Sunday, January 9, 2022

TAKSIL - KABANATA 6




 Kabanata 6


"Ang Campus Hottie na si Christof."


Richard

Shit! Ang campus heartthrob na si Christof. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag lumapit ito sa akin. Makikita nya ang ginagawa nila Emmet at Endrick.

Kaya naman tumayo ako at agad ko syang nilapitan. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila papalayo kung saan naroon sila Emmet at Endrick. 

Hindi ko na tuloy na saksihan ang iba pang nangyari sa kanila. Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na nga sana mapapansin na mag kasiklop ang aming kamay kung hindi pa ito nag salita.

"Saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ni Christof na ikinatigil ko. Napatingin ako rito at kitang kita ko ang pangungunot ng noo nito, pero kahit ganun ay talagang napaka gwapo nito.

Isa ito sa mga lalaking pinagseselosan ni Emmet ng todo. Nabanggit ko kasi sa kanya noon na gwapo ito, syempre nagwapuhan lang ako. Hindi naman masama yun di ba? Napaka gwapo naman kasi talaga nito. Lalaking lalaki ang tindig. Napakaganda pa ng katawan. Kahit sinong taong maka kita dito ay yun ang unang mapapansin. Suplado nga lang to, straight kasi. 

Madami talagang nag kaka gusto rito, mapa babae man o lalaki. Halatang kayang kaya nitong painlove in ng napakabilis. Isa ito sa mga kinababaliwan sa buong campus. Tinitilian, sinusundan at hinahangaan talaga. 

Katulad ko ay sophomore na rin ito, engineering ang course na kinuha nito. Bukod kasi sa gwapo ito, mayaman ay napaka talino pa nito. Aktibo rin ito sa extra curriculum ng school at higit sa lahat miyembro ito ng basketball team ng university. Kaibigan ito ni Emmet. Sa pagkakaalam ko nga ay malayong kamag anak pa ito nito. Hindi ko lang matandaan kung ano yung exact words na sinabi ni Emmet sa akin.

Nakasimangot itong tumingin sa mga kamay namin. Doon lang ako natauhan at binitiwan ito. Tumingin ito sa akin na parang nag tatanong.

"Sorry" Yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Tumalikod na ako sa kanya at kumaripas ng takbo. Wala kasi ako maapuhap na sasabihin lalo pa't narinig ko na ang mga tilian ng mga kababaihan. 

Senyales na nag sidatingan na ang mga fans nito. Ganoon ito ka popular sa school namin. Kakalakad ko hindi ko na namalayan na napunta na pala ako sa college of Engineer na building. 

Allowed naman kami pumasok dito lalo na't narito ang isa sa may pinaka magandang library sa buong unibersidad. Nasa building rin nito ang mga estudyante na halos artistahin ang mga itsura. 

Ewan ko ba. Noong mag sabog yata ng mga kagwapuhan ang diyos ay nasalo ng buong department nito lahat lahat ng yun. Pucha.

Katulad na lang ng papalabas na tao ngayon sa building na ito. Ang kambal na si Gray at Black. Katulad ni Christof, ganoon din ka sikat ang dalawang to. Gwapo din at student athletes. Matatalino rin. Nasa kanila na talaga ang lahat. Buong angkan ata nito ay ganoon ang hulmahan ng mga mukha, grabeng mga genes yan.

Dahil sa pagkakagulo ng mga fans nito. Tumulpit tuloy ako  sa may gilid at natumba malapit sa tinatambayang puno ng grupo ng mga kalalakihan.

"Ayos ka lang ba?"  Pag angat ng mukha ko sa pag kaka tumba.

Nakita ko ang isang gwapo ring lalaki na nasa harap ko. Ito ang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Mukha ba akong ayos lang? Muntik na kaya akong masubsob dahil sa mga lintik na fans ng pamilya niyo.

"Okay lang, hindi ko din naman napansin ang pag bulusok ng mga fans nyo." Sagot ko dito. Inilahad nito ang mga kamay nito para tulungan ako sa pagtayo.

Sinama ko na siya sa mga taong may fans club, dahil isa rin naman talaga itong meron. Pinsan nito ang dalawang kambal na si Black at Gray. Gaya nga ng sabi ko kanina. Lahat ata ng pamilya nito gwapo at magaganda. Walang tapon.

"Salamat." Sagot ko dito. Marunong naman akong mag pasalamat.

"Alam mo, hawig mo ang Tito ko. Pareho kayong maganda na, pogi pa. Ang cool. Hahaha" Sabi nito sa akin na nakangiti. Titig na titig ito sa pagmumukha ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pag sasabi nito na maganda. Pero hinayaan ko na lang. Compliment naman siguro iyon. 

Naku..! Kung hindi ka lang gwapo eh. Teka, parang pamilyar sa akin ang itsura nito. Nakikita ko ito kapag nag tutungo ako sa gymnasium.

"Newt, Tara na. Ano pa ba ginagawa mo diyan.?" Sigaw ng isa sa kambal. Tinatawag nito ang kausap kong lalaki na NEWT pala ang pangalan.

"Oo, andyan na. Atat ka talaga kahit kailan, Gray. So paano, mag ingat ka na lang sa susunod. Sayang naman ang ganda ng mukha mo kung lupa lang ang hahalik." kumindat pa ito bago ako iniwan at sumama sa pinsan nito.

Kapag gwapo talaga ang nag pick up lines. Nakaka kilig. Shit.

Dahil maaga pa naman, ay pumasok na lang ako sa loob ng building nila para tumambay sa library. Doon na lang muna ako mag papa lipas ng oras. Wala naman ng naging aberya ang pag tambay ko. Kumuha lang ako ng kahit anong madampot kong libro sa estante at umupo sa may pinaka tagong lugar. 

Kailangan ko ng peace of mind. Lalo pa’t panay ang pasok ng mga imahe ng pakikipagtalik ni Emmet kay Endrick.

Binuksan ko ito at itinayo sa lamesa para kung sakaling may dumaan ay makita na nagbabasa ako. Subalit hindi naman iyon nakatulong. Talagang lumilipad pa rin ang isip ko papunta kila Emmet at Endrick. 

Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Tuluyan na bang nilabasan si Emmet at nilunok lahat ng best friend ko? O di kaya umalis muna sila sa school at nag desisyon ituloy sa apartment namin ang ginagawa nila. Shit. Nalilibugan na naman ako sa pag iisip pa lang ng ganoon.  Bakit ba kailangan kong maramdaman ang ganito. Nasisiraan na talaga ako ng bait.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Sinasaktan at trinatraydor na nga ako ng mga tao sa paligid ko, ay nakukuha ko pang malibugan. Ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila na ito ang nangyayari sa akin ngyona, na sa kabila ng pagtataksil ng jowa ko sa akin at best friend ko. Ay nagagawa ko pang malibugan.

Tiyak akong sandamakmak na pang aalipusta ang aanihin ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit nararamdaman ko ito eh. Alam ko naman na mali eh, pero yung libog na hatid nito sa akin ay kakaiba talaga. Nakakagago na ewan talaga.

Sa kakaisip ko hindi ko alam na may umupo na pala sa katapat ko. Bumalik na lang ako sa reyalidad ng bigla itong mag salita.

"Hindi ko akalain na nagbabasa ka ng mga ganyan. Hindi halata sa iyo, ah. Pilyo ka rin pala." Baritonong tinig na nanggaling sa tapat ko. Napatingin tuloy ako sa cover ng librong nadampot ko. 

"How to seduce a guy in one week. A very helpful guide"

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Agad kong binaba ang libro na nasa harap ko. Nakakahiya shuta. Tahimik na lang akong yumuko. Ayokong salubungin ang mga mata niya na nanunuri ang tingin. Sa dami dami ba naman kasing bakanteng upuan. Bakit dito pa ito pumuwesto. Sa tabi ko.

"Teka, sinusundan mo ba ako?" Salita nito na nag pataas ng kilay ko. Hindi ko tuloy napigilan na hindi sagutin ito ng pabalang.

"At bakit naman kita susundan, aber? Ako ang unang umupo rito." Balik tanong ko sa kanya. 

Lakas naman ng loob nitong sabihin sa akin yun. Hindi porket crush ko siya ay ganoon ganoon na lang mag yayabang ito. Basta talaga gwapo. Masyadong mahahangin.

"Eh, bakit nandito ka sa building namin? May sarili naman kayong library sa building nyo ah" Tanong pa rin nito sa akin. 

Maka namin ka ah, inyo inyo itong school?!

"Wala ka ng pakialam doon. Eh, sa gusto ko dito mag basa." Sagot ko rito. Hindi ko alam bakit napaka sungit nito sa akin. Simula ng ipakilala ito sa akin ni Emmet ay ganun na ito.

"Umamin ka na lang na sinusundan mo ako, nagbabasa ka pa ng ganyan. Alam ba yan ni Emmet?" Tanong ulit nito sa akin. Iniintriga pa ako ng tukmol.

"Hoy, wag ka ngang feeling dyan. Hindi lahat ng tao eh nagkakandarapa sayo noh. Saka hindi lang ikaw ang gwapo rito sa buong campus. Wala rin akong aaminin sayo dahil hindi naman totoo ang sinasabi mo. Itsura mo..” Napasigaw kong sabi sa kanya. Dahilan para sitsitan kami konting tao sa loob. Nahiya naman ako kaya tumahimik na lang ako. Kakainit ng ulo

So, gwapo pala ako sa paningin mo? That’s new. " Maya maya ay tanong nito ulit. Sa gulat ko ay napatanga na lang ako rito. Ngumisi tuloy itong nakaka loko. Dahilan para kumabog ang dibdib ko bigla. 

Paksyet! Ano yun? Bakit kailangan may ganoon.

"Crush mo ba ako, Chad?" Sunod na tanong nito sa akin. Mas lalo akong napipilan sa sinabi nito, medyo nag init pa nga ang mga pisngi ko ng bigla itong ngumiti ng pag katamis tamis. 

OMG! My heart. Kumalma ka, may boyfriend ka, Richard. Jusmiyo!.

"Namumula ka. So totoo nga, kaya lang gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong gawin mo o pag reresearch mo gaya ng binabasa mo ngayon ay hindi yan mag wowork sa akin. Kaya nag aaksaya ka lang ng oras at panahon mo diyan." Mahaba nitong lintanyasa akin.

Sasagot na sana ako sa akusasyon nya ng unahan ako ulit nito. Kaya natahimik na lang ako.

"Saka may boyfriend ka na. Kung ano anong kalandian pa ang iniisip mo. Hindi iyon tama. Saka hindi kita type." Sabi nito sa akin ng mariin. Hindi ko alam bakit ganun na lang ang sakit na naramdaman ko. Kaya naman tumayo na lang ako sa pag kakaupo at dali daling umalis ng library.

Lingid sa aking kaalaman may isang tao palang nakarinig ng aming usapan at mukhang nairecord pa ito.

Pulang pula ako sa galit at hiya. First time kong makaramdam ng ganito. Ang kapal ng mukha ng Christof na yun. Oo crush ko siya dahil nagagwapuhan lang ako sa kanya. Tangna nakakagigil sya. Kailangan ko na siyang i UNCRUSH. Masama pala talaga ang ugali niya. Puta siya.

Busy ako sa paglalakad ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ng Mama ko ang tumatawag.

Isinantabi ko muna ang inis ko para mapakalma ko ang sarili. Bago ko sinagot ang tawag.

"Hello, Ma. Napatawag po kayo?" Magalang na pag sagot ko rito.

“Anak, ang Papa mo na aksidente!" Humahagulgol nitong sagot sa akin. Binundol ng matinding kaba ang dibdib ko sa narinig ko rito.

"Teka. Ma, Anong nangyari? Paano siyang naaksidente? Nasaan na si Papa ngayon?" Taranta kong tanong rito. Nanlamig ang buo kong katawan sa tindi ng kaba ko.

"Papunta na ako ngayon sa ospital. Hindi ko rin alam kung anong nangyari basta itinawag na lang din sa akin na naaksidente nga.

Ang Papa mo, Richard..! Hindi ko kakayanin kung mawala siya sa atin, anak. Hindi ko kakayanin." Hagulgol nitong sambit sa akin.

Nag aalala ako sa Mama ko dahil hindi nito kaya ang ganoon grabeng emosyon, may altapresyon pa naman na ito. Kaya kahit naiiyak din ako sa nangyayari ay pinilit kong kumalma para magpakatatag sa Mama ko.

"Ma, calm down please. Everything will be okay. Malakas si Papa, I know kakayanin nya yun. Hindi pa nga natin alam ang nangyari kaya wag ka muna umiyak dyan. Makakasama sa iyo yan." Pag papakalma ko kay Mama.

"Okay, Anak. Nandito na ako sa ospital. Tatawagan na lang ulit kita mamaya anak." Hikbi pa rin nitong sabi sa akin.

Agad nitong pinutol ang tawag kahit hindi pa ako nakaka sagot rito, halata na ninenerbyos ito. Ganun na ganoon din ito ng malaman nitong naaksidente ako noon at mahulog sa puno ng niyog nun kabataan ko. Masyado itong nerbyosa.

Hindi ko na namalayan na naluluha na pala ako sa sobrang kaba at pag aalala. Napadasal tuloy ako ng tahimik dahil sa nangyari.

Lord, wag nyo pong pabayaan ang Papa ko. Kaming tatlo na lang ang magkakasangga sa buhay. Protektahan nyo po sya. Kahit ako na lang Lord, wag ang mga magulang ko. Parang awa niyo na po.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Ayoko lang din kasi na lokohin mo ang boyfriend mo. Alam kong hindi ka naman masamang tao, pero hindi kasi tama ang iniisip mo. Sorry na wag ka na umiyak. Kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko sayo kanina. Hindi na mauulit. "Narinig kong tinig na nagmula sa likod ko. 

Humarap ako rito at kita ko ang pag aalala nito sa luhaan kong itsura. Mukhang naipag kamali pa nito ang pag iyak ko sa nangyari sa amin kanina. 

Magsasalita pa sana ako upang itanggi rito ang akala nito, ng bigla na lang ako nitong yakapin ng mahigpit. Gusto ko mang bumitaw sa yakap nito, pero wala na akong lakas pa para makipag talo pa at itama ang mga maling paratang nito sa akin. 

Kaya naman hinayaan ko na lang damhin ang yakap nito. Mukhang kailangan ko rin naman kasi ng masasandalan sa mga oras na iyon.

Si Emmet sana ang kasama ko ngayon at dumadamay sa akin pero hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Malamang nasa klase na nito iyon o di kaya kasama pa rin ni Endrick at nagpapakasasa sa kahalayan.

Sa malapad at matigas na dibdib nito niya ako isinandal. Naririnig ko pa nga ang tibok ng puso nito. Kay Sarap lang nitong pakinggan at damhin. Hindi ko alam kung gaano na katagal kaming mag kayakap. Hinayaan lang ako nito umiyak sa dibdib nya.

Nasa ganitong tagpo kami naabutan ni Emmet at Endrick. Napabitiw ako bigla sa yakap ni Christof. Kita ko ang pag ngisi ni Endrick at pag bakas ng galit sa mga mata ni Emmet.

Mag papa liwanag sana ako ng bigla na lamang akong haltakin nito. Mabilis kaming nag lakad palayo kung saan naiwan nakatayo si Christof. Pakaladkad ako kung hilahin ni Emmet, dahilan para masaktan ako.

"Emmet, ano ba nasasaktan ako. Wag mo naman ako kaladkarin." Sabi ko sa kanya. Pero parang bingi si Emmet at hindi narinig ang sinabi ko. 

Tumigil lang kami ng makarating na kami sa nakaparada nyang sasakyan.

"Alam mo naman badtrip na badtrip ako dun kay Christof, sya pa talaga ang napili mong landiin?" Sigaw sa akin ni Emmet. 

Mukhang mali nga ito ng akala sa nakita nito sa amin ni Christof. Bakit ba ang dali sa mga tao ang manghusga agad. Hindi muna alamin ang katotohanan bago mag assume.

"Mali ang iniisip mo, Babe. Ano ka ba. Hayaan mo muna akong mag paliwanag." Sagot ko sa kanya. Ang dami ko na ngang iniisip. Nakuha pa ako nitong awayin.

"Hindi ako bulag, Rich. At kitang kita ng mga mata ko ang mahigpit na pag yayakapan nyo. Nasa hallway pa man din kayo ng school. Hindi ka na nahiya!" Naiinis na turan nito sa akin.

"Wow! Eh, ang pag papachupa mo kay Endrick dito mismo sa parking lot, matino bang maituturing?" Hindi ko na napigilang bulalas pa iyon sa kanya.

"Babe, kahilingan mo yun. Ikaw ang may gusto nun! Hindi ba nalilibugan ka pa nga. May consent mo yun! Sinabi sa akin ni Endrick na papayag ka. At Nakikita ko sa mga mata mo na gustong gusto mo yung ginagawa ko. Kaya wag mo sa aking isusumbat iyon." Balik sagot nito sa akin.

Tigalgal ako sa narinig ko kay Emmet, hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil half of me, ay nag aagree sa sinabi nya. Kagustuhan ko rin talaga na may mangyari sa kanila ni Endrick, pero hindi sa totoong buhay. Parte lang ng fantasy ko. 

Half of me gusto kong magalit at saktan siya sa panloloko nila sa akin. Pero hindi ko magawa. Bakit ganoon, gustong gusto ko talaga ang ginagawa nila. Ano bang problema mo Richard? Gumising ka na please. Masaktan ka na, mag wala ka. Hiwalayan mo na ang boyfriend mo.

Kung ganun lang sana kadali ang lahat. Kaso hindi. Mahal ko yang gago na yan eh. At walang taong makakaintindi sa akin. 

Putangina naman.

Napaiyak na lang ako sa nangyayari sa akin. Yun  na lang kasi ang tangi kong magagawa sa nangyayaring gulo sa isipan at damdamin ko. Nakakapagod pala.

Agad naman ako niyakap ni Emmet at hinaplos haplos ang buhok ko. Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Ang ng mahimasmasan ako ay kinausap nya ako ng mahinahon.

"Wag ka na umiyak, Babe. Hindi naman ako galit sayo. Basta wag ka na lang lumapit pa roon kay Christof. Naiintindihan mo ba?" Tanong nito sa akin matapos kong humiwalay ng yakap sa kanya.

Tumango na lang ako para matapos na, may malaki pa akong problema na dapat unahin hindi yung emosyon kong wala sa tamang huwisyo.

Dinala nya ako sa cafeteria at kumain na lang kami. Hindi na ako pumasok sa isa ko pang subject. Sinulit na lang namin ni Emmet ang oras namin. 

Mayamaya ay pinuntahan na ako ni Endrick at sinabing kailangan na namin pumasok sa next subject namin na humanities, dahil required daw yun. 

Kaya naman sumama na ako sa kanya. Parang wala lang ang nangyari sa amin. Well hindi naman nya alam na alam kong inaahas nya ang boyfriend ko.

Ganun na ganun pa rin naman ang trato nito sa akin, pero alam ko sa sarili ko na may nag bago na. Hindi na sya yung best friend ko na dapat kong pagkatiwalaan. 

Na alam ko na ngayon na sa likod ng mga ngiti nito ay nakatago ang pagpapanggap nito sa akin. Ganun pa rin naman ang pakikitungo ko sa kanya. Pero mas maingat na ako ngayon. 

Nang matapos ang huling klase namin ay hinatid muli ako nito sa parking area. Kung saan naroon ang sasakyan ni Emmet. Naabutan namin si Emmet na naghihintay sa pagdating ko. Natuwa naman ako na malaman na finally ay makakasabay ko muli siya.

Pasakay na sana ako sa harap sa tabi niya ng mag salita at pigilan ako ni  Endrick sumakay sa unahan.

"Bes, pwede bang dyan na lang ako umupo. Tutal mas una akong baba. Para hindi na rin mahirapan si Emmet, mamaya" Sabi nito sa akin. Tinignan ko si Emmet. At napakamot na lang ito ng ulo sa nangyayari. Ni hindi man lang nito magawang pigilan si Endrick.

"Sasabay ka ba sa amin ngayon, Endrick?" Tanong ni Emmet dito.

"Oo sana. Wala naman kasi akong gagawin na. Okay lang ba?" Tanong nito kay Emmet. Tumingin naman sa akin si Emmet.

Hindi pa nga ako nakaka sagot ng bigla ng pumasok si Endrick sa harapan ng sasakyan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumuwesto sa likuran.

Hindi ko ma gets kung paanong mahihirapan si Emmet, eh parehas lang din naman kami maiistorbo kung baba rin sya, mamaya.

Kailangan ko pa bang mag taka na gusto nitong sumabay for the first time. Hinayaan ko na lang para makauwi na rin kami. Kailangan ko pang tawagan si mama mamaya, hanggang ngayon kasi wala pa rin ang hinihintay kong tawag mula rito. Kaya kanina pa ako aligaga. 

Sa apartment ko na lang din siguro sasabihin kay Emmet, ang lahat. Mula sa inaakalang pag lalandi ko kay Christof at pati na rin ang nangyari kay Papa.

Hindi ko na pinansin pa kung ano man ang balak nila sa buhay nila. Ayoko ng guluhin pa ang utak ko at dagdagan ng kalibugan kapag nakita at pinansin ko na naman sila. 

Natauhan na nga lang ako ng tumigil na ang sasakyan at bumaba na si Endrick.

"Salamat Emmet, bukas ulit. Bes, ingat kayo." Sabi nitong di mawala ang mga ngiti sa labi. 

Tumango na lang ako. Hindi na ako lumipat pa sa harapan ni Emmet. Hinayaan ko na lang na mag mukha itong driver. Pagod na ako para kumilos pa. Mukhang napansin rin naman nito iyon.

Hindi ko na din namalayan na nakarating na pala kami sa apartment. Kundi pa ako tinawag ni Emmet.

“Okay ka lang ba, Babe? Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina. Sorry. Sorry na.” Sambit nito sa akin. Umiling lang ako rito. Lumabas na ako ng sasakyan nito at nauna ng mag lakad papasok sa apartment.

Nang nasa apartment na kami ay ikinuwento ko kay Emmet ang nangyari kay Papa. Masigasig naman itong nakinig. Ikwe Kwento ko na rin sana ang nangyari sa library at hallway ng biglang tumawag naman si Mama. Agad ko itong sinagot.

"Hello, Ma. Ano ng sitwasyon dyan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Umiiyak at halos paos ang boses nito na nag salita. Doon na ako lalong kinabahan.

"Anak, wala na ang papa mo. Iniwan na nya tayo, anak. Tayong dalawa na lang, simula ngayon. " Sagot nito habang humahagulgol.

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Mama. Napahagulgol na lang ako ng iyak sa nalaman ko. Nakita ni Emmet ang pag iyak ko kaya naman niyakap na lang ako nito.

"Uuwi muna ako Ma, bukas na bukas din ay uuwi ako riyan. Sasamahan kita." Sagot ko rito at hinayaan ko lang ito umiyak ng umiyak kasabay din ng pag iyak ko.

Nang mahimasmasan na kami pareho. Ikinuwento nito sa akin ang nangyari. Nabangga daw ng truck ang sasakyan ni Papa, dahilan para mahulog ito sa bangin. Dead on arrival daw ito ng makarating sa ospital. 

Hindi na sya natawagan ng mama niya kanina, dahil inasikaso pa nito ang lahat sa ospital. May aasikasuhin pa nga raw ito kaya nag paalam din agad ito sa akin at tatawag na lang ulit.

Pagkatapos naming mag usap ay agad na akong pumasok sa kwarto at inilabas ang maleta. Kailangan kong mag impake. Mabilis ang mga pagkilos na ginawa ko. Kailangan ako ni Mama. 

Sinundan naman ako ni Emmet sa silid at sinabing sasamahan ako nito umuwi sa probinsya. Sinabihan kong wag na pero gusto din daw nito na andun siya naka suporta sa akin. Umoo na lang ako para matapos na. Wala talaga akong gana makipag talo ngayon. Kaya dalawa kaming nag prepara ng mga damit na dadalhin namin.

Buong gabi lang akong umiyak kaya naman ng paalis na kami ng umaga, ay magang maga ang mga mata ko. Nakasakay na kami ng sasakyan at paalis na kami ng may biglang tumawag kay Emmet.

Kita ko sa mga mata nito ang biglaang galit, pero agad naman iyong nawala. Pag kababa niya ng tawag ay agad siyang tumingin sa akin.

Hindi nag salita. Iang minuto rin yun matapos patakbuhin nito ang sasakyan nito. Mayamaya lang ay itinigil nito ang sasakyan. Nagtataka ako bakit sa terminal ng cubao nya itinigil ang sasakyan.

"I'm sorry Babe, biglaang akong tinawagan ni Coach Jack, may importante raw itong sasabihin sa amin at hindi ako pwedeng wala. Gustuhin ko man na samahan ka, hindi talaga maaari. Sorry talaga, Babe. Promise susunod ako sa'yo agad." Salaysay nito sa akin.

"It's okay, Babe. Naiintindihan ko. Saka baka mapano pa ang scholarship mo dyan. Sige na, kaya ko naman to. Hindi mo naman talaga ako kailangan samahan pa. Okay lang ako, wag kana maguilty diyan." Sagot ko kay Emmet.

Niyakap naman ako nito at hinalikan bago ako hinatid nito sa bus na aking sasakyan. Nang matiyak nito na nakasakay na ako at masigurong okay na ako sa pwesto ko, ay nag paalam na ito.

Itinulog ko na lang ang buong byahe dahil puyat rin naman ako kagabi kaka iyak. Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala ako sa destinasyon ko.

Bumaba na ako at nag abang ng tricycle na masasakyan papunta sa bahay namin. Nang makukuha ay sinabi ko agad ang lugar kung saan kami tutungo.

Ilang saglit pa ay tanaw ko na ang bahay namin. Halos mag takipsilim na ng makarating ako sa bahay. Matapos makapag bayad sa driver ay agad akong sinalubong ng mama ko, nag yakapan kami at pareho kaming humagulgol ng iyak. 

Hindi na namin alintana ang mga tao sa paligid. Ibinuhos namin ang sakit at bigat ng puso namin sa mga oras na iyon. Kaming dalawa na lang ang mag kasangga simula ngayon. 

Inihatid ako nito kung saan nakahimlay ang aking ama. Halos wala na akong mailuha pa sa kakaiyak. 

Paano na kami ngayon? Paano na si Mama, nag aaral pa ako. Kakayanin pa ba namin ito? 

Mga tanong na pumasok sa aking isipan. Habang nakatingin ako sa aking ama na parang natutulog lang. Kay payapa ng itsura nito. Talagang iniwan na kami ng Papa ko.  Sana lang ay makayanan namin ito ni Mama. 

Lumipas ang isang araw. Dalawang araw na wala akong natanggap na tawag o text man lang mula kay Emmet. Hindi ko na rin ito napansin paa dahil sa busy din ako sa kakaasikaso ng mga kamag anak namin at mga kaibigan, ka trabaho ni papa na dumadalaw.

Tatlong araw lang kasi namin ibuburol si Papa, base na din sa kahilingan nito noong nabubuhay pa ito. Ayaw kasi nito na malungkot pa kami kung sakali daw na mamaalam ito.

Sa huling gabi ng lamay ay doon ko lang napagtanto na tumatawag si Emmet. Sasagot sana ako ng hello ng bigla kong marinig ang mga ungol na nagmula sa phone na hawak ko.

"AhhhHHhHHHhhhhh... Yes…  Fuck me hard, E-Emmet... AHHHHHH Fuck, that fucking ass... AHHhHHHHHhhhhhhh.... Yes, like that!.. Uuuggghhh... Fuck..! Ang sarap.... AHHhhhh.. AAHhHHhh AhhHHHHHHhhh.. I-Isagad mo pa ang burat mo, putang ina ka…! AhhhHhhhHHhh!. YEEEEEEES… AHhHHHHHhHHHh.."Halos manginig ang laman ko sa narinig ko. 

Hindi ko akalain na sa gitna ng problemang kinakaharap ko ngayon at pagluluksa ko. Ay nakukuha pa nitong mag TAKSIL sa akin. 

At sa kabila rin naman ng sitwasyon ko ay nakuha ko pang malibugan sa nangyayari. Hindi na ito healthy talaga sa akin. Ibababa ko na lang sana ang tawag ng mag salita ang boses na hinding hindi ko pwedeng makalimutan.

"Emmet, ako naman ang tirahin mo. Kanina pa ako natatakam sa burat mo. Please." Boses ni Endrick

"Mag hintay kang bakla ka, hindi ka mauubusan ng tamod ko marami ako nito… Putang ina..! AHhhHHHhHHHHhhhhh.. Putang ina, ang sarap... Uuuggghhh!... S-Sige lang sipsipin mo lang ang utong ko, ganyan nga.. Fuck…! habang kinakantot ko tong puta na to.. Shit..! AHhhHHhHhhhhhHhh.. P-Putang ina nyo, ang hahayok nyo sa burat..! AhhhHhhhHHhhhhhhhh.. SHIT..! AHhHHHHHH" Boses ni Emmet na siyang siya sa ginagawa.

Agad ko ng pinutol ang tawag. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang tawagan ako nito. Ganoon na ba talaga ang tingin sa akin ni Emmet. Na masisiyahan ako sa ginagawa nitong pagtataksil. 

Hindi ko na talaga alam pa ang mararamdaman ko. Kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naguilty pa nga ako ng akalain ni Mama na naiiyak ako dahil kay Papa, dahilan para umiyak din ito.

Isinantabi ko muna ang problema ko kay Emmet, mas kailangan ako dito ni mama, mas kailangan kong maging matatag para sa amin.

Kailangan ko itong unahin, kahit durog na durog at wasak na wasak na ako ng mga oras na iyon.

Ano ba ang kasalanan na nagawa ko at bakit kaailangan kong maranasan ang lahat ng ito. Pinaparusahan ba ako ng diyos?

Kinabukasan maaga pa lang ay nakagayak na kami. Ngayon na kasi ang araw na ililibing si Papa. Isang baldeng luha na naman ang aking iniyak matapos naming makapag paalam na rito.

Madali rin namang natapos ang seremonya at nailibing din si Papa ng matiwasay. Kaming dalawa na nga lang ng aking ina ang naiwan sa sementeryo. Nag iwan pa kasi ito ng huling mensahe bago kami umalis at bumalik sa aming tahanan.

Ayoko pa sana iwan ang aking ina pero ito na rin ang nagsabi na kailangan kong pumasok at tapusin ang pag aaral ko. May naiwan naman pera ang aking ama. Kaya kahit paano ay kakayanin yun ipantustos sa pag aaral ko. Hindi na nga lang sasapat pa ang makapag padala pa ng pera para sa aking baon sa araw araw.

Sinabi ko na lang sa mama ko na kakayanin ko at may naitabi naman akong pera nun huling padala nito. Titipirin ko na lamang iyon at agad na maghahanap ako ng trabaho. Upang matustusan ang baon ko sa araw araw.

Nag aalala man sa aking ina ay tumulak na ako paalis pabalik ng Maynila. Kasama nito ang pamangkin nito na si Kuya Bert na pinsan ko raw. Kaya wag na raw ako mag alala pa. First time ko lang ito nakita at nakilala. Kaya naman hindi ako masyadong palagay roon.

Gabi na halos ng makarating ako. Sa tindi ba naman ng trapik sa syudad, ay wala ka talagang mapapala kahit gaano ka pa kaaga umalis.

Nakarating ako ng apartment na parang wala lang nangyari. Wala sa apartment si Emmet. Kaya naman sinubukan ko itong tawagan kaya lamang ay hindi nito sinasagot ang tawag ko. 

Tinext ko na lamang ito na nakauwi na ako at tinanong kung nasaan ito. Nag reply naman ito ng na nasa bahay ng kaklase nito. At wag na daw syang abalang hintayin pa.

Dala na rin siguro ng pagod ay hindi na ako naka reply pa at nakatulog na lang habang hawak ko ang phone ko. Nagising ako kinabukasan ng wala pa rin si Emmet sa tabi ko. 

Tinawagan ko ito pero nakapatay na ang phone nito. Kaya naman agad na akong kumilos para mag prepara para pumasok. Mabuti na lang at nakapag email ako sa mga profs ko at naipaalam ang sitwasyon ko. Kaya hindi ako nag aalala pa.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating naman ako ng di nalelate sa school. Nag lalakad na ako sa hallway at nagtataka bakit panay ang tingin sa akin ng mga estudyante. 

Mayamaya lang ay may biglang humatak sa akin papunta sa bakanteng silid.

"Teka. Bakit ka ba bigla na lang nang hahatak at bakit ba dinala mo ako dito?" Sigaw ko sa taong humila sa akin.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo pinag kakalat na nilalandi kita?" Asik nito sa akin. Bakas ang inis sa mukha nito.

"Ano ba ang pinag sinasabi mo, Christof. Hindi kita naiintindihan?" Tanong ko d]rito. Kinuha nito ang cellphone nito at may hinanap ito doon. 

Ilang sandali pa ay itinapat nito iyon sa mukha ko. Halos ma windang ako sa picture na naka post sa Facebook account ko.

Picture namin ni Christof iyon, habang nag uusap sa may library. Hindi lang iyon. May isa pang larawan na kuha namin na magkayakap at may caption pang nakalagay na nag pawindang sa akin.

Happy to be with you.

Tang ina. Saan nanggaling iyon. Wala naman akong natatandaan na may pinost akong ganun. Hala ano na lang ang iisipin ni Emmet. Kaya ba hindi ako nito kinontak ng ilang araw at hindi man lang ito sumunod sa akin sa probinsya. Ito ba ang dahilan?

Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Christof. Nag pumiglas ako pero mas malakas ito kaya naman nag hilahan kami at parehas walang sumusuko, hanggang sa bumagsak kami pareho sa sahig.

Pabagsak akong nakapatong sa kanya dahil prinotektahan ako nito kaya ito ang napunta sa ilalim at ako sa ibabaw nya. Payakap pa itong nakahawak sa akin. Mukha tuloy kaming may ginagawa na hindi maganda sa posisyon namin ngayon.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan ng silid kung saan kami naroroon. Sa ganoong posisyon at tagpo kami naabutan at nakita ni Emmet. 

Halos manlaki ang mga mata ko ng napalingon ako rito. Tinitigan ako nito ng mariin, tahimik lang ito at hindi ko mabasa ngayon ang natakbo isip nito. Hindi ko alam kung galit ba ito sa nasaksihan, as in blangko. 

Matapos nito ay tinitigan din nito si Christof, tumayo ako ng mabilis at akmang lalapitan sana ito ng bigla na lang ito umalis sa harapan ko.

Tigalgal akong natulala sa ginawa nito. Napatingin ako kay Christof na nakatayo na. Paika ikang naglalakad at hirap na hirap pumaupo sa upuan. Hindi ko tuloy alam ang uunahin ko. 

Nasa pagitan ako ng pag habol kay Emmet at pag tulong kay Christof. Sino ba sa dalawa ang dapat kong unahin?

Mas inuna ko na lang si Christof dahil mukhang napilayan ito. Saka ako rin naman ang may dahilan kung bakit nagkaganito ito.

"Bakit nandito ka pa. Sundan mo na ang boyfriend mo at baka kung ano pa isipin nito sa nadatnan nyang posisyon natin kanina. Mukhang hindi pa naman maganda ang nakabusangot niyang itsura." Sagot nito sa akin habang tinitignan ko ang katawan nito.

Hindi ko iniintindi ang sinasabi nito. Abala ako sa pag check rito. Akmang tatanggalin ko ang butones ng suot nitong polo ng pigilan ako nito.

"Teka, anong ginagawa mo?" Tanong nito habang hawak ang kamay ko at pigil pigil nito.

"Gagahasain ka. Malamang titignan ko kung may pilay ka ba o pasa or kahit ano. Basta hayaan mo na lang ako." Sagot ko dito na sarkastiko. 

Nakuha naman nito ang nais kung ipahiwatig. Tumahimik na lang ito at hinayaan ako sa ginagawa ko. Nang mahubad ko na ang polo nito ay tumambad sa akin ang puti nitong sando na kababakatan ng firm at malaman nitong masels sa dibdib. Subalit hindi iyon ang nakapag patulala sa akin.

Kundi ang mga balahibo nitong sumisilip sa dibdib nito. Balbon pala si Christof. Hindi halata sa kanya. Literal na natulala ako sa dibdib nya, hindi ko tuloy na iwasan na mapakagat sa aking labi. Bumalik lang ako sa katinuan ng muli itong mag salita.

"Bakit hindi mo hinabol si Emmet. Baka mag away pa kayo o talagang gusto mo na mag away kayong dalawa?" Tanong nito sa akin. Nang ingtriga pa ang siraulo.

Iniangat ko ang sando nito at bumungad sa akin ang mga balahibo pa nito sa buong katawan nito. Napalunok na naman tuloy ako ng di sadya. Sinagot ko na lang ang tanong nya, para mawala sa isip ko ang mga kalaswaan na iniisip ko sa mga oras na iyon.

"Kung kilala nya talaga ako, hihintayin nya ang paliwanag ko. Nakahubad ba tayo ng makita niya? Naglalaplapan ba? Hindi naman. Magkapatong lang. 

At saka mas kailangan mo ako dito. Hindi naman bato ang puso ko para iwanan kita rito ng mag isa, na ganyan pa ang kalagayan mo." Sagot ko rito na ikinatahimik nito.

Kitang kita ko na ngayon ang namumula at mukhang pasa pa nga ang nasa tagiliran nito. Hinawakan ko ito at umaray ito ng konti.

"Mukhang mag papasa na ang tagiliran mo, halika kumapit ka sa akin at dalhin na kita sa clinic. Baka kung mapaano ka pa."Sambit ko rito.

"Wag na, galos lang ito. Mamaya lang magiging okay na ako. Iwan mo na ako at sundan mo na ang boyfriend mo." Pilit na pagtataboy nito sa akin. 

"Daig mo pa ang bata sa tigas ng ulo mo. Kumapit ka na sa akin at wag ka ng kumontra pa. Kundi kakaladkarin kita" Sagot kong may pag babanta dito.

Nang makita nitong seryoso ako sa sinabi ko ay umakbay na ito sa akin, at dahan dahan kaming lumabas ng silid na nito.Hirap man at mabagal ay pinilit ko syang tulungan maidala ko lang sya sa clinic at mabigyan ito ng paunang lunas.

Nakarating naman kami kahit tagaktak na ang pawis ko sa noo. Sa bigat at laking mama ba naman nito. Hindi ko siya iniwan hanggat hindi ko sigurado na okay na ito. 

Nang sinabi ng resident Doctor na okay na ito ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Pinayuhan rin ito na wag muna mag practice o mag buhat ng mabibigat na bagay para mas mabilis ang pag galing nito. Sumang ayon naman si Christof rito.

“Paano, mauna na ako. Sigurado kang okay ka na, ah?” Tanong ko muli rito. 

“Oo nga sabi. Narinig mo naman ang sinabi ni Doc. Kaya umalis ka na at puntahan mo na ang boyfriend mo. Papunta na rin naman na ang mga kaibigan ko rito. Sila na lang ang aalalay sa akin.

“Okay. Pasensya na ulit sa nangyari.” Sagot ko rito at agad ng nag paalam rito. Nakasalubong ko pa nga ang isa sa mga Tan.

Pumunta ako sa gym kung saan madalas tumambay si Emmet pag may practice or training ito. Pinag tanungan ko ang unang lalaki na nakita ko. Ang tangkad nito at ang gwapo rin. Grabe talaga ang lahi ng pamilya ng to.

"Hello, itatanong ko lang po sana kung nakita nyo po si Emmet" Tanong kong nahihiya dito.

"Si Emmet? Hmhmmm.. ilang araw na siyang hindi nag pupunta dito since na tinanggal sya sa line up ni Coach." Sagot nito sa akin. 

Tinanggal? kailan pa? Bakit hindi sinabi sa akin ni Emmet. Hindi bat kaya nga hindi ito nakasama dahil may importante raw na sasabihin ang Coach nito. Yun na ba ang importanteng sasabihin dito.

"Kailan pa po siya tinanggal?" Tanong ko rito pagkaraan nagulat ako sa sinabi nito.

"Luh. Wag mo naman ako, pinopo. Bata pa ako. Mukhang mag kasing edad lang tayo. Saka hindi ko na maalala eh. Teka tanong natin. Hey Brandon, Halika nga rito" Tawag nito sa isa pang gwapo.

"Bakit na naman, Thomas. Pinagalitan ka na naman ba ni coach? Panay laro kasi ng ML, bobo naman." Nag asaran pa sila sa harap ko at nagtatawanan.

"Gago! May itatanong lang ako. Kailan nga ba natanggal sa line up si Emmet?" Tanong nito kay Brandon. Na kilalang pilyo sa buong university.

"Simula nung mahuli siya ni Tito Jack na nagpachupa sa locker room. Gago rin kasi yun. Ang dami daming lugar na pwedeng gamitin. Doon pa talaga.  Akala naman nya pang hihinayangan sya ni Coach. Hahaha. Yan tuloy. Ano na ba kasing nangyayari roon sa lalaking iyon. Ang laki ng pinag bago." Sagot nito na mas ikinabigla ko pa.

Ano bang nangyayari kay Emmet. Bakit ba ganun ang ginagawa nito? Hindi naman ito dating ganoon ah.

"Oh, Christof. Anong nangyari sayo at ganyan ka mag lakad. Nag patuli ka ba?" Sabi nito ni Brandon sa taong nasa likod ko.

"Gago. Nahulog ako sa hagdan. Magsasabi sana ako kay Coach na hindi ako makakasama sa practice ng isang linggo. Nandyan ba siya?" Sagot ni Christof na naka lapit na sa pwesto ko. Kasama nito ang nakasalubong ko na lalaki kanina.

"Nakaalis na siya kanina pa. Kay Kuya Tristan mo na lang sabihin. Paano kaba nahulog sa hagdan? Kumusta naman ang hagdan?" Wika naman nun Thomas.

“Tarantado ka talaga.” Sikmat naman ni Christof rito. Papunta pala ito dito. Sana pala ay nag sabay na kami.

"Sige po, una na po ako." Sagot ko sa kanilang tatlo.

"Wag bata ka pa." Biro sa akin ni Brandon.

"Teka sabay na ako sa'yo, para naman maalalayan mo ako." Sabi ni Christof. Kita mo to.

“Akala ko ba kakausapin mo pa si Tristan?” Tanong ko rito. Nalilito kasi ako sa gulo nitong mag isip.

“Silang dalawa na ang nagsasabi sa kanya. Di ba?” Wika nito sa dalawang ungas na nag kibit balikat lang.

“So, hindi na ako kailangan rito?” Tanong naman g lalaking nakasalubong ko kanina. 

Walang pumansin rito kaya napamura ito. Agad naman akong inakbayan ni Christof at nag simula na kaming mag lakad. Tahimik lang ako habang inaalalayan ito. Noong medyo malayo na kami sa gym ay nag salita ito.

"Alam mo na ba kung nasaan si Emmet?" Tanong nito sa akin. 

Hinahanap ko nga di ba, pupunta ba ako sa gym kung alam ko. Nakakainis naman ito.

"Hindi ko alam na tinanggal pala sa line up si Emmet?" Tanong ko dito na hindi sinasagot ang tanong nito.

"May ginawa kasi sya na hindi nagustuhan ni Coach Jack. Mahigpit na ipinagbabawal yun ni Coach. Gawin na sa kahit saan wag lang sa loob ng locker room." Sagot nito na hindi pa sinasabi kung ano ginawa ni Emmet. Akala siguro nito ay hindi ko pa alam.

"Yung pagpapachupa nya. Yun ba yung ginawa nya na naging dahilan ng pagkakatanggal niya." Tanong ko drito. Nahihiya naman na napatango ito sa akin.

“Alam mo na pala. Hindi naman siya inalis totally ni Coach Jack. Sa starting lineup lang. Ka team pa rin naman namin siya. Siya lang talaga ang nag desisyon na umalis ng kusa. Hindi na siya umattend ng practice.” Sagot nito sa akin.

Wala naman akong masabi rito kung bakit nag kaganun si Emmet. Dahil maging ako ay walang alam sa nangyari. Ngayon ko nga lang din iyon nalaman.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin, pero hindi ko alam kung sino ang nag post ng picture natin sa mismong fb account ko. Pero sigurado akong hindi ako yun." Madiin kong sabi rito.

"Naniniwala naman ako sayo. Kasi sa gulat mo pa lang kanina nun kinompronta kita, dun palang nalaman ko na. Kaya wag mo ng isipin pa iyon." Sagot nito sa akin.

Kung sana ganyan din ang nasa isip ni Emmet ngayon. Di sana wala kaming problema ngayon. Parang ang layo layo na ng agwat namin sa isat isa. Nag simula lang naman ang lahat ng ito simula ng makilala nito si Stephen.

Parang hindi na tuloy sya yung taong minahal ko. Emmet nasaan ka na ba? Ano na ba ang nangyayari sayo?.

Dahil late na din ako sa unang subject ko ay nag decide na lang ako na hindi na pumasok. Tiyak rin kasi na hindi ako makapag concentrate sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Tatambay na lang muna ako sa cafeteria.

"Pupunta ako ng cafeteria. Saan ba punta mo?" Tanong ko rito pagkaraan.

"Ah, doon din. Wala yung prof namin ngayon eh. Kaya bakante ang oras ko ngayon. Tamang tama lang din sa sitwasyon ko." Sagot nito. Kaya naman sabay na rin kami pumunta ng cafeteria.

Nakaupo na kami at nakabile ng maiinom ng biglang pumasok si Emmet kasama nya si Endrick. Nang makita ako ng Bes kong ahas ay kinawayan ako nito. Umorder muna ito, bago tumabi sa amin kasama si Emmet. Kasama lang pala ito ng AHAS.

Nakatingin lang ako kay Emmet at ganun din naman ito sa akin pero hindi kami nag uusap. Panay si Endrick lang ang salita ng salita.

"Bes hindi ka din pala pumasok? Buti na lang nakita kita. Kamusta ka na? Condolence nga pala sa nangyari sa Papa mo. Kung hindi ko pa tinanong kay Emmet hindi ko pa malalaman ang nangyari sayo." Sabi nito sa akin sa malungkot na tinig. PLASTIK.

Napalingon sa akin si Christof. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang awkward nga ng paligid namin eh. Pero parang mas masaya pa ang ahas kong kaibigan sa nangyayari.

"Hi, Christof. Hindi ko akalain na close pala kayo ni Bes.?" Tanong nito kay Christof. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Wala akong ganang makipag usap sa plastik at ahas. Maya maya ay biglang nag salita si Emmet.

"Rich, baka mag punta si Stephen sa apartment mamaya. Doon daw muna siya makikitulog. Since pinaparenovate ang bahay nila." Sabi nito sa akin.

"Wala ba siyang ibang pwedeng tuluyan?" Tanong ko rito. Saka mukha namang mayaman ang taong iyon. Bakit kailangan na makipisan pa sa amin.

"Papayag ba ako kung meron." Sagot nito sa akin na pabalang. Halata ang inis sa boses nito. Hindi ko na lamang iyon pinatulan.

"Hanggang kailan naman siya mag stay sa apartment?" Tanong ko muli rito. May bakanteng kwarto naman doon.

"Hindi ko alam. Siguro, hanggang matapos ang pinapaayos nila. Wag kang mag alala makikishare daw sya ng gastusin. Saka babayaran nya ang pag tira nya dun." Sagot nito sa akin.

Apartment naman ng pamilya nila yun. Kaya wala naman akong karapatan tumanggi pa. Kahit ayaw ko. Saka mukhang nakapag desisyon ka naman na bago mo pa ipaalam sa akin. Kaya anong pang saysay nun. 

Tumango na lang ako at di na nag salita pa. Panay ang usap ni Endrick kay Christof. Sinasagot naman ito ng patapos na mga sagot, pero masigasig si Bes at gusto kaibiganin si Christof kahit halata mo naman na ayaw ng tao na kausap ito.

Nang naubos ko ang iniinom ko ay tumayo na ako at nag paalam sa mga ito. Sinabing mag CCR pa ako bago pumunta sa next subject ko. Hindi ko na rin tinanong pa si Endrick kung papasok ba sya. Wala talaga ako sa mood makipag plastikan ngayon. Alam kong ramdam ni Emmet na naiinis ako pero kung noon ay sinusuyo ako nito, ngayon ay hinayaan na lang ako nito.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang fb account ko. Hindi ko malog in ang account ko, so may nag hack nun. Wala naman akong masyadong importante na nakalagay dun na mapapahamak sa akin doon. 

Kaya nag desisyon na lang ako na gumawa na ng bago at iannounce na hinack ang fb account ko. Buong araw akong nag isip at inassess ang sarili ko. Iniisip ko, kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ano ba ang dapat kong maramdaman.?

At isa lang ang sagot na nakuha ko sa sarili ko. NASASAKTAN ako. Natatakpan lang ito ng libog pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis pero hanggat kailangan ko pa ang apartment at alam kong mahal ko pa si Emmet, alam kong magtitiis at magtitiis ako. Yun ang pinaka sigurado.

Sumapit ang uwian at hindi ko na inaasahan pang makakasabay ko si Emmet. Kaya umuwi na lang ako mag isa at nag commute.

Nang makapasok ang ng apartment ay agad na akong nag bihis at nilinis ang buong bahay. Nakakahiya naman kung makalat sa bahay pag naabutan ng bisita. Inalis ko na rin ang iba pang gamit namin na nakalagay sa kabilang silid. 

Nag lalampaso na ako ng sahig ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Emmet. Bakas ang pag kaasar sa mukha nito.

"Bakit hindi ka sumabay sa akin? Mukha akong tanga kakahintay sayo dun pero nakauwi ka na pala. Tang ina..!" Galit na turan nito sa akin. 

"Akala ko may project ka na naman na gagawin, eh. Kaya dumiretso na ako ng uwi. Ganun naman palagi hindi ba. Kaya ako na lang ang nag adjust." Walang ka gana gana kong sagot sa kanya.

"Sumabay ka ba kay Christof? Siya ba ang kasabay mo kanina, kaya hindi mo na ako naalala..? Ha!" Sigaw nito sa akin. Wow. Ako pa talaga ang babaliktarin nito at gagawan ng isyu. 

"Hindi ko sya kasabay. Bakit naman ako sasabay sa kanya eh hindi naman kami close nung tao na yun." Sagot ko rito. Pinipili ko pa rin na mag paka hinahon.

"Hindi yan ang nakikita ko sa tuwing makikita ko kayong mag kasama. Palagi ko ko pa ngang nakikita na nasa alanganin kayong posisyon..!" Asik pa rin nito sa akin.

"Alam mo, Emmet. Sana sumali ka na lang sa isang segment sa Eat Bulaga. Tutal napaka judgemental mo naman pala. Mananalo ka dun. Ang tindi kasi ng imahinasyon mo. Nakakabilib." Hindi ko na natiis na sagutin ito. Nakaka putang ina na kasi.

Hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos nun. Narinig ko na lang na pumasok ito ng kwarto namin at pabalibag na isinara yun. 

Mayamaya ay lumabas ito may dalang tuwalya. Mukhang maliligo. Ilang saglit lang ang lumipas ng marinig ko ang mga katok sa pintuan. Ako na lang ang bumukas since nasa banyo si Emmet at naliligo.

Bumungad sa akin ang isang lalaki na madalas ko lang makita sa mga videos na ipinadala noon ni Emmet. First time kaming mag kakitaan sa personal. Harap harapan.

"Oh, Hello dear. You must be, Richard. I'm Stephen, finally I'm meeting you at last." Sabi nito sabay beso sa akin.

Siguro ganitong ganito ang naramdaman ni Jesus nung hinalikan siya ni Hudas matapos siyang traydurin. 

Saktong papasok ito ng bumukas ang pintuan ng banyo at iluwa nun si Emmet, na tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan nito. Kitang kita ko ang pagnanasa na bumakas sa mukha ni Stephen.

"Wow. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan kasarap ang natikman ko. Shit..! Ooooppppssss… I’m Sorry. Hindi ko mapigilan sabihin ang nasa isip ko. Aminin mo naman kasi. Sobrang sarap naman kasi ni Emmet." Hinging paumanhin nito sa akin subalit nakangisi naman at mukhang labas sa ilong ang paghingi ng paumanhin. Kibit balikat lang si Emmet. At proud pang ibinandera ang halos hubad na nitong katawan.

Hindi ko tuloy nakita ang pagsilay ng mga ngiti muli sa labi ni Stephen. Ang nakakalokong mga ngiti na halatang may balak na masama sa akin.

Lingid sa aking kaalaman, ito na pala ang magiging simula ng paghihirap ko sa bahay na ito.




No comments:

Post a Comment