi pag Bisexual ang ibig sabihin nag kaka gusto ka rin sa babae or may chance na mainlove ka sa girl. Ako kasi kahit naka pormang lalaki ako at astang lalaki ay hindi ko talaga maitim na mag ka gusto sa may pechay. Baka mag liyab ako bigla, hindi ko Keri." Nandidiri nitong sagot sa akin. Natawa pa nga ako sa reaksyon nito.
"Ako kasi attracted pa rin ako sa girl, at nag ka girlfriend ako bago ko naging boyfriend si Emmet." Sabi ko dito.
"Omaygad! May jowa ka pala. Sabagay, sa gwapo mong yan. Imposible na wala, patingin naman ng litrato ng boyfriend mo dyan." Tanong nito sa akin. Agad ko naman ipinakita ang litrato ni Emmet sa phone ko.
"In fairness ang gwapo ah, masarap sya ah. Hahaha. Wag ka mag selos ah, prangka lang ako. Pero di ako ahas." Tumatawa pa nitong sagot sa akin. Mukhang wala nga sa personality nito iyon. Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanya ang mga kinikimkim kong sama ng loob at problema. Napansin naman nitong na tahimik ako.
"Luh. Mukhang may umahas na sa boyfriend mo ah. Natahimik ka eh. Anong chika?" Sabi nito sa akin na ikinagulat ko.
"Paano mo naman nasabi na may umahas sa boyfriend ko?" Tanong ko dito.
"Magaling kasi ako mag basa ng ugali ng tao, saka sa itsura mo, wag ka magagalit ah. Mukhang uto uto ka. Madaling utuin at maloko. Kaya di na ako magtataka na lokohin ka ng bf mo, gwapo pa naman ng bf mo. Mukhang habukli at pikutin." Sabi nito sa akin.
Medyo nahurt ako sa sinabi nito, pero gaya nga ng sabi nito prangka lang siguro ito. Kaya hindi ko na napigilan maglabas sa kanya ng sama ng loob at mga kinikimkim kong sakit pati na ang kabaliwan ko na nararamdaman.
Nang matapos ako, ay tumingin lang sa akin ito at tumango tango. Hindi ito nag salita ng ilang minuto.
"Baliw na ba ako sa nararamdaman ko ha? Yung totoo ah, hindi ako ma offend, sige lang. Sabihin mo lang sa akin." Wika ko rito. Siguro kailangan ko lang talaga ng mapag lalabasan ng sama ng loob ko. Hinanakit ko. Kaya hindi ko na napigilan pang ikwento rito ang lahat lahat.
"Alam mo, normal lang yan nararamdaman mo at hindi ka baliw. May tawag dyan eh. Teka ano nga ba yun. Shuttlecock, ay hindi parang ang layo. Basta may cock hahaha teka nga search ko. Sandali lang, ah." Sagot nito sa akin habang may hinahanap sa phone nito.
Naghihintay lang ako sa sasabihin nito. Mayamaya pa ay ngumiti ito at may ipinakita sa akin video sa Twitter. Halos ma shock ako sa video na ipinapanood nya sa akin. Paano ba naman kasi ang lakas ng mga ungol nun. Napatingin tuloy sa amin ang ibang estudyante. Natawa lang ito.
"May tendency ka na maging Cuckquean. Yun ang tawag sa mga taong gaya mo na nag eenjoy na nakikita na nakikipagtalik sa iba ang karelasyon nila. Sa sitwasyon mo, ang masasabi ko ay wala ka pa roon pero papunta ka na." Sabi nito sa akin.
"So, may paraan pa ba para matigil ko ang pagiging ganun ko? Para hindi ako maging Cuckquean.?" Seryosong tanong ko rito.
"Gaga, hindi ko alam. Hindi naman ako Doctor noh. Pero kung gusto mo, pwede kitang samahan sa espesyalista na tumatalakay sa ganyan para maliwanagan ka. Para maipaliwanag rin sayo ng mabuti." Sagot nito sa akin.
Umiling ako. Bukod sa wala akong pera na pambayad ay nahihiya din ako mag punta sa ganoon. Baka isipin pa ng iba na nababaliw na ako.
"Tinanong mo na ba ang sarili mo kung ano ang lamang, Richard. Ang sarap ba o ang sakit?" Tanong nito sa akin pagkaraan.
"Hindi ko din maintindihan eh. Hindi ako sigurado, Timmy." Sagot ko sa kanya.
"Well, isa lang ang solusyon dyan. Panuorin mo silang magsex, tapos tanungin mo ang sarili mo kung ano ang mas lamang, SAKIT ba o SARAP? Simple lang di ba. Para matapos na ang problema mo. Tutal nag papaka gaga ka rin lang naman na. Harapin mo na. Para hindi ka na rin nalilito pa." Sagot nito sa akin.
"Ang dali lang kung iisipin pero hindi ko naman ata kaya sabihin yun kay Emmet. Na makipag sex sya sa kasama namin sa bahay. Parang sa akin pa talaga dapat mang galing yun. Eh, mukhang nag babago na nga yung tao. Tapos parang ako pa ang nagtutulak na gawin nila iyon." Pag amin ko rito.
"Eh, di hulihin mo na lang. Im sure nag sesex yan ng di mo alam. Imposible na hindi, sa pag describe mo pa lang sa akin dun sa Stephen. Mukhang malandi na talaga." Sabi nito sa akin.
"Mukhang nag bago naman na sya, at desidido na iwasan si Emmet. Nararamdaman ko naman iyon kanina." Sagot ko dito.
"Hindi ako naniniwala. Walang ganun kabilis mag bago, Day. Baka nga plano talaga nito na makituloy sa inyo para unti unting ahasin ang jowa mo. Wag ka ngang bobo. Kaya ka nasasaktan, eh." Prangkang Sagot nito sa akin.
"Sa tingin mo. Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya.
"Teka matanong muna kita. Sabi mo kanina, sinend ni Stephen yung videos at pictures sa'yo, tama. Binura mo na ba? Mukhang hindi pa, pinanood mo pa ba?" Sunod sunod na tanong nito.
"Hindi ko pa nabura, kasi nga pinapanood ko pa. Iba kasi talaga yung libog na hinahatid nito sa akin eh. Hindi ko rin alam kung bakit ganun nga." Nahihirapan kung sabi kay Timmy.
"Saan ka ba nasasaktan? Sa ideya na nakikipag sex ang boyfriend mo o sa taong nakakasex nito? Magkaiba kasi iyon eh. Baka naman kasi may specific na tao ka lang na gusto maka sex ng boyfriend mo. At kaya ka siguro nasasaktan dahil ayaw mo sa taong nakakasex nya or di kaya naiinsecure ka dahil meron siya na wala ka." Sambit nito sa akin.
"Hindi ko talaga alam, Timmy. Nahihirapan na nga ako sa totoo lang. Nababaliw na rin ako. Putang ina talaga." Sagot ko dito.
"Naku, para sa akin normal lang naman yan. Gaya nga ng video na ipinakita ko sa'yo, yung bottom dun tuwang tuwa na nakikita nitong nakikipag sex ang boyfriend nya sa iba. Siya pa ang nag vivideo ah. May mga taong ganyan talaga. Kung dun sila maligaya pakialam ba natin diba? Kaya ikaw kung nag eenjoy ka naman. Di walang problema. Kung nasasaktan ka di hiwalayan mo, ang Dali dali eh." Paliwanag pa nito sa akin.
"Hindi ko alam, basta bahala na. Baka nga kailangan ko munang alamin kung ano ba talaga nararamdaman ko. Para naman hindi na ako nahihirapan pa. " Sagot ko muli dito.
"Basta iupdate mo ako sa magaganap, interesting yung kwento mo eh. Tapos kapag gusto mong patayin yung Stephen, sabihin mo lang sa akin. Ipaligpit natin. Medyo mayaman kasi ako. Hahaha," Sabi pa nitong tumatawa.
Natapos kami kumain at pumunta na sa next subject namin. Kami na halos ang mag kasama ni Timmy. Di ko na nga napansin na hindi pala pumasok si Endrick buong araw.
Napansin ko na lang ng mag chat ito at tinanong kung ano ang mga ginawa sa klase. Di na ako nag abala pang mag reply. Kahit yung mga text ni Pietro hindi ko din muna nirereplyan.
Marami akong iniisip para isama pa sila sa iisipin ko. Nakarating ako kung saan nakaparada ang sasakyan ni Emmet. Hinintay ko lang sya saglit. Maya maya ay dumating na din ito. Hinalikan ako nito sa labi at akmang sasakay na sana kami sa sasakyan ng bigla kaming tawagin ni Stephen. Napaharap naman kami dito.
"Buti na lang naabutan ko kayo dito, pauwe na ba kayo? Sasabay sana ako. Nasira kasi yung gulong ng kotse ko, pinaayos ko pa sa talyer at mukhang matatagalan pa. Kaya nag baka sakali ako na puntahan kayo dito, pasensya na sa abala" Paliwanag nito.
Tinignan ako ni Emmet at tumango lang ako, hindi naman bato ang puso ko para sa mga taong nakikiusap. Sumakay na kami at buti na lang hindi ito gaya ni Endrick. Hinayaan ako nitong sumakay katabi ni Emmet kaya mas lalo ko lang na patunayan na seryoso ito sa sinabi sa akin.
Tawanan pa nga kami sa loob ng mag kwento ito ng mga nangyari sa mag hapon nito. Nakikinig lang kami ni Emmet dito. Agad din naman kami nakarating sa apartment. Sinabihan na rin ako ni Stephen na wag na mag luto at magpadeliver na lang para hindi na ako mapagod sa pagluluto.Tumango na lang ako.
Nasa kwarto na ako ng sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Timmy. Hindi ko tuloy alam kung ano gagawin ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Stephen sa akin na hindi nya gagalawin si Emmet kung hindi ko irerequest.
Posible kaya na irequest ko yun? Bahala na nga.
Masaya naman kaming nag hapunan na pagkatapos dumating ang pina deliver na pagkain ni Stephen. Pansin kong parang mas gumaan ang awra sa bahay. Kaya parang naging palagay na ang loob ko.
Nang matutulog na kami, ganoon pa rin ang nangyari kagabi. Kinatok ako ni Stephen at ibinigay muli sa akin yun tea na pinainum nito sa akin kagabi. Dahil alam kong safe naman ito, inubos ko ito sa harap nya at nagpasalamat muli dito.
Noong gabi din iyon ay sobrang himbing muli ng tulog ko. Pero lingid sa kaalaman ko, may mga bagay palang nagaganap ng hindi ko namamalayan. At unti unti ko itong matutuklasan.
No comments:
Post a Comment