Saturday, January 15, 2022

TAKSIL - KABANATA 18




 Kabanata 18

"Bagyong Richard."


 

Richard

Narito ako ngayon sa isang bagong bukas na resort dito sa may Rizal. Papremyo ito ng university sa mga nakakuha ng matataas na marka sa mga prelim exam.

At isa ako sa pinalad na nanguna sa block namin. Hindi ko akalain na mag bubunga ang lahat ng pagtuturo sa amin ni Samjo. Lahat ng itinuro nito ay lumabas sa exam.

Natutuwa ako dahil hindi lang ako ang nakakuha ng mataas na grado sa amin. Maging si Andrei, Marco at lalo na si Samjo.

Na perfect ni Samjo ang lahat ng exams nito, sobrang talino ng tao na ito. Nakakahanga, nakakabilib. Ni minsan nga ay hindi ko nakita na nag review ito. Palagi lamang ito nakaharap sa laptop nito at nakikita ko na naglalaro lang ng online games. 

Paano  kaya nito nagagawa yun? Kakabilib lang kasi talaga.

Iba ang level ng katalinuhan nya. Saludo ako dito. Kasama din namin ang ilang pamangkin ni Boss Andrei, gaya na lang ni Tristan, Newt at si Abra.

Kaya lang hindi kami magka kasama sa kwarto. Iba iba kasi ang course ng bawat isa. Tanging si Marikit lang ang nakasama ko sa kwarto, dahil na sa iisang department lang kami.

Kanina pa ako nakabihis, maiksing short na kulay neon green ang suot ko, at stripes na sando. Si Marikit ang namili talaga ng susuotin naming apat. Mahigpit nitong bilin na iyon ang isuot ng bawat isa.

Sumang ayon na lang ako dahil stylist pala ito nila Samjo at Andrei at talaga namang maganda itong manamit.

Hinihintay ko na lamang itong matapos mag bihis at pupunta na kami kung saan nag hihintay sa amin sila Andrei at Samjo.

Mayamaya lang ay lumabas na ng banyo si Marikit. Naka hawaiian polo button down ito at brown na short. Maiksi din ito kaparehas ng sa akin.

"Tara na, Senpai at super excited na akong kabugin sila. Tignan ko lang kung hindi sila mainggit sa atin." Sabik na sabik na wika nito sa akin.

Natulala ako sa itsura nito. Hindi mo talaga aakalain na may pusong babae si Marikit sa ayos nito. Ang astig nito tingnan sa suot nito, maganda rin ang cuts ng mga muscles nito sa katawan. Tamang tama lang sa taas at laki nito.

Tumayo na ako at binuksan ang pintuan, may kinuha pa ito sa loob at ng lumabas ito ay dala na nito ang malaking speaker na ka size ata ng isa't kalahating kaban na bigas.

Ipinatong nito iyon sa balikat nito at saka nag lagay ng shades sa mata. Ang pogi ng loko. Napapangiti na lang tuloy ako dito. 

Mauuna na sana akong mag lakad ng iabot din sa akin nito ang isa pang shades, na para sa akin pala.

"Isuot mo ito, Senpai. Wag kang panira ng outfit. Okay, Tara na. At silawin natin sila ng kagandahang di nakakasawa at di peke." Sabi pa nito sa akin. 

Wala na lang akong nagawa kundi ang isuot ang shades na inabot nito sa akin.  Nag lakad na kami sa corridor at may mangilan ngilan na rin kaming mga nakaka salubong na kapwa estudyante. Ang iba pa nga ay tumitingin sa amin ni Marikit.

Nahihiya tuloy ako ng di mawari. Hindi ako sanay na tinitignan ng ganoon. Bago pa rin talaga sa akin ang bigyan ng atensyon. Dati kasi ay parang hangin lang ako na dumaraan. Hindi pinapansin at hindi man lang nililingon.

Subalit, simula kasi ng mapasama ako sa grupo nila Andrei, napapansin ko na madalas ay tinitignan na din ako ng mga tao. Parang may oras na sila para sa akin. Parang importante na rin ako.

Nasa dulo ng corridor sila Andrei at Samjo. Hinihintay pala talaga kami nila bago mag punta sa swimming pool. Napabilis tuloy ang lakad namin ni Marikit.

"Ang tagal nyo naman? Kanina pa kami nag hihintay sa inyo rito. Ano pang ginawa nyo?"  Reklamong tanong sa amin ni Andrei.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa presensya ni Andrei. Madalas akong naiintimidate dito. Ewan ko ba. Ang lakas kasi talaga ng dating nito. Lalo na ngayon na tanging short na kulay pula lamang ang suot nito.

Litaw na litaw ang ganda ng hubog ng katawan nito. Ang kinis, ang mala porselana nitong kutis at ang tamang hulma ng mga muscles sa katawan nito. 

Kapansin pansin din talaga ang pagiging matambok na pwet nito. Yun daw talaga ang pinaka asset nito. Mas maganda psa nga ang pag kakabilog nun kumpara sa gawang pwet ni Stephen.

Ano na lang kaya ang itsura nito kapag nakahubad na. Ganun din kaya kapag nakahubad ito? 

Kung kay Andrei ay naiintimidate ako. Si Samjo naman ay napapa wow at sana all na lang ako. Naka polo ito na pang summer ang style at hindi nito iyon binutones.

Talagang ipinapakita nito sa madlang pipol ang kakinisan nito. Litaw na litaw tuloy ang ganda ng katawan nito. Ang abs nito na talaga namang nakakatakam. Mapapa sana all ka nga talaga.

Iba rin ang kagwapuhan na taglay ni Samjo. Kalevel nito ang mga pamangkin ni Andrei. Hindi lamang sa mukha, maging sa pagandahan ng katawan. Napaka suplado din ng dating nito na naka dagdag pang lalo sa pagiging hot nito.

Kulay neon blue naman ang short nito. Lahat kami ay pare pareho lang ng iksi niyon, iba iba lang talaga ng kulay.

"Nag paganda, malamang. Alangan naman nag papanget kami kaya natagalan. Syempre kailangan angat tayo sa karamihan. Ano Tara na..!" Sambit ni Marikit.

“Yan na yun? Maganda na yan ng lagay na yan. Sus. Sayang lang hinintay natin, Boss. Wala rin naman palang kwenta. Parang wala naman pinagbago. Mabuti pa itong si Richard.” Sagot ni Samjo kay Marikit na tinaasan lang ito ng kilay.

“Ang sabihin mo, naaakit ka lang sa akin. Ip ay knuw, nalilibugan ka sa alindog ko. Pinipigilan mo lang. Tse..!” tugon naman ni Marikit. Masuka suka naman ang itsura ni Samjo sa sinabi nito.

“Haaaay naku. Nag simula na naman sila. Tara na at baka may nag dada moves na sa mga pamangkin ko. Kokotongan ko talaga kayong dalawa kapg nahalay ang mga yun.” Saway ni Andrei sa dalawa. Mauuna na sana itong maglakad kaya lang pinigilan ito ni Marikit.

“Teka, Boss. Sabay sabay dapat ang paglalakad natin. Tipong mala F4. Girl version. Hahaha.” Natatawang wika nito kay Andrei. Sumunod na lang kami para hindi na kami magtagal pa. 

Dahil wala rin naman magagawa ang mga ito. Basta ginusto ni Marikit ay kinukunsinti rin naman nila. Kaya naman sabay sabay kaming nag lakad patungo sa napakalaking swimming pool ng resort na ito.

“Ano pa lang gagawin mo, Senpai. Kapag nakita mo si Emmet ngayon? Sa tingin mo ay magiging handa ka na?” Tanong sa akin ni Marikit pagkaraan.

“Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanya, kapag nakita ko na siya. May konting kaba pero lamang ang galit talaga, eh. Ewan ko.” Tapat na sambit ko rito.

“Kaya ko iyon itinanong kasi nandito kasi siya. Hindi malabong hindi mo siya makita. Gusto ko lang sabihin na kung sakaling makita mo siya na mag isa ka lang. 

Ang dapat mong gawin ay kumalma. Wag mo agad pairalin ang galit mo. Kalma lang. Baka kasi hindi ka makapag isip ng tama kapag sinakop ka na ng galit.” Paalala sa akin ni Marikit.

Hindi nag komento sila Andrei at Samjo sa pag uusapan namin. Pero alam kong nakikinig ang mga ito. Sasagot na sana ako ng bila namin makita na lumabas ang grupo nila Stephen sa isang silid.

Napatigil pa nga kaming apat sa pag lalakad. Akala pa nga namin ay lilingon sila sa likuran para makita kami pero nag tuloy tuloy lang sa paglalakad ang apat.

“Akalain mo nga naman. Mukhang araw mo ngayon, Richard.” Sambit ni Andrei sa amin. Sabay sabay kaming nag tinginan. Mukhang iisa ang nasa isipan namin ng mga oras na iyon.

“Buti talaga at nagdala ako ng speaker. Teka iprepara ko lang ang tugtog sa pang malakasang entrada natin. Sasapawan natin ang pag pasok nila. Tamang tama lang din na nauna sila.” Sabi naman ni Marikit at ibinaba muna ang speaker na nasa balikat nito at kinalikot ang cellphone nito. 

"The bluetooth device ees connectedaaa successfullaayyyy"

“Punyeta..! San mo ba nabili yang speaker na yan, Marikit.” Tanong ni Andrei rito.

“Sa Shopee. *Uy Sponsor. Hahaha.* Ayan, Ready na. Tara sundan na natin ang mga kupal na yun.  Hayaan na muna natin na enjoyin nila ang spotlight nila ng panandalian. Saka tayo, eeksena.” Nakangising wika ni Marco sa amin.

“Ingungudngod kita kapag boom tarat tarat na naman ang pinatugtog mo diyan, Marikit. Sinasabi ko talaga sayo.” Banta ni Andrei rito.

“Basta akong bahala. Tara na.” Sagot ni Marco sa amin at ibinalik na muli nito sa balikat nito ang speaker.

Nauuna sa harapan namin ang grupo nila Stephen. Hindi ko akalain na isasama nila ang pinsan kong si Cassandra. Hindi naman ito nag aaral sa school namin. 

“Iba talaga nagagawa ng pera. Imagine ang mga bobong ito ay naka sama talaga sa outing natin na ito. Stress, ah. Mukha pang isda ang isa. Tingnan mo naman ang damit. Akala yata ng gaga ang ganda ganda niya tignan. Que horror.

Yung isa papasa ng host ng programang MAYNILA. Naka hawaiian terno pa na outfit. Ang sakit sa mata, shuta. Sino ba ang stylish ng mga ito ng masampal. Kakarimarim.” Wika ni Marikit.

“Napaka laitero mo talaga. Sabagay, tignan mo yung isa, naka bikini pero kita ko na yung bagyo sa pisngi ng pwet nito. Kamot yata yan na naipon kaya naging tutong na. Punyeta.” Sang ayon naman ni Andrei dito.

Napapangiti na lamang kami ni Samjo sa kanila eh. Hinintay naman na makalabas sila sa hallway at mapunta sa gitna. Talagang tumigil pa ang mga ito para mas lalong masilayan ang outfit nila.

Hindi nila alam ay sa amin na nakatingin ang mga tao sa paligid. Mas lalo pang natuon ang pansin namin dahil ng masilayan na ng araw ang mga balat namin ay tila kuminang iyon. Kasabay ng malakas na tugtog na nagmula sa speaker ni Marikit.

Yeogi buteora! modu moyeora!

WE GON' PARTY LIKE

Lilililalala

Mameul yeoreora! meoril biwora!

Bureul jipyeora

Lilililalala.

Gusto ko sana matawa sa tugtog na nag play sa speaker ni Marikit kaya lang sakto naman na napatingin sa amin sila Stephen.

Kaya naman seryosong mukha ang ibinigay ko rito. Hindi rin naman nag reak pa ng bayolente si Andrei. Kaya naman tinuloy tuloy lang namin ang paglalakad.

Jeongdabeun mutji malgo geudaero badadeullyeo

Neukkimdaero ga ALRIGHT

Haneureul majuhago du soneul da wiro

Jeo wiro nalttwigo shipeo OH

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Stephen ng mamukhaan na siguro ako nito. Tila namutla pa nga ito ng mapagtanto nitong ako yun.

Nanananana!

Nanananana!

WOW! FANTASTIC BABY

Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala. Natutuwa ako sa reaksyon nito. Kung pwede ko lang sana picturan iyon at gawing souvenir. Pampalakas ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako.

DANCE..!

*Woohoooo!

I wanna dan dan dan dan

Dance fantastic baby

DANCE..!

*Woohoooo

I wanna dan dan dan dan

Dance 

Wow Fantastic Baby

Gusto ko pang matawa dahil kumilos ang mga ito at sabay sabay na binigyan kami ng daan. Mga mukhang tanga. 

Tumigil kami sa tapat talaga nila. Hindi ko alam kung sinadya ba iyon ni Marikit o talagang sumakto lang din talaga ang pag tigil namin sa harapan nila. Sa pagtigil rin ng tugtog.

Sabay sabay namin inalis ang mga shades namin. Pagkatapos ay tinignan ko si Stephen. Ang lalaking nang api at nag pahirap sa akin ng labis. 

"Long time, No see, Stephen. Miss me?" Sabi ko rito sabay ngisi.

Mukhang hindi nito inaasahan na mag sasalita ako ng ganun. Matagal rin na katahimikan ang namayani rito. Kung hindi pa ito kinalabit ni Endrick ay hindi pa ito makakabalik sa realidad.

Mayamaya ay nakabawi na rin ito ng pagkagulat sa pagka kita sa akin. Bigla ng tumalim ang tingin nito. Bagay na madalas nitong gamitin sa akin. 

"I thought, you're dead. Hindi ko akalain na makikita kitang buhay na buhay. At mukhang nabihisan ka, ah. Look at you..! Nag mukha kang tao. Kita mo nga naman may pag asa pa pala ang mga pulubi. HahahahaAng dating mukhang hampaslupa, ay mukha ng sosyal.

Nakakabilib. Anyway, Tamang tama lang at nandito ka. Kailangan ko ng alipin ngayon. Bitbitin mo nga itong purse na hawak ko. Bilisan mo..!" Sigaw na utos nito sa akin sabay tinaasan ako ng kilay. 

Kung dati rati ay nanginginig na ako at natatakot kapag sinisigawan at tinitigan ako nito ng ganun. Pero ngayon parang wala ng dating sa akin iyon. Balewala na nga lang iyon sa akin. Nginisihan ko pa nga ito matapos kong suriin ang mga alipores nito.

"Bakit hindi mo ipahawak dyan sa mga alalay mo, apat yan oh. Di hamak naman na mukhang alalay ang mga yan, kaysa sa akin." Sambit ko rito. Malakas na tumawa ito sa sinabi ko. Nabaliw na yata ang gaga.

"Saan ka humuhugot ng ganyang tapang, ghorl? Hindi bagay sayo. Last time I checked, hinahalikan mo pa ang mga paa ko dahil sa matinding takot. Hahahaha. Kaya wag kang mag patawa diyan.

Kung ako sayo habang maganda pa ang mood ko, Richard. Sundin mo na lamang ang iniuutos ko sayo. Para masaya at tahimik lang tayo ng hindi na mag kagulo pa. Hindi ba mas maganda yun. Di ba Richard the loser. Hahaha.” Tugon nito sa akin na tawang tawa.

Pinag titinginan na nga kami ng mga tao sa paligid. Halatang inaabangan ang mangyayari. Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Stephen. Dahil pinipigilan ko ang matawa. Nag hikab na kasi si Marikit. Halatang na bobored ito sa mga banat ni Stephen.

Hindi rin kasi ako makapaniwala na natakot ako sa taong ito. Bakit tinanggap ko na lang ang mga pang aapi nito. 

"Ano..! Nalunok mo na ba ang dila mo at di ka na nakasagot? Naihi ka na ba sa takot, Richard. Hindi naman kita masisisi. Palagi ka naman ganyan, hindi ba?" Tanong pa rin sa akin nito na ikinangiti ko lang.

Para itong lata na walang laman. Ang ingay kapag hinagis. 

"Boss, Senpai, nakakapagod mag taray. Bugbugin na lang natin ng matapos na. Ang init init, oh..! Dito pa talaga umeksena sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Masusunog ang balat ko nito, eh. Baka maging tutong ako rito." Sambit ni Marikit sa akin. Natawa ako sa sinabi nito. Dahilan para mapa tingin sa akin ang limang hunghang.

"Oo nga. Medyo na disappoint ako. Walang kwenta ang mga banat nito. Inaantok lang ako. Tara na at na sayang lang ang oras ko, akala ko mapapahanga ako ng mga linya nya. Masyadong mahina. Punyeta..! Kaya na ni Richard yan." Sagot ni Andrei sa akin. Tinapik pa ako nito sa balikat at kumindat sa akin.

Natuwa ako dahil hinahayaan nila ako na harapin ang mga ito. At alam ko na yung tapik nitong iyon ay nagpapahiwatig na naroon lang sila. Sakaling kailanganin ko sila. Salamat, Andrei.

Paalis na sana ang mga ito ng biglang suntukin ni Endrick sa likuran si Marikit. Kahit ako ay saglit nagulat sa ginawa nito. 

Kahit kailan talaga ang mga kupal na ito. Patalikod kung umatake. 

“Ang yabang niyong mga gago kayo. Pinagbigyan lamang namin kayo noon. Ngayon niyo matitikman ang tunay na kakayahan ng Rainbow Gang.” Sabat ni Endrick. Napangiti na lang ako sa ginawa nito.  

Napatigil tuloy sa pag alis si Marikit. Maging sila Andrei at Samjo.

"Jusmio. Yun na ba yun? Angasan at lakasan mo pa. Walang kalatoy latoy. Baklang bakla sumuntok. Shuta..! AM lang ba ang pinadede sayo noong sanggol ka pa, kaya ganyan ka kahina? Gosh..! Para akong kinagat ng lamok." Sabi ni Marikit habang nakatalikod ito.

Ni hindi man lang nito ininda ang suntok ni Endrick dito.

Magugulat pa ba ako na patalikod itong kung tumira, eh sanay na sanay ito doon. Pinag lihi ata to sa salitang traydor.

"Bakla pala, ah. Sige tanggapin mo tong baklang sipa ko." Sambit ni Endrick at akmang sisipain nito si Marikit ng humarap ito at dagling nahawakan ang paa ni Endrick.

"Let me demonstrate to you, kung paano sumuntok ang hindi bakla. Ahas...!" Sabi ni Marikit at malakas na sinutok si Endrick sa mukha.

Pag ka tanggap pa lang ng suntok nito ay bumagsak na ito at bulagta na nakahiga sa lupa.

Nag sigawan ang mga kasama ni Stephen at nilapitan agad ni Timmy ang walang malay na si Endrick.

"Friend, gising. Mga barumbado talaga kayo..! Tignan nyo ang ginawa niyo sa kaibigan ko. Friend, okay ka lang ba?  Tangina ka..!" Hysterical na sigaw ni Timmy kay Andrei. Eh, si Marikit naman ang sumuntok sa kaawa awang kaibigan nito. 

Tinignan lang ito ni Andrei si Timmy na parang langaw.

“Partida, may hawak pa akong speaker ah. Pasalamat ka at hindi ito ang hinampas ko sayo. Baka tuluyan na talagang hindi magising yang kaibigan mo. Gising niyan, graduate na tayo.” Komento pa ni Marikit dito.

Bakas sa mukha nito ang inis. Nakita iyon ni Stephen, kaya naman mas lalong pang sumama ang tingin nito sa amin.

"I'm Sorry, hindi ko sinasadya. Yun ba ang dapat sabihin ko?" Tanong pa ni Marikit rito.

"Hindi mo sinasadya na suntukin sya? Tanga ka bang Putang ina ka?" Sigaw ni Timmy dito.

"Hindi ko sinasadya na ganyan sya kahina, to think na ang hina na nga ng pag suntok ko sa kanya. What a waste" Sagot pa ni Marikit dito.

Hindi naman malaman ni Cassandra ang gagawin nito, maiinis ba o hahanga sa kagwapuhang taglay nila Andrei at Samjo. Kanina ko pa kasi napapansin na kanina pa ito nag nanakaw ng tingin sa kanila, lalo na kay Samjo. Ang landi talaga nito. Hindi na nag bago.

"Matapang ka lang, dahil may mga kasama ka Richard. Tignan natin kung mag isa ka na lang at tignan din natin ang gagawin mo kapag pinahirapan na namin ang taong nasa baguio. Sigurado akong hindi mo nakakalimutan yun., tam---- AAAACKK..!”

Hindi na natapos na dapat sana sasabihin ni Peter sa akin. Dahil sinampal ko na ito.  Yung sampal ng sampung kamay. Ganun ka powerful kaya bumulagta na lang ito. Katabi ni Endrick.

“Hindi ko nakakalimutan pero hindi na rin sa akin uubra yang mga pananakot niyo. Nalagpasan ko na yan. Gawin niyo na ang gusto niyong gawin. Wala na akong pakialam pa.” Sambit ko rito sabay tingin kay Stephen at nginisihan ito.

“Talagang napakatapang mo ng hayop ka, Richard. Sa palagay mo ba ay dapat na akong bumilib sa pagbabago mo. Wag ako, Richard. Bali baliktarin mo man ang mundo, LOSER ka pa rin. 

Matapang ka lang dahil may mga kasama ka.  At Ikaw..! Anong pangalan mo? Hindi nyo laban ito kaya wag kayong nakikialam..! Kung ayaw niyong samain." Nanlilisik na mata na sabi ni Stephen kay Marikit.

Sasagutin sana ito ni Marikit ng hawakan ito ni Andrei sa balikat. Tumahimik na lang tuloy si Marikit.

"Hindi pa tayo tapos, Richard. Pasalamat ka maraming tao sa paligid at may mga kasama ka na ayaw kong masaktan. Pero hindi ito ang huli nating pag tutuos. Putang ina ka..!" Galit na turan nito sa akin. Gigil na gigil ito. Akala mo nga papatay ng tao.

“Lord Stephen, Sila ang mga taong kumalaban sa atin. Tama ang sinabi ni Endrick, kanina. Silang tatlo ang nanakit sa amin.” Sumbong ni Peter rito. 

"So, kayo pala ang bumangga sa grupo ko. Ang lakas naman ng loob nyong kalabanin ang Rainbow Gang. Mga Tangina niyo...!” Nanggagalaiting mura nito sa kila Andrei, sabay duro sa kanila.

“Ihampas ko na ba itong speaker, Boss. Nang matahimik na yan. Naririndi ako sa boses pekpek na talak niya. Ang daming satsat, eh.” Wika na naman ni Marikit. Umiling lang si Andrei rito.

“As if na kaya mong gawin yun. Gago. Nasa public place tayo. Maraming makakasaksi. Kapag nasaktan ako. Titiyakin kong sa bilangguan ang punta mo. Ulol.” Singhal pa ni Stephen kay Marikit.

“Hindi tayo sure diyan.” Wika ni Samjo ng naka ngiti. Unang beses itong mag salita at kinontra na agad nito si Stephen. 

Narinig namin ang mga bulong bulungan sa paligid. Kanya kanya ng opinyon sa inihayag ni Samjo. Ang iba ay sumang ayon at ang iba naman ay kinilig. Gaya na lang ni Cassandra. Putangna yan.

“Anyway, Papalampasin ko na sana ang araw na ito at hindi na sana kayo idadamay pa, pero nag bago na ang isip ko. Sorry na lang kayo at ako pa ang kinalaban nyo. Ang grupo pa namin ang kinalaban niyo. Sisiguraduhin kong pag sisisihan nyo na ipinanganak pa kayo sa mundong ibabaw na ito at nakilala nyo ako" Pag babanta ni Stephen at isa isa kami nitong tinignan ng nakangisi.

"Your words are as empty as your future, Stephen. You exist, because I allow it. And you will end, because I demand it." Nakangising sagot ko dito.

"Anong sabi mo, Tang ina ka..! Pa English English ka pang hayop ka. Akala mo naman ay ikinaganda mo yun. Gago..!" Sigaw nito sa akin.

"Hindi yata maintindihan ng gaga. Shuta tagalugin mo na lang, Senpai ng maunawaan ng puta. Shuta ang bobo." Komento pa ni Marikit na narinig ko.

"Umpisahan mo ng bilangin ang masasayang oras mo, dahil sa mga susunod na araw ay magiging impyerno na ang buhay mo. Tandaan mo yan, Stephen." Sagot ko pa rin dito.

At tinalikuran ko na to at nag lakad papalapit kila Andrei. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagtalikod ko, basta narinig ko na lang na nag salita si Stephen at naglakad bigla paabante si Andrei.

"Bitawan mo ang kamay ko. Araaaay.. Putang ina kang pakialamero ka...! AARRGGHH.. Umalis ka dyan. Sino ka ba, ha? Tang ina ka..! Hindi niyo laban ito. Mga epal.." Talak pa rin ni Stephen.

Nang pumaharap muli ako sa direksyon nito, ay nakita ko na hawak hawak ni Andrei ang kamay nito sa ere. Mukhang may gagawin sana ito sa akin nung pagtalikod ko, subalit napigilan ito ni Andrei.

Nakita kong ngumisi ng nakakaloko si Andrei. Bago ito nag salita.

"Who am I? I'm the reason you can't win this fight." Sagot ni Andrei dito. Tigalgal ito sa sinabi ni Andrei at hindi man lang nagawang makabawi. 

Ito ang dahilan, kung bakit ako nakaka ngisi na lang ngayon. Ito rin ang dahilan, kung bakit nagagawa ko ng harapin si Stephen ng walang takot at pangamba.

Kaya simula nung araw na tinulungan ako nito, ay ipinangako ko na sa aking sarili na susundan ko ito saan man ito makarating. Gaya na lang ng pag sunod at pag respeto na ibinibigay dito nila Marikit at Samjo.

Marahas na binitiwan yun ni Andrei, dahilan para maout balance si Stephen. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Peter.

"Hindi pa tayo tapos. Mga Putang ina nyo… !" Sigaw nito sa amin.

Hindi na namin masyadong narinig pa ang iba pang mga sinabi nito. dahil nilamon na ang boses nito ng mag patugtog muli si Marikit ng malakas.

Itinuloy na lang namin ang aming pag lalakad patungo sa destinasyon namin kanina, bago pa kami ginulo ng grupo ni Stephen.

Gaya kanina ay patuloy pa rin kaming tinitignan ng mga tao sa buong resort. Mababakas sa mga mata nila ang paghanga at pagkamangha.

Nakita ko rin na nakatingin sa akin si Emmet. Katabi nito si Pietro na pasimpleng napangiti sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanila. 

Hindi pa ito ang tamang oras para mag tuos kaming dalawa ng lalaking iyon. Hindi pa. Antayin mo Emmet, darating din tayo dyan.

Napapangiti na lang tuloy ako sa nararamdaman kong kasiyahan. Masarap din pala sa feeling ang ipahiya si Stephen at masupalpal.

“Good Job, Senpai. Ituloy tuloy mo lang yang ginagawa mo at tiyak kong mabibigyan mo rin ng leksyon ang retokadong iyon. Tuwang tuwa ako sa pangigigil niya, eh. Halatang gusto pang makaisa pero hindi na nakapalag. Hahaha.” Wika ni Marikit sa akin. 

Hindi na ako nag komento sa sinabi nito at ngumiti na lang ako.

Nakarating kami sa cottage kung saan ay laan lamang sa mga atleta at student councils. Pero dahil nga pamangkin ni Andrei si Tristan at ang iba pang officers ng school ay pwedeng pwede kaming sumama sa kanila.

Ayoko man pag nasahan si Tristan pero hindi mo talaga iyon maiiwasan. Napaka gwapo naman kasi talaga nito. Mukha pa lang nito ay sapat na sapat na, eh samahan mo pa ng napaka ganda at perpekto nitong katawan. Swerte mo talaga.

Bukod pa sa lalaking lalaki din ang dating nito. Bonus pa ang pagiging mabait at ang gaan lang kasama ito.

Boyfriend material talaga si Tristan. Nagtataka tuloy ako at Bakit iniwan ito ni Beatrice? Gayong nasa lalaking ito na ata ang lahat. As in lahat lahat.

Kasama rin namin sa cottage na iyon ang pamangkin ni Andrei na si Abraham. Hindi ito makatingin sa akin ng maayos. Isinawalang bahala ko na lamang iyon. Marahil ay naiilang pa rin ito sa akin.

Pati pala si Newt, ang isa sa kambal na si Klein at maging  si Blue na dati kong katrabaho na pamangkin din pala ni Andrei ay kasama din.

Akalain mo yun noh, si Andrei pala ang madalas ikwento nito sa akin noon. Ang liit lang talaga ng mundo. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magets kung bakit sinasabi nilang hawig ko si Andrei. Kahit saan ko kasi tignan ay hindi talaga, eh. Ang layo.

"Bakit nga pala nasa iisang cottage tayong lahat? Hindi ba tayo mapapa galitan nito." Tanong ko pa rin sa kanila. Kahit ipinaliwanag na sa akin ito ni Marikit kanina. Gusto ko pa rin kasi makasiguro.

"Hindi. Kasama natin ang kapitan ng Basketball Team. Bukod pa dyan na kasama rin natin ang isa sa mga officer ng Student Council. Hindi ba, Kuya Newt." Sagot ni Blue sa amin.

"Eh, Bakit nandito yan?" Tanong ni Andrei pagkaraan.

Ang tinutukoy ni Andrei ay ang isa pang heartthrob at tinitilian ngayon sa school namin. Walang iba kundi si Yozack.

"Ah, sinama ko na rito, Tito. Masyadong naha harass dun sa kabilang cottage na kinabibilangan nito kanina. Nakakaawa naman baka mag ka phobia ito." Natatawang sabi ni Tristan.

"Mukha naman gustong gusto nya. Bakit nyo naman sinama pa dito. Baka makahadlang pa tayo sa kasiyahan nyan. Masisi ng wala sa oras." Bulong ni Andrei na narinig naming lahat.

"Nagseselos ka lang ata, eh. Hindi ako nag enjoy roon. Diring diri nga ako sa mga hawak nila sa akin." Tugon ni Yozack dito.

"Bakit naman ako mag seselos ha..! Crush ba kita, ha?" Asik na turan ni Andrei dito.

"Bakit nagagalit ka? Nagtatanong lang naman ako. Eh, di hindi. Ang init palagi ng ulo sa akin." Sagot din ni Yozack dito.

"Ayusin mo kasi yung tanong mo, parang may ibang kahulugan eh. " sabi ni Andrei.

Natatawa na lang kami sa bangayan ng dalawang ito. Napapadalas kasi ang aso't pusa na awayan nilang dalawa. Pero hanggang ganyan lang naman yung dalawa na yan, parang hindi nga lilipas ang araw na hindi sila ganoon. 

Basta nagkita sila. Asahan mo ay mag sisigawan ang mga yan. Si Yozack ang unang tumatahimik sa kanila. Naalala ko tuloy sa kanila si Christof at Pietro.

"Senpai, Tara swimming na tayo. Hayaan mo na na si Boss dyan, trip nya talaga si Yozack eh. Ganyan yan pag may crush siya, dinadaan nya sa galit galitan para di maging obvious pero mas lalong nagiging obvious tuloy. Kaya Tara na" Hila sa akin ni Marikit patungo sa pool.

Tinanggal na nito ang suot nitong damit at nag shorts na lang. Ginaya ko na lang din ito at nag hubad na ng sando.

Sa ngayon iisipin ko munang mag enjoy sa outing na ito. Saka ko na iisipin sila Stephen. Sa ngayon susulitin muna namin ang pa premyo sa amin ng school.

Mayamaya ay nakisali na sa amin sila Andrei at Samjo. Pati ang mga pamangkin nito.

Hindi nila ako hinayaang mag isa sa isang sulok. Palagi nila akong sinasali sa usapan nila. Hindi rin ako iniiwan ni Marikit. Isang kumpol kami na kami kami lang ang mag kakasama.

Napapansin ko pa nga na tinitignan kami ng ibang grupo. Tila naiinggit sa amin at gustong sumama. Marahil ay hinihiling na sila ang nasa pwesto namin.

Biruin mo ba naman. Napapalibutan ka ng mga abs. Putang ina.

Sa tagal ko na sa Manila ay ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong experience sa isang outing. Ngayon lang ako naging masaya talaga.

Dati kasi nag sosolo lang kami ni Emmet sa isang sulok, sinasamahan ako nito at hindi nakiki halubilo sa iba para hindi ako ma left out. Alam kasi nitong mahiyain ako at hindi sanay sa maraming tao.

"Ano na naman ang iniisip mo? Tama na yan. Nandito tayo para mag saya hindi para mag mukmok. Sali ka sa amin." Yaya sa akin ni Tristan. Napatingin ako sa malaman na dibdib nito. Shit talaga.

"Wala, May naalala lang ako. Ano ba lalaruin natin?" Tanong ko ng makalapit muli ako sa grupo nila.

"Hanapan ng itlog sa ilalim ng pool...!" Sigaw ni Marikit. Natawa naman kaming lahat sa sinabi nito.

"Puro ka kalokohan. Ibang itlog naman ang gusto mong hanapin eh. Habulan na lang." Kontrang sagot naman dito ni Samjo.

"Sige, Okay din yun. Habulan gahasa. Kung sino mahabol ng taya ay gagahasain. Masaya to, ako na ang taya..! O mag hiwahiwalay na kayo." Sabi muli ni Marikit.

"Isa pang suggest mo na hindi maganda, lulunurin na kitang punyeta ka." Banta ni Andrei dito.

“Sus. Ang wholesome lang naman ng suhestiyon ko. Kayo lang ang nag iisip ng hindi maganda. Ang KJ niyo.” Reklamo ni Marikit.

“Samjo, ikaw nga ang mag isip ng laro.” Tawag pansin ni Samjo na katabi si Abraham.

“Hanapan na lang ng barya, Boss. Pero lagyan natin ng Twist.” Tugon ni Samjo kay Andrei.

Na curious naman ang lahat sa sinabi nito. Kaya naman pumalibot kami rito at nakinig sa twist na sasabihin nito. 

“Mag hahagis ng barya sa pool. Tapos kung sino ang makakahanap ng buong benteng barya ay may karapatan siyang utusan ang isa sa mga kasali. Kahit ano pwede niya ipagawa. Wag lang yung manakit o saktan ang sarili. Ano, ayos lang ba sa inyo lahat yun?” Tanong ni Samjo sa amin.

Sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi nito. Mukhang game naman ang lahat sa maaaring iutos. 

“Anong klase na mga utos naman? Mag bigay ka ng halimbawa, Bro.” Sambit ni Blue kay Samjo.

“Halimbawa, ako ang nakakuha ng barya na yun. Ikaw ang pinipili ko Blue at uutusan na mag hubad sa ilalim ng pool.” Tugon ni Samjo rito. 

“Punyeta. Ang halay din. Mag kaibigan nga kayo ng kumag na ito.” Nailing na sambit ni Andrei. Inapiran naman ni Marikit si Samjo.

“Okay lang yan, Tito. Marami rito ang gustong gusto na utusan ka. Di ba, guys?” Wika ni Blue na natatawa at tiningnan ang mga pinsan nito. 

Sang ayon naman ng mga pamangkin nito. Feeling ko ginawa ang game na ito para talaga kay Andrei, eh.

“Oh tara game na. Sinong mag hahagis ng barya. Ikaw ba, Marco?” Tanong ni Newt rito.

“Excuse me. Sasali ako, gusto kong may utusan rin. Bwahahaha.” Tawang demonyo ni Marikit. Halatang may balak na masama ang isang ito.

“Sige, ako na lang ang mag hahagis. Tapos kung sino ang unang mauutusan mamaya. Siya naman ang sunod na mag hahagis. Para makasali ang lahat. Sandali. Kukuha lang ako ng barya.” Wika ni Samjo at tumayo na ito.

Ilang saglit lang ay nakabalik na ito dala ang sampung benteng barya. 

“Isa lang ang may 2019 na nakalagay dito. The  rest ay puro 2020 na. Kaya ito lang dapat ang makuha at mahanap niyo. Walang silbi ang siyam na barya. Ano game na ba kayo?” Tanong ni Samjo sa amin. 

Sabay sabay na nag sitanguan ang mga kasali. Maging ako ay nasasabik sa unang makakakuha ng barya. Gusto ko rin makuha iyon para may iutos ako kay Marikit.

“Layo layo muna kayo.” Na sinunod naman namin. Ilang saglit pa ay hinagis na nito ang barya sa iba’t ibang parte ng pool. Nang maubos na ang sampung benteng barya ay sumigaw na ito ng GO.

Kanya kanya na kami ng sisiran at hanapan ng benteng may 2019 na nakalagay. Ang bibilis ng mga pamangkin ni Andrei.

Pagka sisid ko sa ilalim ay nag aagawan na ang mga ito sa barya. Parang mga bata ang mga baliw. Maski sila Boss at Marikit ay nag aagawan sa ilalim. Natawa na lang ako sa dalawa ng malala.

Ilang minuto pang tumagal ang hanapan hanggang sa sumigaw na si Newt. Ito ang unang nakakuha ng baryang may 2019. Ngising ngisi ang loko habang nakatingin sa aming lahat.

“Bilisan mo na. Ang tagal tagal mo. Mag utos ka na, Kuya Newt.” Reklamo ni Blue. Dahil dito ay ito ang inutusan tuloy.

“Dahil atat ka, ikaw na lang. Sige, Patigasin mo ang Tite mo tapos idikit mo sa kahit sino. Hahahaha.” Utos ni Newt rito. 

“Tang ina. Sisiw. Hahahah.” Wika ni Blue na natatawa. Sabay nag simula na itong hawak hawakan ang kargada nito.

“Open akong madikitan, kahit gaano katagal. Walang malisya.” Sambit ni Marikit sabay taas ng kamay. Natatawa naman si Blue na napatingin dito. 

“Shit..! Gaano ba katagal, Kuya Newt?” Tanong pa ni Blue rito.

“Gusto mo ba isang oras. Hahaha. Sige, isang minuto. Umahon ka kaya para makita talaga namin kung matigas na yang maliit mong tite.” Pang aasar pa ni Newt kay Blue.

“Hahaha. Asa. Hindi lang kayong mga Escudero ang biniyayaan ng malaking kargada. Kami ring mga Ayala. Di ba guys?” Sigaw pa ni Blue at umahon na ito sa pool.

Bato bato rin talaga itong si Blue, kaya naman mabenta ito sa mga bading na customer namin sa Bar noon. 

Namiss ko na tuloy ang mag trabaho roon. Sabi naman ni Boss Eros ay makakabalik pa ako. Sabihan ko lang daw sila. 

Sa ngayon ay may kailangan muna akong tapusin bago ako bumalik doon.

Tumayo sa harapan namin si Blue at flinex pa nito ang katawan nitong fit na fit. Nakakatulo ng laway ang katawan nito. Literal talaga. Hindi ko siya binibigyan pansin noon, dahil nga natatakot ako rito.

Nasaksihan ko kasi kung paano nito saktan si Peter ng hipuan ito. Mukha pa itong masungit. Kaya naman itinatak ko na sa isip ko, na hindi ko tataluhin ito. Kahit ang pag nasahan man lang. Tapos nalaman ko pang pamangkin ito ni Andrei. Oh, paano na. Mas lalong off limits. Diba.

Pero hindi naman kasi maikakaila na gwapo itong si Blue. Ikaw ba naman ang magkaroon ng Tatay na si Coach Jack Ayala. Kanino pa ba ito magmamana ng kagwapuhan. Malamang sa tatay rin nito. Na isa ring ubod ng gwapo at yummy. Shit.

Hindi lang ang muscles nito sa katawan ang bumubukol sa katigasan. Maging ang nasa gitnang bahagi ng katawan nito. Partikular ang nasa pagitan ng mga hita nito. Putangina.

“Shuta..! Ang ganda ng tatto mo, Blue. Pwede ko bang mahawakan?” Wika ni Marikit pagkaraan. Halata naman na hindi sa tattoo ng lalaki nakatingin ang mga mata nito.

Gaya ko ay nakatuon din ang pansin nito sa bumubukol na sandata ng binata. 

“Tang ina mo. Wag ka ng mag pose dyan. Gawin mo na ang utos sayo.” Natatawa na saway ni Newt rito.

Saka muli nitong hinimas himas ang bukol nito. Mas lalo tuloyn humulma ang pagkalalaki nito sa suot nitong short. Halata na ang bakat ng ulo ng kargada nito. 

At napanganga na lamang kami sa laki nun. Paksyet.  Napaka laki nun. Mala mushroom ang dating. Shit.

Naghanap ito sa paligid ng mabibiktima. Nagulat pa nga ako ng mapag masdan ko ang mga tao sa paligid namin, na nakatuon ang lahat ng atensyon kay Blue.

Nakikinig at nakikinood pala sila sa amin. Kaya pala nakakarinig ako ng mga pag singhap kanina. Sikat na sikat talaga ang pamilya ng mga ito. Bawat galaw o hinga nila ay sinusundan ng mga tao.

Napangisi ito sa amin at lumusong muli sa pool. Pagkatapos ay niyakap ng mahigpit si Newt.

“Putang ina ka, Blue. Bakit ako. Lumayo ka nga sa akin kundi masasapak ko mukha mo.” Sambit ni Newt na ikinatawa lang ng lalaki. 

Nakawala naman si Newt rito at ang pinsan na lang nitong si Abraham ang niyakap nito. Ikiniskis pa ng walang hiya sa likuran ng kaawa awa nitong pinsan ang kargada nito.

“Siraulo ka, Kuya Blue. Ang dami dami dito Sa akin pa talaga. Shit..!” Naka busangot na sambit ni Abraham pero hindi naman ito naalis sa pagkakapit ni Blue. 

Hindi gaya ng Kuya nitong si Newt na hinawakan pa sa mukha si Blue maalis lang ang pagkakayakap nito.

“Konting tiis na lang, Pinsan. Saglit na lang ito. Nakakahiya naman kasi idikit ito sa iba. Masapak pa ako. Sayo na lang. Alam ko naman na hindi ka maarte gaya ni Kuya Newt. Saka pareho naman tayong lalaki. Walang malisya ito.” Paliwanag pang natatawa ni Blue.

“Fuck. Oo na, wag ka ng gumalaw galaw. Idikit mo na lang. Puta.” Reklamo ni Abraham pero pumayag naman ito.

Tama nga naman si Blue. At Least, hindi ito mapapahamak. Hindi gaya kung sa amin nila Marikit nito iyon ididikit. Maiilang talaga kami ng malala. Saka safe pa ito dahil hindi rin magagalit si Andrei dahil mag pipinsan naman ang mga ito. Saka pare pareho nga na straight.

Nagtataka lang ako ng seryosong nakatingin si Andrei kay Abraham. Habang nagtatawanan ang mga pamangkin nito. Hindi ko na lang iyon pinansin pa. 

Ilang sandali pa ay natapos din ang inutos ni Newt kay Blue. Kaya umahon na muli ito sa pool. Matigas pa rin ang kargada nito. Pero balewala lang iyon dito ng tumayo ito sa harapan namin. 

Pinag hahagis muli nito ang mga benteng barya, katulad ng ginawa ni Samjo kanina. Pagkatapos ay sumigaw ito ng game. Kaya naman nag hanapan na muli ang mga kasali sa ilalim ng pool.

Sumisid na rin ako at baka makaswerte pa na ako ang makakuha.

Kaya lang nakailang sisid na ako pero hindi ako makakuha ng benteng barya. Wala talaga akong makuha. Lahat nakuha na ng mabibilis na kamay na pamangkin ni Andrei. 

Competitive masyado ang mga lalaking ito. Hindi ka talaga mananalo. Ilang minuto pa ang lumipas at sumigaw na si Marikit.

“Shit..! Ako ang nakakuha.. Ano kayo ngayon.. Woooooooohh..!” Sigaw nito na animo’y nanalo sa lotto. Tuwang tuwa ito at sumayaw sayaw pa. 

“Oo na, ikaw na. Punyeta ka. Pumunta ka na dun..” Singhal rito ni Andrei. Inismiran lang ito ni Marikit.

“Isa lang ba talaga ang pwedeng utusan? Hindi ba pwedeng maramihan. Kunyare iGang bang niyo ako. Hindi ba pwede yun?” Tanong ni Marikit na nagtamo ng tama ng tsinelas sa ulo.

Binato na pala ito ni Andrei ng nadampot nitong tsinelas sa gilid.

“Charot lang. Hindi na kayo mabiro. Okay, Sampalin niyo ako lahat ng matigas na tite niyo. Isa isa.” Bulalas nito pagkatapos ay lumuhod na ito.

Seryoso ang pagkakasabi nito kaya hindi tuloy namin malaman lahat kung seryoso ba ito. 

“Joke lang ulit. Hahahaha. Hindi na kayo mabiro. Masyado kayong seryoso sa buhay. Hmhmhmhm.. Ano kaya ang pwedeng iutos. Alam ko na. Senpai, ikaw ang uutusan ko. Handa ka na ba?” Wika nito sabay turo sa akin. Bakit hindi na ako nagulat na ako ang pipiliin nito.

“May choice pa ba ako. Sige, ano ba yun?” Sagot ko rito na ikinatawa lang ng siraulo.

“Bilangin mo ang bulbol ni Christof.” Wika nito na ikinapula ng mukha ko. Napaka bulgar talaga ng bibig nito ni Marikit. Walang filter ang bunganga.

“Pare, bibilangin daw bulbol mo. Umahon ka na. Medyo matagal tagal na bilangan yan. Hahaha.” Natatawang tulak ni Blue kay Christof.

Ang baliw na lalaki naman ay sinunod ang mga ito at umahon nga talaga. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pag iinit ng pisngi ko. Lalo pa ng titigan ako nito ng husto.

“What?! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Tanong nito sa akin.

“Shuta ka naman kasi Christof. Palagay mo mabibilang niya ang bulbol mo. Sa dibdib mo pa lang ay kulang kulang na milyon na. Pero syempre mas lamang pa rin ang nakulimbat ng Philhealth at Pharmally, ilang bilyon din yun.. Lodi sila, eh. 

Anyway, mag kulong na lang kayo sa loob ng CR na iyon. 5 minutes. Bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin. Gawin niyo ang ginagawa ng matatanda kapag unang gabi nila pagkatapos ng kasal.” Mahabang salaysay sa amin ni Marikit.

“Ano bang ginagawa ng bagong kasal sa unang gabi nila?” Tanong ni Klein sa Kuya nitong si Tristan.

“Paano ko malalaman. Hindi pa naman ako kinakasal.” Sagot naman ni Tristan sa pabibo nitong kapatid.

“Shuta. Ang slow niyo. Malamang nag kakantutan. My gawd..! Bilisan niyo na Senpai at Christof. Dito sana sa harapan namin. Kaya lang ayaw niyo naman siguro na mabroadcast sa mga nanonood sa atin, di ba. So, daliaan niyo.. Shooo.. Shoooo..” Pag tataboy sa amin ni Marikit.

Inilahad na sa akin ni Christof ang kamay nito kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang sumama rito. 

Tinulungan ako nitong makahon sa pool. At mabilis na kami nag lakad patungo sa CR. Gaya ng iniutos ni Marikit.

Nang makarating kami sa loob ng CR ay talagang nilock pa kami nila Marikit roon. 

“Umpisa na ng limang minuto niyo. Kaya bilisan niyo na, quickie lang to. Wag kayong abusado. Sige na, Senpai. Itayo mo na ang bandera ng College of Education. Ariba..!” Sigaw pa nito sa likod ng pintuan.

“As if naman na gagawin talaga natin ang iniisip nila. Nakakatawa talaga itong si Mari -- Marco.” Sambit ko. Muntikan ko pang matawag itong Marikit.

“Ano ba ang iniisip nila na gagawin natin, Richard?” Tanong ni Christof sa akin.  Grabe naman ito makatitig sa akin. 

Parang gusto ako nitong halikan. Kasi napapatingin  pa ito sa labi ko. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Natutuyo kasi iyon.

“I mean, yung ano.. B-Basta alam mo na yun. W-Wag ka ng magpa Inosente diyan.” Wika ko rito na nabulol pa at hindi malaman ang sasabihin.

“Hindi ako nag papa inosente, Richard. Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Ano ba kasi yun?” Tanong muli nito sa akin at patuloy pa rin akong tinitignan.

“Don’t look at me like that.” Naibulalas ko tuloy rito bigla. Tila nalito naman ito sa sinabi ko. Tang ina naman. 

Wag mo naman akong pahirapan ng kagwapuhan at kasarapan mo, Christof. Baka kung ano magawa ko sayo.

“Wag mo akong tingnan na parang gustong gusto mo akong halikan, Christof.” Sambit ko pa rito. Napangiti ito sa sinabi ko.

“Eh, sa iyon naman talaga ang gusto kong gawin. Kanina pa. Napipigilan ko lang dahil baka---” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nito dahil siniil ko na ito ng halik.

Yun lang naman ang hinihintay ko na sabihin nito. Syempre para hindi naman nito masabi na ang rupok rupok natin at nalilibugan sa kanya. Kahit totoo naman na iyon ang nadarama ko sa kanya. 

Sa kanilang dalawa ni Pietro, actually. 

Nagulat pa ito sa pag halik ko kaya hindi agad ito nakalaban sa akin. Subalit ng makapag adjust na ito ay lumaban na rin ito ng halikan sa akin. 

Ikinawit ko pa ang mga kamay sa leeg nito. Upang mas lumalim pa ang paghahalikan namin. Sarap na sarap ako sa bunganga ni Christof. Mahusay rin talaga itong mag dala ng halikan.

Higop kung higop ang ginawa ko sa bibig nito. Ang sarap ng laway ng lalaki na ito. Lasang bubble gum.  Nag eespadahan pa ang mga dila namin. Hinigop ko pa nga iyon. Gaya ng tinuro sa akin ni Marikit.

Hinawakan nito ang pwet ko at pinisil pisil iyon. Damang dama ko na ang katigasan nito sa suot nitong trunks. Pareho kaming init na init sa mga oras na iyon. Literal tuloy na nagawa namin ang binubuyo sa amin nila Marikit.

Agad ako nitong binuhat, kaya napayakap na lamang ang mga binti ko sa katawan ni Christof. Ipinatong ako nito sa ibabaw ng lababo ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. 

Walang sumusuko sa amin. Mapusok at maalab ang naging laplapan namin ni Christof. Mas malala pa ito kaysa noong unang beses akong tulungan nila ni Pietro, kung paano ang tamang paghalik.

Bawat salubong ng labi namin ay siya ring salubong ng mga dila namin. Sipsip kung sipsip sa dila nito. Palitan lang kami ng laway sa laway. Kung hindi pa kami naubusan ng hangin ay hindi mo pa talaga kami mapaghihiwalay.

Nag tinginan kaming dalawa. Ramdam mo ang init na sinisingaw ng bawat katawan namin. Alam kong gaya ko ay nakakaramdam ito ng matinding kalibugan. Bakas na bakas iyon sa matigas na bagay na tumutusok sa katawan ko.

“Tang ina ang sarap.” Nasabi ko na ikinangiti nito. Sa isip ko lang sana sasabihin iyon, eh. 

“I know, Richard. I know.” Sambit naman nito sa akin na lalo kong ikinahiya. 

Pero pota ang gwapo talaga ni Christof. Nakakalibog ang itsura niya ngayon. At tigang na tigang na ako. Nakaakyat na ang libog sa utak ko. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko. 

It’s now or never. Hindi na uso ngayon ang pagiging mahiyain. Kung magpapakipot ako at mahihiya na lang palagi. Wala akong tamod na matitikman. Palagi na lang ako mag iimagine at mag tatanong sa sarili ko ng What If. Nagawa ko naman na ito kay Joss. Kaya bakit kailangan kong mahiya kay Christof. Lalo na kung pareho naman kami ng nadarama ngayong oras na ito. Pareho kaming nalilibugan.

AAARRRGGGHHH... Fuck.. Bahala na nga..! 

Nang maisipan ko ng kumilos at manyakin ito ay saka naman kumatok ng malakas si Marikit.


“Times up na, Senpai. Tama na ang kamanyakan niyong dalawa. May gagamit na ng CR.” Sigaw nito at pagkatok ng malakas.


“Fuck..!” Naiinis na wika ni Christof. Natutuwa akong malaman na hindi lang pala ako ang nabitin. Maging ito rin pala. Hahaha.


“Labas na tayo. Baka isipin pa nila ay may ginagawa tayong kahalayan.” Nakangiti kong smabit rito.


“Bakit hindi pa ba kahalayan ang tawag dito?” Seryosong tanong sa akin ni Christof.


“Hindi pa. Pero kapag hindi pa tayo lumabas ay mas magiging mahalay na talaga. Ngunit bago tayo lumabas. Gusto ko muli matikman ang labi mo.” Sambit ko rito saby siniil muli ng halik ito sa labi.


Bilisan lang namin ang paglalaplapan na iyon, dahil ayaw ng paawat sa pag katok ni Marikit sa pintuan. Baka masira pa iyon at mag bayad kami. Kaya naman nag hiwalay na kami ni Christof at ibinaba na ako nito sa pagkakaupo sa lababo. Nakangiti kami at binuksan na namin ang pintuan.

“Grabe ka naman maka katok--” Putol ko sa sasabihin ko ng masilayan ko ang lalaking kumakatok sa pintuan.


“Bakit ba ang tagal niyong buksan? Kanina pa ako katok ng katok.” Inis na tanong ni Pietro sa amin. 


Hindi kami agad nakasagot sa tanong nito. Lalo pa at nanunuri ang mga tingin na ibinibigay nito sa amin ni Christof.


“Kalma lang, Panget. Wala naman kaming ginawa ni Richard na masama. Sinunod lang naman namin ang inutos sa amin. Game lang ito.” Paliwanag ni Christof rito.


Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng sakit sa sinabi ni Christof. Game lang ba ang nangyari sa amin kanina. Kaya ba nito ginawa iyon dahil iyon ang inaasahan sa amin.


Nakakabwisit naman pala kung ganoon. Habang ako ay bigay todo sa pag lalaplapan namin kanina. Tapos ito, ay laro lang pala. WTF..!


“Wala daw. Bakit ganyan ang itsura ni Richie Boy. Parang hindi sumasang ayon sa sinabi mo.” Sambit na naman ni Pietro sa amin. Inakusahan pa ako ng gago.


“Nagtatanong ka tapos ayaw mo maniwala. Wag kang mag tanong kung hindi ka kuntento sa sagot namin.” Tugon ko rito na ikinagulat nito. 


Dito ko tuloy nabunton ang inis ko kay Christof. Iniwan ko na sila sa Cr at nag madali na akong lumabas roon. Bahala sila sa buhay nila. Eh, di sila ang mag halikan kung gusto nila. Kakaurat.

Nang makabalik ako sa pwesto nila Marikit at ng makita ako ay sabay sabay pa nag palakpakan ang mga kumag. Ngisi ngisi pa ang iba gaya na lamang ni Marikit. 


“Oh, Senpai. Bakit nakasimangot ka? Nabitin ba kayo. Kulang pa ba ang limang minuto? Hahaha.” Pang aasar nito sa akin. 


“Leche..! Tara mag laro na ulit tayo.” Sikmat ko rito na ikinatawa na lang nito.


Ilang sandali pa ay si Christof naman ang lumitaw sa kinaroroonan namin. Gaya ko ay tinukso rin ito ng mga hinayupak. Sinakyan lang nito ang mga biro ng mga iyon kaya mas lalo pa akong naasar rito.


Tinipon na nito ang mga barya at isa isa ng tinapon sa pool. Muli na naman nag simula ang hanapan barya. Sumisid na naman ako sa ilalim at nakipag agawan sa mga lalaking ito.


Kailangan kong makuha iyon para naman makaganti ako kay Marikit. Yari talaga ito kapag nakuha ko ang benteng barya na iyon. Ngunit wala yata talaga sa akin ang swerte ngayon.


Dahil kasi sa ikatlong pagkakataon ay hindi ko na naman nakuha iyon. Si Abraham ang nakakuha. Pisting yawa.


“It’s payback time..! Hahaha.” Natatawa pang sabi nito sabay tingin sa mga kamag anak nito. 


Hindi ko na narinig ang sinasabi nito. Nakita ko na lang na inutusan nito ang Kuya Newt nito. Na agad naman sinunod ang inutos nito. Nag sipag hiyawan pa nga ang mga tao sa paligid.

Nang mapatingin ako sa gawi ni Newt ay sumasayaw ito ng pang macho dancer. Sinasayawan nito si Andrei. Literal na dinidikit din nito ang umbok ng pagkakatigas ng kargada nito sa pisngi ni Andrei. 


Putang ina. 


Ibang iba talaga ang mga trip sa kalokohan ng mag kakamag anak na ito. Extreme Level. Pota.



1 comment: